TWENTY ONE

5.8K 126 14
                                    

A/N: Heeeeellllooooooo it's me. (CHAR HAHAHAHAHAA) yep. Ito na ang update pagkatapos ng aking mahigit isang buwan na hiatus.

Malugod ko pong ipinaaalam sa inyo na ako ay nakaadjust na sa aking bagong schedule sa school at nakahanap na ng boarding house huhuhuhu thank you talaga Papa G!

Anyway highway, BABALIK NA AKO SA PAGSULAT YEEEY! Maraming salamat po sa mga naghintay. Labs na labs ko po kayo. 💗💖

-WRMS.
PS. May typo. (At baka may kaunting mali sa grammar hehehe. Sinusulat ko kasi to habang laboratory namin ng Welding 🤣🤣🤣)

Happy reading, everyone!


"Ahh! Shet, ang gaguwapo ng mga tinderoo, bakla! Mga fafa!"

"Ang yummy, bessy. Pak na pak! Abs pa lang ulam na!"

"Juskolored! Sana palaging may milagro sa isla natin, day! Gantong klaseng pawisin ang bet ko!"

"Mga kuya! Iuwi niyo na 'ko!"

"Kuya, pa-kiss! Pakyawin ko na yang tinda mooo!"

E kung ikaw kaya ang PACQUIO-win ko dyan. Isampal ko sayo yang bangus na hawak mo. Gusto sanang sabihin ni Pursue ang nasaisip sa lahat ng babaeng pasimpleng humahawak sa braso ng kasintahan niya. Ngunit kahit sabihin pa niya iyon, wala din namang mangyayari. Isa pa, katakut-takot na ingay ang kasalukuyang nakapaligid sa puwesto nila.


Nagngingitngit ang kalooban niya habang pinanonood ang mga tao na nagkakagulo sa harap ng puwesto nila sa palengke ng Isla Walang Pangalan. Paano ay ang mga kapatid niya ang nagtitinda doon, hindi lang iyon, sumama pa si Trail na ngayon ay pare-pareho ng topless na akala mo katawan ang ibinebenta at hindi isda. Pare-pareho ding may puting hand towel na nakabalot sa ulo ng mga ito.

Mainit kasi doon dahil sa dami ng tao. Parang pila sa sine. Blockbuster, mga ateng!

Ilang araw na din kasi ang nakakalipas mula nang tuluyang maka-recover ang binata at makalabas sila ospital. Kaya naman ilang araw na din mula noong makabalik siya sa pagtitinda sa pamilihang bayan.

Nakumpirma na din ang katotohanan. Na talagang mag-ama nga sila ng Daddy Peter niya. At kasalukuyang nasa mansiyon nila sa kabayanan ng Palawan ang kaniyang ama at nag-aasikaso ng mga papeles para ipalegal ang pagbabago sa pangalan niya.

Ngunit kahit ganoon ay gusto pa din niya ang nakagisnan na buhay, at hindi naman tutol doon ang daddy niya. Isa pa, ayaw niyang nalulungkot si Nanay Lita. Ito pa din ang nakagisnan niyang magulang at wala siyang balak iwan ito at ang nga kapatid.

Mas lalo siyang napasimangot nang maalala kung bakit nandoon si Trail at kasama nilang nagtitinda. Nangako kasi ito sa kaniya na babawi ito dahil sa nangyari noon sa opisina nito.

"I'm sorry. Pangako, babawi ako sayo. I'll do anything to gain your trust again."

Ngumisi siya. "Anything?" She teasingly said.

Kunot-noong tumingin ito sa kaniya. "Did I just had a bad feeling about this?"

"Aish!" inis na palatak niya. Parang hindi na maalis ang lukot sa mukha niya. Naisipan kasi niyang pagtindahin ito ng isda kasama nila at padanasin ng hirap sa palengke. Ngunit sa minalas-malas ay tila nawala sa isip niya ang 'fisheries' sa kumpanya nito.

BUENAVISTA BROTHERS 1: Trail Buenavista (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon