Gabi.
Tatlong anino ang mamamataang nagtatago sa malalaking bato sa pampang ng Isla Buenavista.
Sumilip ang isang anino at nang makitang natutulog ang guwardiya na nagbabantay sa pampang ay sumenyas ito sa dalawang kasama.
Mabilis ang naging kilos ng tatlong anino. Paminsan-minsan ay tumitigil upang magtago sa mga bato at puno. Maingat na binaybay ng tatlong anino ang daan patungo sa mansiyon ni Trail Buenavista, at nang makarating sa destinasyon ay ngiting tagumpay ang mga ito.
Mas lumaki pa ang ngiting iyon nang makita ng isa sa mga ito ang isang mababang bintana na maaring pasukan.
“Buhatin niyo na ko,” bulong ni Sue habang palinga-linga sa paligid. Mahirap na at baka mahuli pa sila ng sandamakmak na guwardiyang maingat nilang pinagtaguan.
Kung ayaw lumabas sa lungga ng Trail Buenavista na iyan, siya mismo ang gagalugad sa lunggang pinagtataguan nito.
“Sigurado ka na ba talaga dito, Ate?” napakamot sa ulo na bulong ni Kael.
“Oo nga. Ano ka ba Kael. Wag mo na kong tanungin basta tulungan niyo na lang akong makapasok dun,” itinuro niya ang maliit na bintana.
Nagkatinginan na lang ang kambal, pagkatapos ay tinulungan siyang makaakyat sa bintana. Ngiting aso siya mang maipasok nang maipasok ang kalahati ng katawan sa maliit na bintana. Ngunit bago pa tuluyang maipasok ang katawan, nalaglag ang may kabigatan niyang bakya.
Hayun at sapul sa ulo si Kiko. Sumilip siya sa bintana. Matalim itong nakatingin sa kaniya habang hinihimas ang ulo.
Nag-peace sign siya bago ihinulog ang isa pang bakya. Paniguradong lilikha ng ingay iyon dahil di-tiles ang sahig. Baka mabulilyaso pa ang plano nila. Nasalo naman iyon ni Kael.
Sinenyasan niya ang mga ito na umalis na. “Sige na! Keribumbum ko na to. Bukas ng hapon niyo na ako sunduin,” may kalakasang bulong niya. Sapat lang para marinig siya ng mga kapatid.
“Mag-ingat ka diyan ha, Ate,” paalala naman ni Kiko.
“Susunduin ka kaagad namin bukas,” tumango-tango siya sa mga kapatid bago tuluyang nagsuot ang mga ito sa puno at nawala sa dilim.
Jusko, Lord. Ikaw na pong bahala sakin.
Maingat siyang naglakad, mabuti na lamang talaga at hinubad niya ang bakyang suot kanina. Kusina pala ang napasukan niya. Walang ingay siyang lumabas doon at tumambad sa kaniya ang malaking sala. Muntik nang lumaglag ang panga niya sa ganda niyon.
Hindi ito ang oras para mabighani ka, Pursue. Tandaan mo, matandang gurang ang nakatira dito.
Balak niya itong kausapin ng masinsinan. Ngunit hindi naman iyon mangyayari kung palagi lang itong nasa loob ng engrande nitong mansiyon. Tsaka mabilis lang naman pakiusapan ang mga matatanda diba?
Sana nga.
Mabuti na lamang talaga at nakakulay dark blue siyang bestida na minana pa niya kay Nanay Lita. Mukhang pang-nanay iyon, pero parang sundress lamang nung siya na ang nagsuot. Hindi siya agad mapapansin sa dilim, lalo na at nakapatay ang ilaw sa buong kabahayan. Karamihan sa mga bukas na ilaw ay dim light lang.
Isa-isa niyang sinubukang buksan ang mga kuwarto sa unang palapag. Ngunit lahat iyon ay naka-lock. Napasimangot siya.
“Ang daming kuwarto, wala namang gumagamit,” bulong niya sa hangin.
Walang ingay niyang tinungo ang ikalawang palapag ng mansiyon na iyon. At kagaya nang ginawa niya sa una. Isa isa din niyang binuksan ang mga kuwartong nandoon.
BINABASA MO ANG
BUENAVISTA BROTHERS 1: Trail Buenavista (COMPLETED)
Художественная прозаTrail never liked his controlling parents. Ngunit gaya ng palagi nitong itinatatak sa kukote nilang magkakapatid, hangga't nasa puder sila ng mga magulang, wala silang karapatan magreklamo sa lahat ng ipinag-uutos ng mga ito. Kahit pa tungkol iyon s...