SEVEN

5.5K 190 9
                                    

A/N: Sa mga nagtatanong, trilogy po ang Buenavista Brothers. At mabilis lang po ang story nila. Like 20 plus chapters lang. Hindi lalagpas ng 25 chaps ganern.

Kay GraceSuico sakaling nababasa mo 'to, I really want to thank you for reading and voting No Ide, No Entri.

At kay 2NE1_Blackjack. Hindi na yata ako magsasawang i-mention ka yiiieee. I love you girl. Happy reading! 💖💓

Typo ahead.

"GET OUT!"

"S-sir--"

"GET THE HELL OUT!"

Bagsak ang balikat na lumabas ang empleyado mula sa opisina ni Trail. Isang linggo na naman itong bumubuga ng apoy.

Napailing-iling na lamang si Chase sa inaasal ng kapatid. Sigurado siyang may hindi magandang nangyari sa pagitan nito at sa babaeng nagngangalang Pursue. Kung hindi, ay hindi sana nagkakaganito ang siraulo niyang kuya.

Hindi lingid sa kaalaman nila ni Cruel na sa Mansion Buenavista na nakatira si Pursue. Siyempre, nagpunta din ang mommy nila sa Hotel Buenavista kung saan sila namamalagi at ibinalita iyon. Para saan? Siyempre para pilitin sila na magpakasal na.

Hindi niya ba malaman sa mommy nila kung bakit sila pinipilit magkakapatid na mag-asawa na gayong ang saya-saya naman ng buhay niya. He's still playing and enjoying his life to the fullest.

Pupunta sana siya sa opisina ng kapatid para magpasa ng monthly sales report. Ngunit sa kamalas-malasan ay ito ang nadatnan niya.

He sighed while looking at his raging brother. "Hopeless."

Tumayo siya mula sa prenteng pagkakaupo sa sofa at lumabas dala ang monthly report niya. Inisa-isa niyang buksan ang bawat kuwartong nandoon. Pare-parehong nakasara ang unang apat na kuwarto. Napangiti siya ng  mapihit pabukas ang ikalima.

Dahan-dahan niyang pinihit iyon pabukas habang piping nagdadasal na sana wala siyang makita na hindi dapat niya makita. Kundi ay baka mapatay siya ng kapatid niya. Walang ingay siyang sumilip sa loob ngunit agad ding bumagsak sa sahig ng may kung anong matigas na bagay na tumama sa ulo niya.

Nasapo niya ang nasaktang ulo.

"Ah fuck! My head!" mula sa kuwarto at lumabas ang isang magandang babae na may hanger. Shit, iyon ba ang ipinukpok nito sa ulo niya?

Pinukol niya ito ng masamang tingin. "What the freaking heck is your problem, woman?" galit na pinulot niya ang nagkalat na monthly report sa sahig.

Tila nagsisi naman ito at tinulungan siyang pulutin ang mga papel. "Ahm. Sorry hindi ko sinasadya. Kasi natakot lang ako nung biglang bumukas ang pinto ng kuwarto."

"Still, I think your hit broke my skull--"

Natigilan siya ng masulyapan ito ng tingin. Namumula ang gilid ng mga mata nito na tila kakagaling lamang sa pag-iyak.

"Are you... Pursue?" nag-aalangang tanong niya.

"Oo, ako nga. Paano mo nalaman ang pangalan ko?" sagot naman nito ng hindi tumitingin sa kaniya.

"I am Chase Buenavista. Trail's brother. And I really need your help."

Ito naman ang napabaling sa kaniya. Tumayo na ito matapos iabot sa kaniya ang kahuli-hulihang papel ng report niya.

BUENAVISTA BROTHERS 1: Trail Buenavista (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon