Ang isip ay sadyang makapangyarihan
Kontrolado mo man ay mahirap pigilan ang malikot nitong nalalaman
Minsan ay natatakot ka kahit na hindi mo pa nararanasan
Nangangamba kahit na wala ka pang nagagawa
Natataranta kahit na wala namang mangyayaring masama
Minsan ang isip natin ay kino-kontrol na tayo
Kapag may gusto tayong makamit ay nauunahan tayo ng takot
At minsan ay wala na tayong ibang magawa kundi ang mag-isip nalang ng kung ano-ano
At ito ay nagsasanhi ng tinatawag nilang depresyon sa tao
BINABASA MO ANG
MALALIM (Tula)
PoetryNakakamangha ang mga tula dahil hindi lang ito nakakapagpahayag ng damdamin, ito ay nakakapag-bigay aral din.