THREE

6.8K 243 25
                                    

A/N: Warning! Mobile update. Unedited hehehe. Enjoy!

“Get the hell your fucking face out of my house!”

“E, Mr. Buenavista. Sorry na nga po. Hindi ko naman alam na kayo pala yan edi sana hindi ko kayo tinawag na mabahong gurang--”

“Out.”

“Kasalanan po ito nung baklitang chismosa samin e. Promise,” itinaas pa niya ang kaliwang kamay na parang nanunumpa.

Tumaas ang isang kilay ng binata nang makitang kaliwang kamay ang itinaas niya. Napatingin naman siya sa kamay. “Ay, hehe.”

Mabilis niyang itinaas ang kanang kamay.

“Get. Out.” Seryoso itong nakatingin sa kaniya sa madiin ang bawat salita nito. Walang kangiti-ngiti sa labi nito.

“E, Mr. Buenavista, paano po yung isla namin--”

“NOW!”

Tinalikuran na siya nito at walang lingong likod na tumaas sa ikalawang palapag ng mansiyon.

Tumalikod na din siya ngunit muli siyang humarap sa binata. Malaki siyang ngumiti. “Ah, Mr. Buenavista pwede pa ba kong bumalik dito para pag-usapan yung sa isla?”

“I don't want to see your face anymore,” agad siyang napasimangot nang malakas nitong isinara ang pinto ng kuwarto.

Bagsak ang balikat niya na lumabas ng mansiyon nito. Ang sungit! Parang nagme-menopause na matanda.

Bahagya pa siyang nasilaw sa mainit na sikat ng araw paglabas niya. Namangha siya sa laki ng gate ng mansiyon na iyon. Hindi niya iyon napansin kagabi dahil sa pader sila umakyat.

Nakikiliti siya sa mga damo dahil wala siyang suot na pangsapin sa paa. Sana pala pinaiwan ko na lang kina Kiko at Kael ang bakya ko.

Natigilan siya nang makarinig nang malalakas na pagkahol. Nakita niyang tumatakbo papunta sa direksiyon niya ang isang malaking aso. Kulay pinaghalong itim at puti iyon at makapal ang balahibo.

Pero imbes na matakot, mas lumaki pa ang ngiti niya at sinalubong ang aso. “Hi, doggy!”

Kinawayan niya ito. Tumigil naman ito sa pagtakbo dahil sa ginawa niya. Umupo ito sa damuhan at nakalabas ang dila na iwinagayway ang buntot nito.

Patakbo niya itong nilapitan at hinimas himas ang tenga nito. Tuwang tuwa siya sa kapal ng balahibo nito.

“May kuto ka ba, doggy? Ang kapal-kapal ng balahibo mo,” kinausap niya ang aso na para bang sasagot iyon. “Gusto mo kutuhan kita--”

“DON'T TOUCH MY DOG, CRAZY!”

Halos mapatalon siya sa gulat nang marinig ang malakas na pagsigaw na iyon. Sigurado siyang ang nagme-menopause na Buenavistang iyon ang sumigaw.

Nagpalinga-linga siya para hanapin ang binata ngunit hindi naman niya ito nakita. Paano kaya nito nalaman na nilalaro niya ang aso nito?

May sa multo yata ang masungit na iyon e.

Napasimangot siya. “Oo na nga!” balik sigaw niya sa hangin.

“GET THE HELL OUT OF MY ISLAND!”

“Aish! OO NA! HELL KA NG HELL DYAN E! Si satanas ka ba ha? Si satanas ka ba?!” She stomped her feet on the ground. “Aagawan mo pa sya ng teritoryo e ang laki laki na nitong isla mo!”

“WHAT?!”

“Ah hehe. Sabi ko nga lalabas na!” mabilis siyang lumabas sa maliit na pinto ng gate nito pagkatapos sabihin iyon. Baka bigla na lang siyang ipa-firing squad ng masungit na iyon. Loveydoves pa niya ang buhay niya.

BUENAVISTA BROTHERS 1: Trail Buenavista (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon