A/N: Here's my birthday update for you guys. Sorry na, hindi mapigilan e hahahahahaha. Sinusulat ko talaga 'to habang kumakain ng spaghetti. 😂😂😂 At dahil masaya ako today, masaya din ang update na ito. #Lolo&Crazyforthewin
Happy Reading!
Typo ahead. 👇👇👇
"Huh? Bakit ganun, Lo?" Nagtatakang- tanong ni Pursue at bahagyang kumunot ang noo.
"Why? Is there any problem, Crazy?"
Bumaling siya ng tingin at itinuro ang Isla Buenavista na natatanaw na niya hindi kalayuan sa kanila. "Akala ko ba mag-a-ice cream date tayo, Lo? E bakit pabalik yata ang andar natin? Pabalik sa isla mo."
Ngunit hindi sumagot ang binata. Ngumiti lamang ito ng nakakaloko at kinindatan pa siya. Nagpatuloy lamang ito sa pagmando sa yate hanggang sa tumigil sila medyo malayo sa daungan ng Isla Buenavista.
Inilabas nito ang cellphone sa bulsa at may tinawagan. Nasundan na lamang niya ng tingin ang ginawa nito.
"Hello, Chase. I want you to bring us some ice cream here in my yacht." He paused. "Yes, in the yacht, you dummy. Nasa labas ako ng mansiyon." Nakita niya kung paano i ilayo ni Trail sa tenga ang cellphone na para bang bigla na lamang sumigaw ang kausap mula sa kabilang linya. "Lower your voice. I am not a fucking deaf. Just do what I said earlier. We are just in front of Isla Buenavista."
Pagkababang-pagkababa nito ng tawag kay Chase ay may isa na naman itong tinawagan.
"Hello. I want you to bring back the car to the island."
She could not help to look at him. Hindi pa din siya makapaniwalang mahal din siya nito. Unconsciously, her lips formed a smile.
"Hey," napansin pala ng binata ang pagtitig niya. Tumabi ito sa kaniya sa upuan at niyakap ang bewang niya.
She stilled. Iyon ang unang beses na ginawa iyon ng binata at masarap pala iyon sa pakiramdam. Nang makahuma siya ay hinayaan na niyang yakapin siya nito at isiksik ang mukha sa gilid ng leeg niya. Umangat din ang kamay niya at humaplos sa buhok ng binata. Her heart somersaults inside her chest.
Napatigil sa paghaplos ang kamay niya nang biglang may maalala. Tiningnan niya ang binata ngunit nakapikit ito.
"Trail?"
"Hmm?" Kinuha nito ang kamay niya at ibinalik sa sarili nitong buhok. Napangiti siya doon.
Muli niyang hinaplos ang buhok nito. "Pwede ba akong maka-hiram ng phone? May tatawagan lang sana ako."
Saglit nitong kinuha ang cellphone sa bulsa nang hindi bumabago ng puwesto at ibinigay sa kaniya. Muli nitong niyakap ang bewang niya at mas nagsumiksik pa. Tinawagan niya ang numero ni Nanay Lita habang ang isang kamay ay patuloy pa din sa paghaplos sa buhok nito.
Pagkalipas ng ilang rings ay sumagot iyon. "Hello po?"
"Hello? Sino po ito?" Si Kael ang nakasagot ng tawag.
"Si Ate Pursue mo ito! Hala missed na missed na kita. Missed ko na kayo dyan!" She said in glee.
Humiwalay naman si Trail sa kaniya at kunot-noo siyang tinitigan na parang curious kung sino ang kausap niya. Isinenyas niya ang kamay na parang sinasabing 'saglit lang,' bago tumayo at lumabas ng nautical bridge ng yate.
Umupo siya sa gilid ng deck at hinayaang lumaylay ang mga paa niya doon. Dahil mataas naman ang deck ay hindi sumadsad ang paa niya sa tubig.
"Ate Pursue? Ikaw ba yan? Kamusta ka na dyan? Paano ka nakatawag? Missed ka na din namin dito." Sunud-sunod na tanong ni Kael.
BINABASA MO ANG
BUENAVISTA BROTHERS 1: Trail Buenavista (COMPLETED)
Ficção GeralTrail never liked his controlling parents. Ngunit gaya ng palagi nitong itinatatak sa kukote nilang magkakapatid, hangga't nasa puder sila ng mga magulang, wala silang karapatan magreklamo sa lahat ng ipinag-uutos ng mga ito. Kahit pa tungkol iyon s...