"There is an ocean of silence between us... and I am drowning in it."
-Ranata Suzuki
Mahigpit na niyakap ni Pursue ang mga tuhod. Hindi niya alam kung gaano katagal na siyang nakaupo sa labas ng operating room habang paulit-ulit na puping umuusal ng panalangin na sana walang mangyaring masama sa binata.
Ibinuhos niya ang luha sa kaniyang mga tuhod. Sa tuwing pumapasok sa kaniya ang maputlang mukha ni Trail at ang paglaylay ng kamay nito, kakaibang kaba ang nanunuot sa buong kalamnan niya. Tila tumigil din sa pagtibok ang puso niya.
Sino ang mag-aakala na sa isang iglap, mangyayari ang lahat ng ito? Maayos naman na ang lahat, ngunit parang isang kurap lamang ang nakalipas, heto at nakayukyok na siya sa labas ng operating room. At ang pinakamasakit doon, ay ang taong pinakamamahal niya ang nasa loob niyon ngayon at nag-aagaw buhay.
Parang bumalik lahat sa isip niya ang lahat ng mga pagkakataon na magkasama sila. Magmula noong una niyang inakyat ang mansiyon nito, hanggang sa kasalukuyang nangyayari. At doon niya na-realized na... napakaiksi ng mga panahon na iyon. Napakaiksi lamang niyon.
Tuluyan na siyang napahagulgol at naitakip ang dalawang palad sa mukha. Hindi puwedeng sa ganito magtapos ang lahat. Gusto pa niyang makasama ang binata ng matagal.
Diyos ko. Huwag niyo po sanang pabayaan si Trail. Mahal na mahal ko po siya.
You will never know the value of a moment until it becomes a memory. Totoo nga pala talaga iyon.
Hindi naman din mapakali ang dalawang binatilyo habang nasa labas din ng operating room at naghihintay. Pabalik-balik ng lakad si Kiko habang si Kael naman tila gusto ng kagatin ang sariling kuko sa kamay. Huminga ito ng malalim saka tinabihan ang ate niya na nakaupo sa sahig at nakasandal sa pader.
Habang si Kiko naman ay kinalma din ang sarili at tumigil na sa pagpapabalik-balik lakad. Tinawagan niya ang numero na nakarehistro sa pangalang 'Mom' sa cellphone na hawak kanina ng Ate Pursue niya bago nito iyon mabitawan.
Ilang rings lamang ang lumipas nang sinagot iyon ng nasa kabilang linya na nagpakilala sa pangalang Cistinah. Ipinaliwanag niya ng maigi sa ginang ang lahat ng nangyayari, at binigyan ito ng direksiyon kung paano makararating sa hospital ship kung nasaan sila.
Halos dalawang oras ang nakalipas nang dumating doon ang isang ginang kasama ang tatlong lalaki. Ang isa sa mga ito ay nasa likod ng ginang na nakasuporta lamang dito at pakiwari nila ay asawa nito. Habang ang dalawa ay sigurado siyang mga kapatid ng kasintahan ng Ate Pursue niya. Pare-parehong bakas ang pag-aalala sa mga ito.
"What happened to my son?" Umiiyak na tanong ng ginang nang makalapit sa kanila.
Napatingin naman si Kiko sa Ate Pursue niya na nakayukyok sa mga tuhod nito at patuloy pa din sa pag-iyak. Hinahagod nito Kael ang likod nito at pilit na inaaalo. Nasasaktan siyang makitang ganoon ang nakatatandang kapatid. Kaya naman nilakasan na niya ang loob upang maipaliwanag sa mga bagong dating ang nangyayari. Dahil alam niyang sa estado ng ate niya ngayon, baka mahirapan itong magsalita dulot ng pag-iyak.
Napabuntong-hininga siya bago muling binalingan ng tingin ang ginang at mga kasama nito. Sinubukan niyang ipaliwanag ang lahat ayon sa kung ano ang nakita ni Kael kanina noong pauwi na sila.
"Hindi ko po alam kung ano ang eksaktong nangyari dahil kauuwi lang po namin ng kakambal ko," panimula niya at nagpapalit-palit ang tingin sa mga ito. "Nakita po namin na binaril si Kuya Trail ng isang mukhang kaedaran po ninyo na babae. Iyon lang po ang nakita namin. Mabilis po naming dinaluhan si Kuya Trail at dinala siya dito. Hindi po kasi siya magagamot sa isla dahil kulang ang mga gamit doon."
BINABASA MO ANG
BUENAVISTA BROTHERS 1: Trail Buenavista (COMPLETED)
General FictionTrail never liked his controlling parents. Ngunit gaya ng palagi nitong itinatatak sa kukote nilang magkakapatid, hangga't nasa puder sila ng mga magulang, wala silang karapatan magreklamo sa lahat ng ipinag-uutos ng mga ito. Kahit pa tungkol iyon s...