A/N: This is my favorite chapter so far. Like I'm literally laughing while writing this especially the last part hahahaha. Sana matawa din kayo. Enjooyy!
P.S. Unedited. Labyah all! 😂😂
Mariing ineskoba ni Sue ang naglalakihan nilang banyera na lagayan ng isda. Tumigil siya saglit para iunat ang nangangalay na mga braso. Nagsisimula pa lamang sumikat ang araw at hinihintay niya sa pampang sina Kiko at Kael mula sa panghuhuli nito ng isda na ititinda niya sa palengke.
Madilim dilim pa nang umalis ang dalawa para mangisda at sigurado siyang pabalik na ang mga ito anumang oras.
Tatlong araw na ang nakakalipas mula noong akyatin niya ang bahay ni Trail at hindi pa siya nakabalik uli doon dahil ilang araw nang sunod sunod ang exam ng kambal at walang maghahatid sa kaniya sa Isla Buenavista. Malapit na din kasi ang bakasyon kaya abala ang dalawa sa mga gawain sa eskwelahan.
Paminsan-minsan ay pumapasok sa isip niya ang guwapong mukha ni Trail. Ano kayang ginagawa ng masungit na iyon ngayon?
“Ate!”
Nakita niya ang kambal na isinasagwan na ang maliit nilang bangka pabalik sa pampang. Kumaway pa ang mga ito sa kaniya at nakangiti din siyang kumaway pabalik.
Nang makarating ito sa laot, itinali ni Kael ang bangka sa puno ng niyog at pinagtulungan naman nila ni Kiko ibaba ang mga nahuling isda at mga lambat.
“Wow! Andami niyong nahuli ngayon ah!” Inilipat nila ang mga isdang nasa lambat pa sa banyera at pinili naman ang ipang-uulam nila hanggang bukas.
“Syempre, ate. Guwapo ako e.” Napaismid siya sa sinabi ni Kiko.
“At ano namang kinalaman niyon sa panghuhuli niyo, aber?”
“Nakakaakit daw ng isda, ate!” sagot naman ni Kael kaya nagkatawanan silang tatlo.
Kumuha siya ng bente pesos sa suot na delantar at ibinigay iyon kay Kael. “O siya, bumili ka nga muna ng yelo kina Aling Ising para hindi mabilasa ang mga isda.”
Si Aling Ising ang nag-iisang nagtitinda ng bloke blokeng yelo sa maliit nilang isla. Umoorder pa ito sa Buenavista Ice Plant at iba pang ice plant sa mga karatig na isla.
At dahil wala namang may freezer sa isla, sa ipa ng palay ito inilalagay para hindi agad matunaw. Malakas din kasi iyon sa kuryente, at mabilis makaubos ng krudo para sa generator.
Dahil din doon, sa umaga lang mayroong tindang bloke sa isla. Pagdating kasi ng lagpas katanghalian, natutunaw na ang mga ito.
Muntik-muntikan na naman siyang mapasimangot nang maalala na naman si Trail. Iyong gurang na yun, dami-dami ng business tapos gusto pa bilhin itong isla.
Inabot nito ang pera. “Sige, te. Tatawag na din ako ng pedicab.”
Mabilis niyang iniuwi ang tig-isang palangganitang tilapia at bangus sa bahay nila muling isinara iyon. Wala doon si Nanay Lita dahil maaga ding umalis ang matandang babae para makipagpulong sa ibang kawani ng barangay hall.
Pagbalik niya ay hinahakot na nila Kiko at Kael ang dalawang banyera ng isda katulong si Natoy papunta sa mas sementadong daan kung saan naghihintay ang pedicab.
“Magandang araw, Sue. Pero mas maganda ka pa din sa araw.”
“Ah. Hehe,” pilit siyang ngumiti kay Natoy. Isa ito sa mga masugid na nagpapansin sa kaniya dahil hindi niya ito pinayagang manligaw. “Magandang araw din sayo, Natoy.”
Inakbayan ito ni Kiko. “Alam mo, Natoy. Tigilan mo ang pagpapansin mo kay Ate Pursue at baka butasin ko yang mata mo.”
“Bawal mag-boyfriend yang si Ate hangga’t hindi pumapasa sa panlasa namin,” umakbay din si Kael sa kawawang drayber ng pedicab na walang bubong, na mas lalo pang naging kawawa dahil nagmukha itong bilasang isda sa pagitan ng dalawang sariwa.
BINABASA MO ANG
BUENAVISTA BROTHERS 1: Trail Buenavista (COMPLETED)
General FictionTrail never liked his controlling parents. Ngunit gaya ng palagi nitong itinatatak sa kukote nilang magkakapatid, hangga't nasa puder sila ng mga magulang, wala silang karapatan magreklamo sa lahat ng ipinag-uutos ng mga ito. Kahit pa tungkol iyon s...