Lilipad hanggang sa mapagodPapanuorin ang araw na palubog
Uupo sa buhangin
Pipikit hanggang sa makatulog ng mahimbing
Pagmamasdan ang mga ibon
Habang iniisip ang mga tanong
Isip ay binabagabag
Puso ay hindi mahanap
Nanamnamin ang sakit
Huhugot ng maraming hangin
Kakausapin ang salamin
Mahal kita, ang kanyang sabi
Kailan ka babalik sa dati?
Pilit na pinapakalma ang sarili
Nalunod na sa labis na pighati
Sinasakal bawat sandali
Hindi mahanap ang daan pabalik
Ano ba ang nangyari?
Saan ka ba nagkamali?
Ang tanong niya na may pagsisisi
BINABASA MO ANG
MALALIM (Tula)
PoetryNakakamangha ang mga tula dahil hindi lang ito nakakapagpahayag ng damdamin, ito ay nakakapag-bigay aral din.