TWENTY TWO

5.8K 154 12
                                    

A/N: Tada! Heto na po ang update. Sorry po at natagalan. Maraming salamat po sa mga sumoporta sa pagmamahalan ni Crazy at ni Lolo.

Warning: unedited. (Wala pa po talaga akong time mag-edit. Super busy sa school. Pagpasensyahan nyo na po ang typo at kung may mali man sa grammar. My head is actually spinning while I am writing this. 😭)

"Arggh! Nakakainis!"

Galit na sinipa ni Pursue ang buhangin sa ilalim ng mga paa niya at inihalukipkip ang dalawang braso. Natabunan pa ng buhangin ang mga paa niya dahil sa ginawa.

Napasimangot siya habang nakatingin sa dagat. Lumalakas ang hampas ng mga alon niyon. At sa hindi niya malaman na dahilan ay mas nakadadagdag iyon sa inis na nararamdaman niya dahil naalala niya doon ang mamaw niyang nobyo na dalawang linggo nang hindi nagpaparamdam sa kaniya.

Oo, dalawang linggo na nga ang nakakalipas magmula nang iwan niya ito, si Natoy at ang mga bakya niya, sa may terminal ng pedicab sa sobrang pagkairita.

At sa ngalan ng mga dugong na nagmemenopause, mapepektusan na talaga niya ito sa oras na magkita sila uli. Ito pa yata ang galit matapos ang nangyari sa may terminal. Ang hudyo, hindi na nagparamdam sa kaniya! Wala man lamang sorry, walang tawag, walang dalaw. Walang kahit ano! At talagang pinakukulo niyon ang dugo niya.

Bakit kasi hindi mo puntahan sa isla nya? Napaismid siya sa naisip. Sya na naman ang manunuyo sa nireregla nyang jowa gayung ang kabaliwan naman nito ang may kasalanan kung bakit sila magkagalit ngayon? Kasalanan nitong uminit ang ulo nito sa isang biofuel.

Palihim siyang umirap sa hangin. "May karapatan din naman akong magalit ah?" bulong niya.

Speaking of biofuel, isang linggo na ang nakakaraan nang pumunta si Natoy sa puwesto nila sa palengke. Humingi ito ng tawad sa nangyari at sinabing aalis na daw ito ng isla upang magtrabaho sa lungsod. Kaya ngayon ay hindi na niya ito nakikita.

Sa totoo lamang ay nabunutan siya ng tinik sa dibdib dahil doon. Kadalasan kasi ay hindi sa kumportable sa binata lalo na sa mga tingin nito sa kaniya. Mabuti na para sa kanilang lahat ang pagtratrabaho nito sa Maynila.

Naputol ang pagmumuni-muni niya nang marinig ang boses ni Nanay Lita. Kalalabas lamang nito mula sa kanilang bahay. Agad niyang itinago ang simangot sa kaniyang labi at pinalitan iyon ng ngiti.

"'Nak, alis na ko ha? Maraming trabaho ngayon sa Barangay hall," pagpapaalam nito sa kaniya habang isinusuot ang chaleko style nitong uniform na ipinatong sa puting t-shirt at may nakasulat na 'kapitana.' "Kapag nakita mo ang mga kapatid mo, o di kaya'y tumawag sayo, pakisabi 'nak, umuwi na kamo sila."

"Opo, Nay," sagot niya.

"O sya sige. Hahayo na ako."

"Ingat po, Nay Lita!" Sigaw pa niya bago tuluyang umalis ang nakagisnang ina.

Bumalik ang simangot sa labi niya nang maalala din ang mga kapatid. Ang kambal na iyon, sa loob ng dalawang linggo ay iisang beses pa lamang umuuwi. Pagala-gala sa kung saan-saan. At sa tuwing tinatanong niya ang mga ito kung saan magpupunta ay palagi siyang sasagutin ng mga ito nang: Nagpaalam naman kami kay Nanay kung saan kami pupunta. Kaya hinahayaan nya na lamang ang mga ito.

Hm, makakatikim ang dalawang iyon ng bagsik ng mga bangus ko sa oras na umuwi sila. Dahil din kasi sa dalawang linggong pagka-missing in action ng mga kapatid niya ay dalawang linggo na din siyang walang katulong sa kanilang puwesto.

BUENAVISTA BROTHERS 1: Trail Buenavista (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon