Akin Ka, Ako'y Sayo

140 6 0
                                    

Isang araw ay tumingin sa kalangitan

Doon pinagmasdan ang mga bituin na makikinang

Ngumiti kasabay ng isang kahilingan

Na sana ang isang lalaki na tunay akong mamahalin ay matagpuan

Naghintay, gumabi, umaraw, at naghintay muli

Hanggang sa natuon ang pansin sa aking sarili

Mamahalin ko muna ang sarili ko, bago ang ibang tao ang aking sabi

Pero hindi inakala na sa sandaling ako'y napagod na maghintay saka naman dadating

Pag-ibig na hindi ko akalaing mararanasan

Sa murang edad ay tila ba isang kasalanan

Ngunit ang pagmamahal ay siyang nagdudulot ng labis na kasiyahan

Problema sa pamilya ay tuluyang nakalimutan

Dumating ang panalangin ko

Siya ay hindi perpekto pero sa kanya lang ako totoo

Nalalabas ang mga itinatago

Sa kanya ay walang sekreto

Ang araw ay kompleto dahil sa kanya

At ang aming pangako, siya'y akin at ako'y sa kanya

Marami ang nagdaan, taon ang binilang

Naging mas matatag kahit minsan ay nagkakatampuhan

Ngunit ang taong bumuo sa akin

Ang aking panalangin

Ay hindi ko akalain

Na pagkatapos akong buuin ay sisirain din

Sumaya, naging malaya sa piling n'ya

Ginawa ang mga bagay na hindi iniisip ang sasabihin ng iba

Naging bilanggo sa mapanlinlang na mundo

Pag-ibig ang kahinaan kaya ay natalo

Umiyak, nagalit, nabigo

Ngunit hindi huminto, lumaban at tumayo

Ang dating iniyakan ay ngayo'y pinapasalamatan

Dahil sa kanya'y pansamantalang naibsan ang kalungkutan

Hindi man naging madali nung una na magpatawad

Ngunit ng tumagal ay natuto din at hindi na naghangad

Ng paghihiganti, at paunti-unti nang umunlad

Hindi lang natuto, marami pang napagtanto at kailan man ay 'di tutulad

Sa taong mapagkunwari at nilaro ang damdamin hanggang sa masagad

Pag-ibig na ipinangako ay hindi na natupad

Akin ka at Sayo ako

Ngayon ay ala-ala nalang sa'yo

Ang pangako natin ay mabilis na naglaho

At kahit na anong gawin ay hindi na magkakatotoo

MALALIM (Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon