A/N: Sorry po kung medyo natagalan ang update kay Trail. 😅😅 Masyado po kasi akong na-hook sa pag-aupdate ng story nina Edward at Remi.
Heto na ang update. Enjoooy!
Typo ahead. 👇👇👇
"Here, baby girl. Cut this for me," nakangiting iniabot sa kaniya ni Tita-- este Mommy Cistinah ang ilang pirasong patatas sa kaniya. Kasalukuyan silang nasa kusina para magluto ng pananghalian.
"Okay po," magalang niyang sagot at inabot ang patatas na pinapaasikaso nito.
Nang hatakin ito ni Chase palabas sana ng opisina ni Trail ay hindi ito nagpapigil. Iwinaksi nito ang kamay ng anak at dali-daling lumapit sa kaniya.
Trail groaned in annoyance when his mom pulled Pursue away from him.
"Hi, I'm your Mommy Tinah. Call me Mommy, okay? Kung hindi, magagalit ako sayo. Let's go to the kitchen and cook some good food," tila excited na sabi nito.
Pilit naman siyang pinapabalik ni Trail sa mga hita nito.
"Mom, mamaya na yan!" hinawakan nito ang kamay niya at pilit siyang pinapaupo.
"No! I want to be with her today," hinawakan ng ginang ang isa pa niyang kamay at hinahatak naman siya palayo sa binata.
Nagpapalit-palit ang tingin niya sa ginang at kay Trail. Matalim ang tingin ng mga ito sa isa't isa. Para siyang laruan na pinag-aagawan ng mga ito.
Ngunit hindi nanalo ang binata sa nanay nito at unang nagbaba ng tingin. He frustratedly let go of her hand.
"Okay, you can have her just for today," pagpapaubaya nito.
Gusto sana niyang makisali sa usapan ng mga ito para sabihing: hello po, nasa gitna ninyo ako, naririnig ko lahat ng sinasabi niyo.
Pero pinanatili na lamang niyang tikom ang kaniyang bibig.
"Yes!" Trail's mother excitedly giggled. Hinatak na nito ang kamay niya patungo sa pinto. Ngunit bago pa man sila makalabas ay muli siyang tinawag ng binata.
"Pursue," parang may kung anong humahalukay sa loob ng tiyan niya nang banggitin nito ang pangalan niya. Bumilis ang tibok ng puso niya sa hindi niya malamang kadahilanan.
May sakit na yata talaga ako sa puso.
Lumingon siya dito. "Hmm? Bakit Mr. Buenav-- ahm, Trail pala."
"Do your job properly, okay?"
Kumunot ang noo niya. "Ha?"
Oo nga pala, hindi pa nito naipapaliwanag sa kaniya kung ano ang magiging trabaho niya sa mansyon magmula pa noong dumating siya doon.
Ngunit mas lalong lumalim ang gatla sa noo niya. Anong ibig sabihin ng 'do your job properly?' gayung hindi naman niya alam kung ano ang trabaho noya.
Pero imbes na sagutin ang tanong niya ay kumindat lamang ito sa kaniya na mas lalong nagpabilis sa tibok ng puso niya.
Easy ka lang heart, wag ka masyadong wild dyan. Baka bigla ka na lang lumabas mula sa ribcage ko.
"Don't mind him, baby girl. He's just crazy." Tuluyan na siyang hinatak ng ginang patungo sa kusina.
Kaya naman ngayon ay kasalukuyan silang magkatabi habang naghihiwa ng mga ingredients sa chicken adobo na iluluto nila.

BINABASA MO ANG
BUENAVISTA BROTHERS 1: Trail Buenavista (COMPLETED)
Ficção GeralTrail never liked his controlling parents. Ngunit gaya ng palagi nitong itinatatak sa kukote nilang magkakapatid, hangga't nasa puder sila ng mga magulang, wala silang karapatan magreklamo sa lahat ng ipinag-uutos ng mga ito. Kahit pa tungkol iyon s...