A/N: First, I would like to apologize for the very veryyyy late update. I'm still in the midst of adjusting on my new schedule. Sobrang hirap pag malayo yung bahay mo sa school mo. Yung tipong uuwi ka ng gabing-gabi, aalis ka ng madaling-araw. It's just tiring. 😭😭😭 Kaya naman yung KAUNTING (huhuhu sobrang konti) oras na free, inilalaan ko na lang sa pagtulog.
It actually took me a week bago ko matapos ang chapter na ito dahil nakakapagsulat lang ako kapag tinamaan ng kabaitan ang aming mga prof at palalabasin kami ahead of time.
Second, may typo. 😂
SinangagAtTapa I love youuu. Thank you sa mga new coverrrrr! Ang sexy nila hahahahaha.
Happy Reading!
"T-trail?"
Nanginginig ang mga tuhod na lumapit siya sa hospital bed ng binata. At ang mga nakapalibot na tao doon ay unti-unting humawi nang marinig ang boses niya. They are all smiling at her.
Her breathing hitched when she finally saw him. Nakaupo na ang kalahati ng katawan nito at malaki ang ngiti habang kausap ang mommy nito. He seemed very fine, like the bullet never hit his major blood vessel.
At nang lumingon ito sa kaniya, saglit itong natigilan. Nagtama ang mga mata nila, kapagkuwan, gumuhit ang masayang ngiti sa labi nito. He smiled like he never smiled before. Dumaloy ang masaganang luha sa mga mata niya. Ngunit hindi dahil malungkot siya, kundi dahil sa natanggal na ang malaking bato na tila dumagan sa dibdib niya.
Parang nakahinga siya ng maluwag.
"Pursue..."
Tinakbo niya ang pagitan nila at sinugod ito ng yakap. He hugged her back in open arms and with the same intensity. Pakiramdam niya ay tila kay tagal-tagal na mula noong huli niyang mayakap ang binata.
"H-hey..." he tapped her back. "C-can't... breathe."
Bahagya niyang niluwagan ang yakap dito ngunit hindi ito binitawan. Sumiksik siya dito at ibinaon ang mukha sa matitipuno nitong dibdib. Ibinuhos niya ang luha doon.
"Shhh, everything's okay now, beauty," naramdaman niya ang paghagod nito sa likuran niya. "Everything's okay now. Please don't cry."
Sinapo nito ang pisngi niya at unti-unting itinaas ang tingin niya dito. Their eyes met. Punung-puno ng kasiyahan at pagmamahal ang mga mata nito at iba pang mga emosyon na hindi niya mapangalanan. At alam niyang ganoon din ang ipinapakita ng mga mata niya. His eyes mirror hers.
"A-akala ko... akala ko--" hindi niya maituloy ang sasabihin dahil sa bikig sa kaniyang lalamunan. "Akala ko... mawawala ka na sakin," she cried. Naitakip niya ang palad sa mukha. "Takot na takot ako, Trail. Takot na takot..."
Inalis nito ang mga palad niya na nakatakip sa kaniyang mukha at pinunasan ang luha niya. "I'm sorry, crazy. I'm sorry. But I won't promise that it will never happen again. I will protect you over and over again even if my life is at stake."
Parang hinaplos ang puso niya sa sinabi ng binata. Muli niya itong niyakap. Naramdaman niya ang paghalik nito sa tuktok ng buhok niya.
Sa kalagitnaan ng yakapang iyon ay ang matinis na pagsigaw at pagpalakpak ni Mommy Tinah. "Yehey! They'll get married!" Nagkatawanan tuloy ang mga tao sa loob ng ICU.
BINABASA MO ANG
BUENAVISTA BROTHERS 1: Trail Buenavista (COMPLETED)
Fiksi UmumTrail never liked his controlling parents. Ngunit gaya ng palagi nitong itinatatak sa kukote nilang magkakapatid, hangga't nasa puder sila ng mga magulang, wala silang karapatan magreklamo sa lahat ng ipinag-uutos ng mga ito. Kahit pa tungkol iyon s...