Malaya

123 6 0
                                    

Simple lang naman ang hinihiling n'ya

Ang maging masaya at maging malaya

Gusto n'yang tumakas sa mundo na meron s'ya

Pero hindi n'ya alam kung paano magsisimula

Nabuhay s'ya na karamay ang katahimikan

Mas ninais n'yang mapag-isa

Mas mabuti na daw yun kaysa makasama

Ang mga taong nagpapahirap sa kalooban n'ya

Naghintay s'ya ng matagal

Gusto n'yang iwan ang lahat

Kahit na pansamantala

Gusto niyang tuluyang makalaya

Sa rehas na ginagalawan n'ya

Hirap na hirap na ang kalooban n'ya

Ang dibdib n'ya ay parang sasabog na

Ang katawan ay hindi na n'ya ramdam pa

Para bang tuluyan na s'yang nawalan ng gana


Kinain s'ya ng araw araw na kalungkutan

At sa gabi nama'y ang matulog ay hirap s'ya

Ayaw na n'yang harapin ang umaga

Dahil kasabay nun ay ang katotohanan na iniiwasan n'ya


Napapikit s'ya sa hirap na nararamdaman

Gustuhin n'ya mang sumigaw ay hindi n'ya magawa

Hirap na hirap na s'yang alisin ang mga nakagapos sa kanya

Ang mga ala-ala ng nakaraan at dilim ng kasalukuyan

Mga tanikalang hindi n'ya alam kung paano makakawala

MALALIM (Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon