A/N: Sorry po kung natagalan ang update. Nag-focus po kasi ako sa No Ide, No Entri. Completed na po iyon, sana mabasa ninyo. Happy Reading!
PS. Typo ahead.
Lumipas ang buong araw ngunit hindi bumalik si Trail sa isla. Nakaupo si Sue sa mahabang kahoy na upuan sa labas ng kanilang bahay at hinihintay ang binata. Nagbabaka-sakaling babalik ito dahil bigla na lamang itong umalis.
Ngunit hindi na ito bumalik. Pagkaalis nito, isang yate uli ang dumaong sa kahoy na daungan hindi kalayuan sa bahay nila, ngunit nakita niyang sinundo lamang niyon ang kapatid ni Trail at ang isang lalaking nakasunod dito na mukhang guwardiya. Pagkatapos ay umalis na kaagad ang mga ito.
Napabuntong-hininga na lamang siya at pinagpagan ang bakya niya na napupuno na ng buhangin.
"Anak, anong ginagawa mo dito sa labas?" Nag-angat siya ng tingin at nakita niya si Nanay Lita kasunod sina Kiko at Kael na dala ang mga banyera nila na pinaglagyan ng isda kanina sa palengke.
"Oo nga, ate? Malamig na dito, ah? Dapat pumasok ka na," sabi naman ni Kiko.
Inabot niya ang kamay ng nanay. "Mano po, Nay Lita. E hinihintay ko kasi kayo," sagot na lang niya sa mga ito.
"Nagluto na po ako ng hapunan, Nay. Kumain na po tayo. Kiko, Kael, iwan niyo na yang mga banyera dito sa labas. Eeskobahin ko yan mamaya pagkatapos kumain."
"Bukas na lang yun ng umaga, Ate. Pagabi na o," untag sa kaniya ni Kael.
"Oo nga naman, Ate."
"Naku, hayaan na ninyo ang Ate ninyo. Pumasok na kayo at maglinis muna ng katawan bago kumain. Amoy- pawis na kayo pareho. Samahan niyo na lang ang Ate Pursue ninyo mamaya pag nag-eskoba siya."
"Opo, Nay."
"Sige po, Nay."
Magkakasunod silang pumasok sa kabahayan.
Mabilis niyang tinapos ang pagkain at hindi na hinintay ang kambal na samahan siya pag-eeskoba. Lumabas siya ng bahay dala ang isang timbang tubig. Kinuha din niya ang pang-eskoba niya at isang sabong panlaba at sinimulang linisin ang mga banyera.
Nasa ganoong estado siya nang lumabas din ang Nanay Lita niya. Kumuha ito ng bangkito at tinulungan siya sa ginagawa.
"Naku, Nay. Ako na dito. Keribumbum ko na 'to. Dapat nagpapahinga na kayo."
"Ayos lang 'to, anak. Gusto ko din kasi ikuwento sayo ang nangyari sa meeting namin kanina patungkol dito sa isla. Um-attend kasi iyong isa sa mga nakababatang kapatid ni Mr. Trail Buenavista," saglit siyang natigilan sa sinabi ng nanay.
"Ano pong nangyari, Nay? Ano pong napag-usapan ninyo?"
"E kasi anak, kuwan."
Kumunot ang noo niya. "Bakit po, Nay? Hindi po ba sila pumayag na huwag muna tayong paalisin dito sa isla hangga't wala pa tayong mahanap na mapupuntahan?"
"Naku, anak. Pumayag sila."
"Talaga po? Kung ganoon, ano pong problema? Bakit mukhang hindi po kayo masaya?"
"Makinig ka sa aking mabuti, anak. Pumayag sila, sa isang kondisyon. Kailangan dito ng desisyon mo."
Mas lalong lumalim ang gatla sa noo niya. "Ano daw hong kondisyon?"
"Kuwan, ay. Papayag lamang daw sila kung titira ka sa mansion ni Mr. Buenavista at magtratrabaho doon bilang artista."
"HO?"
BINABASA MO ANG
BUENAVISTA BROTHERS 1: Trail Buenavista (COMPLETED)
General FictionTrail never liked his controlling parents. Ngunit gaya ng palagi nitong itinatatak sa kukote nilang magkakapatid, hangga't nasa puder sila ng mga magulang, wala silang karapatan magreklamo sa lahat ng ipinag-uutos ng mga ito. Kahit pa tungkol iyon s...