A/N: Warning: SPG | Mature-content | R18 | Read at your own risk! | Magda-dive na po kasi si Trail dito | May typo. Please excuse the typos or any grammatical error. Sabog po kasi ako habang nagsusulat as in. Sobra-sobra na kasi yung eagerness ko na matapos ang story ni Trail para makapag-focus na ako kay Mirkov.
Anyway, happy reading y'all. 💖💖
"Crazy?" Malakas na kumatok si Trail sa pintuan ng banyo. "Let's go already, okay? Aren't you done yet?" Muli niyang tanong mula sa labas ng pintuan.
Niyaya kasi niya ito na mag-snorkeling. At dahil parehas pa silang naka-pajamas ay napagkasunduan nilang magpalit muna ng swimwear pagkatapos kumain ng umagahan. Kaya heto ay naka-swimming shorts na lamang siya habang kumakatok.
Ngunit halos trenta-minutos na ang nakakalipas ay hindi pa din lumalabas ng banyo ang dalaga. At nagsisimula na siyang mag-alala. Baka nadulas na ito o kung napapaano sa loob ng banyo.
Pero naputol ang lahat ng pag-iisip niya ng unti-unting bumukas ang pintuan ng banyo. Halos mahigit ang paghinga niya nang iniluwa niyon ang dalaga na naka-two piece lamang.
He raked a hot stare over her sexy body. At literal na napanganga yata siya. Shit. That is not so good. Ramdam na ramdam niya ang pagkabuhay ng alaga niya, na dalawang araw na din niyang pinipilit na remedyuhan gamit ang sariling palad.
Dalawang araw na kasi ang nakakalipas mula nang isama niya ito sa yate kaya dalawang araw na din siyang natutulog sa sofa at nagtitiis sa lamig doon. Paano ay sa kuwarto lamang mayroong heater at talaga namang malamig ang simoy ng hangin sa dagat.
Dahil sa tuwing nagkakalapit ang mga katawan nila ng dalaga ay talagang sumasaludo ang alaga niya na parang iaang sundalo na handang sumabak sa labanan.
"Sorry, Lo. Medyo natagalan. Ito lang kasi ang nakita ko sa closet mo. E hindi naman ako sanay magsuot ng ganito. Ayos lang ba ang hitsura ko?" nahihiyang tanong nito.
"You're so..."
Napasimangot ito. "Crazy?" Pagtatapos nito sa sasabihin niya.
"Yes."
"Ha?"
He cleared his throat. "Yes. Crazily sexy."
Ngumiti lamang ito at hinawakan ang kamay niya. "Tara na."
Hindi niya mapigilang mapangiti habang nakatingin sa kamay nilang magkasalikop. It's just a simple gesture but it makes him feel like he is floating in pure bliss... Like he is the most important person in the world.
Nang makarating sila sa gilid ng deck ay tinulungan niya itong magsuot ng goggles, float vest at snorkel. Pagkatapos ay siya naman ang nagsuot ng mga iyon. At dahil maaga pa naman, wala silang problema sa pagsikat ng araw.
Nitong lumipas na dalawang araw ay tinuruan niyang lumangoy ang dalaga kaya naman nang lumusong sila pareho ay mabilis itong lumangoy at paminsan-minsan ay inilulubog ang ulo upang makita ang naglalakihang koral sa ilalim ng dagat.
Ganoon din ang ginawa niya. Nakaka-relax ang ginagawa nila. Bukod sa makukulay ang mga isda sa ilalim nila, ay iba-iba din ang hulma ng mga bato.
Halos isang oras din ang itinagal nila sa snorkeling bago nila naisipang umahon na. Tinulungan niyang makaahon ang dalaga sa deck pagkatapos ay siya naman ang umahon. Tinabihan niya ito. Parehong nakalaylay ang mga paa nila sa gilid ng deck.
BINABASA MO ANG
BUENAVISTA BROTHERS 1: Trail Buenavista (COMPLETED)
Fiksi UmumTrail never liked his controlling parents. Ngunit gaya ng palagi nitong itinatatak sa kukote nilang magkakapatid, hangga't nasa puder sila ng mga magulang, wala silang karapatan magreklamo sa lahat ng ipinag-uutos ng mga ito. Kahit pa tungkol iyon s...