A/N: So ayun. Nakakahanap na ko ng sipag na iupdate si Trail. Para makapagfocus ako kay Mirkov. 😂😄
Happy Reading! (May typo ito mga ineng.)
Ilang beses tiningnan ni Pursue ang repleksiyon sa salamin para siguraduhing maayos ang hitsura niya.
Sa totoo lamang ay kinakabahan siya. Bukod sa ito ang unang beses na lalabas na uli si Trail mula sa isla nito pagkatapos ng mahabang panahon, itp rin talaga ang unang beses na lalabas siya kasama ang isang lalaki. Syempre, exemption doon ang mga kapatid niya.
At salamat din sa mga kapatid niyang iyon-- na gusto yata talagang tumandang dalaga ang beauty niya-- hanggang ngayon ay wala pa siyang nagiging boyfriend dahil hindi pumapasa sa panlasa ng mga ito.
Natigilan siya nang maisip ang mga kapatid. Kamusta na kaya sina Kael at Kiko? Si Nanay Lita kaya? O ang mga bangus ko?
Missed na missed na talaga niya ang mga ito. Sa halos dalawang linggo niyang pananatili sa mansiyon ni Trail ay ganoon katagal na din niyang hindi nakakausap ang mga ito. Wala kasi siyang cellphone.
Bukod pa doon, wala din naman siyang mahanap na telepono sa mansiyon nang minsang maghanap siya. Meron, nag-iisa sa loob ng opisina ng binata. Na ginagamit naman nito para kausapin ang mga empleyado nito.
Magagalit kaya sakin si Lolo kapag nanghiram ako sa kaniya ng cellphone? Ang lakas pa naman ng mood swing ng taong iyon.
Ang sunud-sunod na katok sa pintuan ng kaniyang kuwarto ang nagpabalik sa lumipad niyang ulirat.
"Hey, crazy? Not done yet? It's been an hour. I'm getting worried," narinig niyang sabi ni Trail sa pagitan ng pagkatok.
"Patapos na!" Nakangiting sigaw niya pabalik.
Tiningnan uli niya ang sarili sa salamin sa huling pagkakataon. Nakasimpleng denim jeans lamang siya at puting sleeveless na hanging blouse. Pinarisan niya iyon ng doll shoes. Ang lahat ng iyon ay galing kay Mommy Tinah.
Kagabi kasi ay may isang staff galing sa Hotel Buenavista ang nagpunta sa mansiyon na iyon para kunin ang luggage ng ginang. Kasabay niyon ay ang pagbibigay nito sa kaniya ng isang medium-sized na box na naglalaman ng iba't ibang damit, shorts, jeans at ilang pares ng sapatos. Hindi pa nga siya makapaniwala na ibinibigay sa kaniya iyon ng ginang sa dinami-dami ng laman niyon.
Nag-apply din siya ng light na make-up katulad ang turo sa kaniya ni Mommy Tinah.
Nang sigurado na siyang maayos ang lahat ay tinungo na niya ang pintuan ng kuwarto at dahan-dahan binuksan iyon. Ayaw kasi niyang ma-disappoint sa kaniya ang binata sa hindi niya alam na dahilan.
Napapansin niya ang madalas na pagbilis ng tibok ng puso niya at paghalukay ng mga paru-paro sa tiyan niya sa tuwing kaharap niya ang binata. Minsan kahit basta na lamang pumasok ang guwapo nitong mukha sa isip niya ay ganoon pa din ang epekto sa puso niya. Mabilis ang tibok.
Matapos magnilay-nilay kagabi ay iisa lang ang naging kasagutan sa mga tanong niya.
Na gusto niya si Trail.
Hindi siya eksperto sa mga ganoong bagay, ngunit hindi din naman siya ganoon kainosente. Nagpag-uusapan na din nila ito ni Nanay Lita noon kaya alam na alam niya ang mga senyales kapag gusto mo ang isang tao. At lahat ng senyales na nararanasan niya ngayon ay kaparehong-kapareho ng sinabi sa kaniya ni Nanay Lita noong minsang magkuwentuha sila ng love story nito at ng yumaon niyang Tatay Gibo.
BINABASA MO ANG
BUENAVISTA BROTHERS 1: Trail Buenavista (COMPLETED)
Aktuelle LiteraturTrail never liked his controlling parents. Ngunit gaya ng palagi nitong itinatatak sa kukote nilang magkakapatid, hangga't nasa puder sila ng mga magulang, wala silang karapatan magreklamo sa lahat ng ipinag-uutos ng mga ito. Kahit pa tungkol iyon s...