SEVENTEEN

5.6K 147 8
                                    

Here's the update for y'll. 💖

Happy Reading. 😘😘 (Sorry kung may typo.)

PS. I really love Kiko and Kael. I love how they protect Pursue.

Marahas na ibinagsak ni Trail ang katawan sa sofa sa loob ng kaniyang opisina. Isinandal niya ang ulo sa crest rail niyon at napatitig sa kisame.

Gusto na niyang umamot ng tulog, ngunit tila hindi pa yata pagod ang mata niya at nananatiling bukas iyon. Kahit pumikit pa siya, buhay na buhay pa din ang diwa niya. Wala pa siyang tulog mula kahapon dahil sinigurado niyang natapos niyang lahat ang kaniyang trabaho.

Sumagi na naman sa isip niya ang magandang mukha ni Pursue. Parang gusto niya itong mayakap at mahalikan. He's nearly going insane.

Napakurap-kurap siya nang maalala ang nangyari kahapon.

Mas lalo pang lumalim ang gatla sa noo niya nang marinig ang pangalan ng dalawang binatilyo na kapatid ni Pursue.

"Let them through. Papuntahin ninyo dito sa mansiyon."

"Opo, Sir Trail." Ibinaba na niya ang telepono ang malalim na napabuntong-hininga. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung paano haharapin ang mga ito pagkatapos ng mga nasabi niya sa dalaga.

Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatayo doon at pabalik-balik na naglakad para makapag-isip ng sasabihin sa mga ito.

That's when he heard a loud bang from the outside of his mansion.

Mabilis siyang lumabas upang puntahan ang nag-iingay na niyang gate. Sinabayan pa iyon ng malakas na pagkahol ni Rocket. Sinaway niya ang alagang aso at itinali muna iyon saka binalikan ang gate.

Tumambad sa kaniya ang walang emosyong mukha ng magkapatid nang mabuksan niya ang gate.

Walang salitang namutawi sa kaniya. Basta't binuksan lamang niya ang gate at tinalikuran ang mga ito. Naramdaman niyang sumunod ang dalawang binatilyo sa kaniya.

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ang mga ito. Hindi ganoon kalayo ang pagitan nila. "What do you want from me?" He said in a low voice.

"Wala." Sagot ng isa sa mga ito. It's Kiko. He recognized him because of his scar. May puting hand towel kasi na nakapalibot sa ulo nito kaya naman hindi na natatakpan ng buhok ang pilat nito. Habang si Kael ay tahimik lang na nakatingin sa kaniya.

Kumunot ang noo niya sa sagot nito. Nagpapalit-palit ang tingin niya sa dalawa. "What?" Takang tanong niya ngunit wala nang sumagot sa mga ito. "If that so. You may leave."

Akmang tatalikuran na niya ang mga ito nang may humablot sa balikat niya. "What the--" Isang malakas na suntok ang dumapo sa mukha niya. Kiko caught him off-guard, kaya naman napasalampak siya sa bermuda grass. Pinunasan niya ang dugo sa gilid ng putok na niyang labi.

Ine-expect na niyang mangyayari iyon. Marahil ay dahil sa nangyari sa kanila ni Pursue.

"Fuck!" Hindi pa siya nakakahuma nang upuan siya nito sa sikmura at sunud-sunod na nagpakawala ng suntok. Sinalag niya iyon.

"Walanghiya ka! Pinagtatanggol ka pa sa amin ni ate tapos ganoon lang ang gagawin mo sa kaniya!" Tumama ang kamao nito sa panga niya. Ramdam niya ang pangingilo niyon. "Mahigit isang buwan lang siya dito, ngayon gabi-gabi na siyang umiiyak dahil sa iyong hinayupak ka." Natigilan siya sa pagsalag. Natigilan din naman ito. Hinihingal itong umalis mula sa pagkakaupo sa sikmura niya.

"What did you say?" Ipinagtatanggol siya ni Pursue sa mga ito? She's supposed to be mad at him right? Then why? Napakurap-kurap siya.

"Ngayon, nakalimutan na niyang ngumiti. Hindi dapat namin siya iniwan dito." Muli itong lumapit sa kaniya at hinatak ang kuwelyo niya. "Wag ka nang lalapit kay ate. Sa susunod na lumapit ka sa kaniya at sinaktan mo na naman siya, buong katawan mo ang lalagyan ko ng pasa."

BUENAVISTA BROTHERS 1: Trail Buenavista (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon