Naramdaman mo ba?
Wala na ang dating siya
Mga mata'y nawalan ng sigla
Pighati ang tanging nadarama
Na tila hindi na matatapos pa
Gustuhin mang sumigaw
Damhin bawat galaw
Maging totoo sa nadarama
Ay hindi niya alam paano magagawa
Nalunod na sa sakit
Kutsilyo sa puso'y itinarak ng paulit-ulit
Araw ay tila isang sumpa
Takot s'ya pati sa sariling mga mata
Ito'y wala ng emosyong ipinapakita
Dahil sa isang maling desisyon na kanyang nagawa
Hindi niya alam kailan maghihilom ang kanyang sugat
Ang awa sa sarili ay hindi alam paano pa magwawakas
Mundong ginagalawan ay bigla nalang nag-iba
Simula noong nawala siya't namayapa
BINABASA MO ANG
MALALIM (Tula)
PoetryNakakamangha ang mga tula dahil hindi lang ito nakakapagpahayag ng damdamin, ito ay nakakapag-bigay aral din.