A/N: I think I have a very twisted mind. I'm sorry in advance. 😂
Here's my fourth monthsarry update. Maligayang apat na buwan sa atin, mga mahal kong mambabasa.
Happy Reading! (Typo ahead 👇👇)
Matamlay na tiningnan ni Pursue ang mga pagkain sa hapag na pinaghirapan niyang lutuin para sana sa kanilang dalawa ni Trail.
Sinabi kasi nitong uuwi ito kaagad kaya naman naisipan niyang magluto na ng hapunan.
Napatingin siya sa orasan na nakasabit sa pader ng kusina. Alas-nuwebe ng gabi ang isinasaad na oras niyon. Ilang oras na niyang hinihintay ang binata at hanggang ngayon ay hindi pa din ito bumabalik mula noong umalis ito bago magkatanghalian. Lumamig na din ang pagkain at ang sinabi nitong 'I'll be back before dinner' ay hindi na nangyari' kaya naman nagsisimula na siyang mag-alala.
Mukhang malala ang emergency na inaasikaso nito. Sana naman, walang masamang nangyari sa Hotel Buenavista. Piping usal niya. Napabuntong-hininga na lamang siya.
Pakiramdam niya ay nami-miss na niya ito kaagad.
Sinisimulan na niyang ligpitin ang pagkain nang maramdaman ang pagdila ni Rocket sa binti niya.
"O, Rocket. Gutom ka na ba?" Napangiti siya nang kumahol ito ng dalawang beses. "Sige, saglit lang hmm. Papakainin ka na ni Mommy." Hinaplos niya ang ulo nito bago itinuloy ang pagliligpit.
Nilagyan niya ng dog food ang pakainin ni Rocket pagkatapos at tubig naman ang sa kabilang bowl. Pa-indian sit na umupo siya sa harap nito at pinanood itong kumain.
"Ano na kayang nangyari sa Daddy Trail mo, Rocket? Tingin mo okay lang kaya siya?" Muli itong kumahol na para bang naiintindihan ang tanong niya bago nagpatuloy sa pagkain.
Kahit papaano ay napangiti siya dahil sa pagsagot nito.
Tumayo na siya at tinungo ang opisina ng binata. Naupo siya sa sofa at itinaas ang mga binti. Sumiksik siya sa sulok niyon. Minuto lamang ang lumipas nang sumampa din doon si Rocket at umupo sa espasyo sa tabi niya. Sumiksik din ito sa kaniya.
"Mukhang binabantayan mo ako ah?" Pinaglaruan niya ang balahibo nito at napatingin sa telepono sa loob ng opisina. Umaasa na tatawag doon ang binata. "Sige Rocket, bantayan mo muna ako habang wala pa si Daddy Trail mo."
NAGISING kinabukasan si Pursue dahil sa pagtama ng sinag ng araw sa mukha niya. Nanggagaling iyon sa malaking bintana sa opisina.
"Trail?" Kaagad na hinanap ng mga mata niya ang binata. Ngunit wala pa din ito doon at naroroon pa din siya sa loob ng opisina nito, sa sofa kung saan siya nakatulog. Maging si Rocket ay katabi pa din niya.
Hindi ba ito umuwi?
Parang nalungkot siya sa isiping iyon. Napabuntong-hininga siya bago tumayo at tinungo ang mesa ng binata. Sinubukan niyang maghanap ng phonebook sa drawer niyon o kahit anong numero sa Hotel Buenavista na maaari niyang matawagan.
Ngunit wala. Wala miski isa. She frustratedly pulled her hair.
"Rocket, ano nang gagawin natin?" Sunud-sunod ang naging pagkahol nito bago tumakbo palabas ng opisina. Kumunot ang noo niya hanggang sa marealize ang dapat gawin. Tumakbo din siya palabas ng opisina.
"Thank you, Rocket!" Sigaw niya bago tuluyang lumabas mula sa gate ng mansiyon. Lakad takbo niyang binagtas ang daan pababa ng bundok patungo sa dalampasigan.
Isa lang ang dapat niyang gawin: ang puntahan ang binata sa Hotel Buenavista.
Muntik pa siyang madapa nang lumubog ang paa niya sa buhangin. Mabuti na lang at naibalanse niya kaagad ang sarili.
BINABASA MO ANG
BUENAVISTA BROTHERS 1: Trail Buenavista (COMPLETED)
General FictionTrail never liked his controlling parents. Ngunit gaya ng palagi nitong itinatatak sa kukote nilang magkakapatid, hangga't nasa puder sila ng mga magulang, wala silang karapatan magreklamo sa lahat ng ipinag-uutos ng mga ito. Kahit pa tungkol iyon s...