Huli na

240 6 0
                                    

Lahat ng bagay ay may katapusan

Pilitin man ay hindi natin ito mapipigilan

Sa layo ng ating narating

Sa huli ito'y wala ring kabuluhan

Ang buhay ay tila isang kasinungalingan lamang

Gawin man natin lahat ay hindi parin sapat dahil sa limitado lamang ang ating kaalaman

Ano nga ba ang mahalaga?

Sa buhay.....paano ka tataya?

Kung ibigay mo man ang lahat ano ang kasiguraduhan mo na ginawa mo ang tama?

Ang iyong nararamdaman marahil ngayon

Ay ginawa upang ika'y linlangin lamang

At ang iniisip mong kakampi ay ang tunay mong kalaban

Sa simula ay biktima lahat

Sa isang larong mahirap alamin kung sino ang makakaangat

Mandaya ka man ay wala kang ligtas

Sapagkat bawat galaw mo ay nakaguhit na sa iyong palad

Sino ang matitira sa huli?

Sino ang maiiwan sa ere?

Ikaw kaya ay maliligtas o isa ka sa mga hindi makakatakas

Sa isang uri ng karera

Paano mo masasabi na panalo ka?

Kung ang nauuna ay nahuhuli at ang nahuhuli ay nauuna

Mag-isip isip ka, tama ba ang tinahak mong landas?

Ang iyong pinaniniwalaan ay hindi ka ba ilalaglag?

Ikaw ba ay nilito, nilinlang, at nagbago?

May pagkakataon ka pa na itama ang mga mali mo

Sapat pa ang natitirang oras para makapag-isip ka

Ano nga ba talaga ang mahalaga?

Nakatuon ba ang atensyon mo sa kasinungalingan na nakakahalina?

Pwes dapat lang na lumihis ka

Dahil sa huli ay magsisisi ka

Sa huli kapag tapos na at hindi mo na maitatama

Ang maling akala mo ay tama

MALALIM (Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon