A/N: Sorry po at ngayon lang ang update ni Trail. 😅😅😅 Medyo pinag-iisipan ko pang maigi ang pagpapahirap na gagawin ko kay Mirkov. Charing. 😂
Happy Reading!
Typo ahead. 👇
Parang kakapusin na siya ng paghinga nang matapos ang halik na pinagsaluhan nila ni Trail. Wala sa sariling naitulak niya ito at napatayo mula sa gilid ng kama. Napahawak sa sariling labi.
Namimilog din ang mga mata ni Trail dahil sa pagtulak na ginawa niya. Para silang saglit na nawala pareho sa mga sarili.
Tila umakyat lahat ng dugo ni Pursue patungo sa kaniyang mukha. Ramdam na ramdam niya ang pangangainit ng magkabilang pisngi.
"Ahm... ah," parang may gusto siyang sabihin sa binata na kung ano. Ngunit paulit-ulit lamang na bumubuka ang bibig niya at wala namang lumalabas doon na salita.
Ang pamimilog naman ng mga mata ng binata ay agad ding nawala. Bagkus, gumuhit sa labi niya ang isang malawak ng ngiti. His smile is radiant and his eyes are dancing in amusement while looking at her. Lalo pang nadagdagan ang pamumula ng pisngi niya dahil sa paraan ng pagtitig nito.
"Ahm, kasi..." ano nga ba kasi ang gusto niyang sabihin dito? Nablangko pa yata lalo ang blangko na niyang isip.
"Hmm? Anything you want to say, crazy?" Umupo pa ito ng pade-kuwatro sa gilid ng kama habang hindi binabali ang tingin sa kaniya. Ipinatong nito ang siko sa hita at nagpangalumbaba.
Parang lalabas na ang puso niya mula sa ribcage niya dahil sa malakas na pagtibok niyon. Hayun na naman ang sampung dinosaur na naghahabulan sa loob niyon. Posible ba iyon? Ngunit iyon talaga ang nararamdaman niya.
Mabilis pa sa alas-kuwatro na hinatak niya patayo ang binata at hinila iyon patungo sa pintuan ng kuwarto.
"H-hey... why?" Para namang hindi nito naiintindihan ang ginawa niya.
Ngunit hindi niya ito pinansin. Bagkus, ginamit niya ang lahat ng lakas niya para tuluyan itong mailabas ng kuwarto at masaraduhan ito ng pintuan.
Napasandal siya sa likod ng pintuan at kinapa ang puso niya. Bahagya niyang tinapik-tapik iyon para matigil ang pagwawala niyon.
"Hey, crazy!" Sunod-sunod ang naging pagkatok ni Trail sa labas ng nakasarado niyang pintuan. "Open the door!" sigaw nito. "Open up, will you? Are you mad at me--"
"Hindi!" Pagputol niya sa iba pa nitong sasabihin.
Saglit naman itong natahimik. "Para saan iyong 'hindi' mo?" takang tanong nito. "Sa 'open up, will you?' O sa 'are you mad at me?'."
Natigilan din siya. Para saan nga ba iyon? Aish! She frustratedly pulled her hair.
"Hindi ako galit..." anas niya.
"What? I can't hear you, crazy." Mas idiniin naman ni Trail ang tenga sa pintuan para marinig ang sinasabi niya.
"Sabi ko hindi ako baliw!" Malakas na sigaw niya na ikinapitlag ng binata. "Yung 'hindi' ko ay para sa pagtawag mo sakin ng 'hey crazy'!"
"You're mad, aren't you?"
"Hindi."
"Hindi ka baliw?"
"Hindi ako galit."
"Hindi?"
"Hindi nga."
"Hinding-hindi?"
BINABASA MO ANG
BUENAVISTA BROTHERS 1: Trail Buenavista (COMPLETED)
Fiksi UmumTrail never liked his controlling parents. Ngunit gaya ng palagi nitong itinatatak sa kukote nilang magkakapatid, hangga't nasa puder sila ng mga magulang, wala silang karapatan magreklamo sa lahat ng ipinag-uutos ng mga ito. Kahit pa tungkol iyon s...