EPILOGUE: ONE

6.4K 144 19
                                    

A/N: Hi guys! First of all, I really want to apologize for the delay update. I've been so busy these days and I could hardly find any time to write (kahit tulog kulang na kulang na din ako huhuhu) 💔💔💔 Second, I want to thank you all lalo na sa mga matiyagang naghihintay ng update. I love you guysss. And lastly, salamat sa mga sumubaybay ng pagmamahalan nina Crazy at Lolo. At para hindi naman masayang ang paghihintay nyo, hinati ko ang epilogue into two parts. This is the first part. Enjoy!

PS. This is unedited. Sorry in advance for any typos and grammatical errors.

"UMALIS KA DYAN SA HARAPAN KO TRAIL HA. KUNDI TATAMAAN KA TALAGA SAKEN!"

Napakamot na lamang sa ulo si Trail nang marinig ang nanggagalaiting sigaw sa kaniya ng maganda niyang asawa. Hindi naman niya ito masisi at anim na buwan na itong buntis. Ngunit kahit lumalaki na ang tiyan nito ay mas lalo pa itong gumaganda. Pregnancy suits her.

At sa kasamaang palad ay sya ang napagdidiskitahan nito.

Anim na taon na din ang nakakalipas magmula ng maikasal sila. And all he could say is that his life is more than happy. It's perfect. About 3 years ago, natapos na ng asawa niya ang kurso nito at talaga namang proud na proud siya dito. Ngunit hindi na niya ito pinagtrabaho. Mas gusto niyang nasa bahay na lamang ito at inaalagaan ang makukulit nilang chikiting.

Maayos na din ang kalagayan ng Isla Walang Pangalan. Ilang taon na din ang nakakaraan nang maipaayos niya ang kuryente doon pati na din ang transportasyon ng mga tao. Mabuti na lamang din at si Nanay Lita ang kapitana doon kaya't maayos ang pamamalakad. Pinangangalagaan nito ang isla.

Nagtratrabaho na din sina Kael at Kiko sa kumpanya niya. At masasabi niyang wala siyang naging problema sa mga ito. Sadyang matalino ang kambal at mapagkakatiwalaan sa mga gawain. Madalas din silang dumalaw sa bahay ni Daddy Peter sa Palawan, lalo na kung bakasyon o di kaya ay holiday. Kung wala naman masyadong ginagawa sa trabaho ang biyenan niya ay ito ang dumadalaw sa mansyon.

Isa pa, kumuha na rin sila ng driver at ilang katulong sa Mansion Buenavista para may makasama ang mag-iina niya sa tuwing pumapasok siya sa trabaho. Ginagamit na kasi niya ngayon ang opisina niya sa kumpanya.

The mansion is a lot livelier now, so is the island.

"Crazy-baby. I just want to hug you before I go to work," pagsusumamo niya. Ilang linggo na din kasi niya itong hindi mayakap o mahalikan dahil sa pabago-bago nitong pregnancy hormones. Gaya na lamang ngayon. Kasalukuyan silang nasa kuwarto at pinipilit niya itong mayakap bago siya pumasok sa trabaho. Sa katunayan ay sa sofa pa siya natulog kagabi dahil nga nasisikipan daw ito sa kama tuwing niyayakap niya ito.

Damn her hormones. Kung hindi lamang ito buntis, kaunti na lamang talaga at iisipin na niyang ayaw na siya nitong makasama.

At talagang gusto na niya itong makayakap.

"Ayoko! Wag mo ko yakapin! Ambaho-baho mo. Layo! Layo ikaw saken!" Nagtalukbong pa ito ng kumot. Dammit. Kung bakit kasi siya pa ang napaglihihan nito. Walang pag aalinlangan na inamoy niya ang sarili. Hindi naman siya mabaho.

"Crazzzy, I'm not stinky, okay? Tsaka bago na itong pabango ko." Umupo siya sa gilid ng kama at napakamot na lamang uli ng ulo. Ito na yata ang pang-limang palit niya ng pabango ngayong linggo dahil sa naglilihi niyang asawa. Her senses are hyperactive these days. Mas matalas na yata ang pang-amoy at panlasa nito kaysa kay Rocket.

BUENAVISTA BROTHERS 1: Trail Buenavista (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon