FIFTEEN

5.1K 135 11
                                    

Happy Reading. And sorry sa typo. 💖💖💖

"Pursue, we're here."

Wala sa sariling napalinga siya sa paligid. Oo nga, nakarating na sila sa Isla Buenavista nang hindi man lamang niya namamalayan.

Laman ng isip niya si Trail. Parang pelikula na paulit-ulit na nagpe-play sa isip niya ang mga nangyari sa opisina nito sa Hotel Buenavista kanina.

Nag-unahang bumalong ang luha sa mga mata niya. Hindi niya mapigilang mapahikbi. Ang sakit-sakit ng puso niya. Ganito ba talaga kapag nagmamahal? Gusto na lang niyang isipin na panaginip lang ang lahat. Na... nananaginip lang siya at bukas ay gigising din.

Ngunit kahit anong pagkumbinsi niya sa sarili, alam niyang totoo ang lahat ng nangyayari. Totoong ayaw na siyang makita ni Trail. Totoong pinaalis na siya nito sa buhay nito.

"Hey, don't cry. Shh. Please don't cry. Pasensiya ka na, hindi ako masyadong magaling magpatahan ng mga taong umiiyak," pag-alo sa kaniya ni Chase nang makababa sila mula sa motor boat.

Mabilis niyang pinunasan ang luha at pilit na ngumiti sa binata. "Sorry." Ngumiti siya kahit ramdam niya ang pagkadurog ng puso.

Lumamlam naman ang mga mata nito na parang nakikisimpatya sa kaniya. "Don't say sorry either. It's not your fault, okay? But it's not my brother's also. I don't want to take sides. Ako na ang humihingi ng tawad sa mga nasabi ni Kuya Trail. You know, he's really an asshole. Pero nakita noon kung paano siya halos mabaliw nang palugi na kaagad ang kumpanya na bago pa lang niya tinatayo dahil sa sobrang pagmamahal sa Cherryl na iyon. Siguro talagang nasaktan lang siya dahil mas mahal ka niya kaysa kay Cherryl. He feel betrayed."

"P-pero Chase, hindi naman ako ganun diba?" She cried. Parang gusto na din niyang pagdudahan ang sarili niya dahil sa nangyari. "Hindi naman ako magnanakaw. Ni hindi ko nga sila kilala. Bakit ambilis-bilis niya akong pinagdudahan? Ang sakit lang, na kaya niya akong paalisin sa buhay niya na parang isang ligaw na hayop, habang siya hindi ko kayang paalisin sa buhay ko. Mahal na mahal ko siya e." Sinuntok-suntok niya ang sariling puso.

Pakiramdam niya ay nagkapira-piraso iyon. Naramdaman na lamang niya ang marahang pagtapik-tapik ni Chase sa balikat niya. "Everything will be fine. Stay strong, okay? Don't lose yourself. Both of you need some space. Darating din ang panahon na magsisisi ang tarantado kong kapatid na iyon."

Tumango-tango siya dito.

"Now let's go," inalalayan siya nito hanggang sa makarating sila sa dulo ng daungan.

Ngunit hindi pa man din sila nakakaapak sa buhangin ay hinarang na sila ng mga guwardiya doon.

"What do you think you are doing?" Kunot-noong tanong ni Chase sa mga ito.

"Sir Chase, pasensiya na po. Pero hindi na po pwedeng pumasok sa isla si Ma'am Pursue," sagot naman ng isa sa mga guwardiya.

"What?"

"Utos pa iyon ni Sir Trail. Sumusunod lang po kami."

Chase gritted his teeth. "Fuck you, brother. Kuya Trail, you are a fucking dickhead." Minura nito ang kapatid na para bang maririnig siya nito.

"Let us through--" hinatak niya ang laylayan ng t-shirt nito dahilan para mapabaling ito sa kaniya. "Pursue..."

"Huwag na tayong gumawa ng gulo, Chase. Kung iyon ang gusto ng kuya mo, hayaan na lang natin."

"Pero--"

"Uuwi na ako, Chase," pinigilan niya ang muling mapaluha. Parang may bikig sa lalamunan niya na nagpapahirap sa kaniya sa paghinga. "Uuwi n-na lang ako sa isla kung saan naman talaga ako nababagay..."

BUENAVISTA BROTHERS 1: Trail Buenavista (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon