A/N: Hindi ako magsasawang mag-thank you sa mga nagtyatyagang maghintay ng update. Salamat po talaga sa inyo. Salamat sa mga nagbabasa, kahit kaunti lang kayo, namomotivate pa din ako. Mahal ko kayo huhuhu.
Enjoy! Mwah.
“Don’t you dare apologize to me! I don’t need your sorry! What I need is for you to pass me a report and explanation why the fuck our products did not reached Taiwan!” galit na ibinagsak ni Trail ang mga kamay sa mesa. Tila natakot naman ang head ng Marketing Team.
“Y-yes, Sir, I’ll pass it by tomorrow.”
He pinched the bridge of his nose. Ang pinaka-kinaiinisan niyang bagay ay yung mga walang kuwenta. At na-aapply din iyon sa tao.
“Ayusin ninyo ang mga trabaho ninyo at ayaw ko ng mauulit pa ito. You are now all dismissed. Meeting adjourned.”
“Thank you, Sir.”
“Salamat, Sir.
“Thank you po, Sir Trail.”
Mabilis na nagsilabasan ang mga empleyado niya. Lahat ay takot mabalingan ng galit niya at mapaalis sa trabaho.
Hindi lingid sa kaalaman niya na ilan sa mga empleyado niya ay binansagan na siyang Firing Freak. Dahil madalas siyang magtanggal ng trabahador lalo na kung wala namang silbi ang mga iyon.
Magmula nang umalis siya sa puder ng mapagkontrol niyang mga magulang ay siya na ang mag-isang nagtayo ng Buenavista Fisheries. Gamit ang ipon niya mula kolehiyo, binili niya ang isang maliit na isla na nasa dulong parte na ng Pilipinas at halos parte na ng Malaysia, at nagtayo ng sarili niyang kumpanya.
Tila sinusuwerte din naman ang negosyo niya, ang isla ay mayaman sa mga pagkaing dagat at iyon ang produktong ineexport nila sa iba’t ibang parte ng Asya at Europa. Sumikat din ang islang iyon sa ilalim ng pangalan na Isla Buenavista, kaya naman binili na din niya ang iba pa nitong kalapit na isla at nagtayo ng private beach resort at hotels doon. Maraming mayayamang negosyante na gustong mag- island hopping at magrelax ang nagpapareserve sa resort nila.
At ngayon, katulong na niya ang mga kapatid na Chase at Cruel sa pagpapatakbo ng isla. Kaya wala siyang takot kahit na hindi siya madalas magpunta sa katabing isla, alam naman niyang pinatatakbo iyon ng maayos ng mga kapatid.
Ihinilig niya ang likod sa swivel chair. Kinuha niya ang cellphone sa loob ng coat na suot at dinial ang numero ng kaibigan. Matapos ang ilang rings ay sumagot iyon.
“Hello, Mirkov?”
“Hello, Trail, my man. What's the matter?” direct to the point na tanong nito. Mirkov Thalassa owns the largest cruise ships in the world at halos hindi na mabilang ang mga pag-aari nitong barko. Isa ito sa mga malalapit niyang kaibigan at ito rin ang madalas na tumutulong sa kaniya sa tuwing nagkakaroon sila ng problema sa pag-eexport ng mga produkto.
He sighed. “We had a problem in exporting our giant lobsters. Help us, please?”
“Shit, don't use the word ‘please’ okay? You are giving me creeps.”
“You're an asshole.”
“I know, fucker. Anyway, I’ll just lend you a ship. Naririto pa ako sa Cambodia kaya baka hindi ako makapaghatid nun. Ipapahatid ko na lang sa mga tauhan ko. Matagal tagal pa akong babalik diyan sa Pilipinas.”
“Okay, malunod ka na sana diyan.”
“Same to you, dude. Good bye and you are fucking welcome,” ibinaba na niya ang tawag.
He sighed. Ito ang stress na idinudulot sa kaniya ng kumpanya, kaya naman he always hire the best employees and discard the undervaluable ones. Iyon ang naging susi ng tagumpay ng kumpanya niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/190762375-288-k498529.jpg)
BINABASA MO ANG
BUENAVISTA BROTHERS 1: Trail Buenavista (COMPLETED)
Aktuelle LiteraturTrail never liked his controlling parents. Ngunit gaya ng palagi nitong itinatatak sa kukote nilang magkakapatid, hangga't nasa puder sila ng mga magulang, wala silang karapatan magreklamo sa lahat ng ipinag-uutos ng mga ito. Kahit pa tungkol iyon s...