EIGHTEEN

5.4K 143 17
                                    

"The worst way you can leave someone... is in silence." 💔

Happy Reading, everyone! (May typo.)

"Do you really have to go?"

Mahigpit na hinawakan ng binata ang mga kamay niya na para bang ayaw na nitong pakawalan ang mga iyon.

Halos wala pang isang oras ang itinatagal mula noong magkaayos sila nito ay siya namang pagdating ni Mr. Molieriz. At gaya nang napagpasiyahan na niya, sasama siya dito upang matuldukan na ang lahat ng ito.

Kasalukuyan silang magkatabing nakaupo sa mahabang upuan na kahoy sa labas ng bahay nila at katatapos lamang niyang gamutin ang mga sugat nito --na siya palang bigay ni Kiko kahapon. At nagsinungaling pa ang kapatid sa kaniya nag tanungin niya ito kahapon kung bakit may sugat sa mukha.

Lagot sa akin ang dalawang iyon pag-uwi. Kasama kasi ni Ide ang dalawa sa pagbili ng gamit para sa ipatatayo nitong bahay.

Nang tanungin kasi niya si Kiko kahapon kung ano ang nangyari sa gilid ng labi at sa mga kamao nitong may sugat, ang sagot nito ay dahil daw sa tinataguan nitong shokla. Nauntog daw ito sa pader kakatakbo at nakadkad ang mga kamao.

Nang si Kael naman ang tiningnan niya ay sunud-sunod lamang na mga tango ang isinagot nito sa kaniya with matching smiling face.

Yun pala ay nakipagbasag-ulo lamang ito sa matandang gurang na kaharap niya ngayon. She nearly smiled at the thought. Trail isn't an old man anyway. He is actually a baby to her. A handsome baby.

Ngunit kahit na ganoon ang ginawa ng mga kapatid ay masaya pa din siya. Dahil alam niyang mahal siya ng mga ito. Marahil ay nagawa iyon ng mga kapatid para protektahan at ipagtanggol siya. At ganoon din naman ang gagawin niya sakaling ang mga ito naman ang malagay sa alanganin.

Palaging handa ang mga bangus niya.

Ipinaliwanag na niya kay Trail ang gusto niyang mangyari... na gusto niyang malaman ang totoo niyang pagkatao. Bukod pa doon, alam na din niya ang dahilan kung bakit naroroon si Cherryl sa opisina nito noong araw na nag-away sila.

Kaya naman kapag nakita niya ang babaeng iyon, sisiguraduhin niyang hindi lamang bangus ang isasampal niya ng kaliwa't kanan sa mga pisngi nito. Kundi isang buong banyera. Para siguradong knock-out!

Malungkot siyang tumango-tango sa binata. "Alam mo naman ang dahilan diba? Tsaka... gusto ko, pag magkasama na tayo, wala na tayong ililihim sa isa't-isa. Ayoko na ding magkakagalit tayo dahil lang sa mga pangyayari sa kani-kaniyang buhay natin noon."

Ngunit hindi ito sumagot sa sinabi niya. Nanatili itong nakatingin sa magkahawak nilang mga kamay.

Matagal na katahimikan ang lumukob sa kanila bago niya napagpasiyahang baliin iyon.

"Trail--"

"Should I go with you?"

Kaagad siyang umiling doon. Kaagad namang kumunot ang noo nito. "Why? Ayaw mo? Ayaw mo ba akong kasama don? Galit ka pa din ba sa akin?"

Hindi naman lingid sa kaalaman niya na marami itong trabahong kailangan pang asikasuhin dahil sa pagsabog ng mga motor boat sa Isla Buenavista. Marami na itong isipin. At ayaw na niyang makadagdag pa doon.

"Hindi naman iyon dahil sa ganoon Trail," aniya sa mababa at malumanay na boses. "Alam ko namang marami kang inaasikaso. At ayoko ng madagdagan pa iyon. Huwag ka mag-alala kasi alam kong makakagawa at makakagawa ka naman ng paraan para kausapin ako," she smiled at him.

"Yeah, that is definitely right," natahimik uli ito. Niyakap nito ang bewang niya at isinksik ang mukha sa gilid ng leeg niya. "Will you be okay?" tanong nito. Bahagya siya ng nakiliti dahil sa paghinga nito sa leeg niya.

BUENAVISTA BROTHERS 1: Trail Buenavista (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon