Chapter 10

84 0 0
                                    

Kinapa ko ang unan sa tabi ko ng biglang tumama ang sinag ng araw sa mga mata ko kaso wala akong makapang unan.

Napatagilid ako at kinapa kapa muli ang kama ng may nahawakan ang kamay ko. Para itong unan kaso matigas ng kaunti. Medyo malaman ito. Paano ko ba idedescribe. Mukha siyang abs?

Waaahhh! Ke aga aga abs na agad ang pinagpapantasyahan ko.

Umusog pa ako ng kaunti at niyakap ang abs. Maybe panaginip ko to. Oh well! Susulitin ko nalang. Aba! First time ko tong makahawak ng abs ha.

Biglang umungol ang abs at gumalawa galaw ito.

Doon na ako tuluyang napamulat. Ay takte! This is not a dream! Talagang abs tong yakap yakap ko.

Hinawakan ko itong muli para ma sure kong hindi ako nananaginip. Waahh! Totoo nga!

Tiningnan ko ang abs hanggang sa umakyta ang tingin ko. Patungo sa chest nitong lalaking katabi ko hanggang sa mukha niya.

"Waaahhh hindi ako makapaniwalang ikaw ang first ko sa lahat! I kennat!" Maluha luhang sigaw ko dito.

Napakurap kurap ako. Dinidigest pa ng utak ko kung anong nangyari kagabi.

Napamulat naman ito at biglang sumalubong ang kilay niya dahil sa ingay na ginawa ko.

Nababagot itong bumangon sa kama kaso napapikit ng bigla atang sumakit ang ulo nito.

Tae! Yung ulo ko rin nga sumasakit dahil sa hang-over pati yung pagitan pa ng legs ko sumasakit.

Naman eh! Hindi na talaga ako iinom ng alak!

"First sa ano? Anong bang pinagsasabi mo?"

"Ikaw ang first kiss ko, tapos ikaw ang lalaking unang nahawakan ko ng abs tapos ngayon ikaw pa ang first- first- ummm... lam mo na" reklamo ko dito at ngumuso.

Waahhhh!! It's so unfair! Taena! I hate alcohol na! Ng dahil sa alak na devirginized ako ng hindi ko namamalayan!

Pwedeng take two para naman ma feel ko?

Pero wag nalang pala! Masakit pa yung down there ko. I kennat na talaga!

Binato ko ito ng unan na napulot ko sa baba ng kama at mabilis na tumayo.

Wala na akong pake kung wala manlang akong saplot basta ang gusto ko lang ngayon ay mag relax sa bath tub. Feeling ko tone-toneladang hallow blocks ang bumagsak sakin dahil ansakit talaga ng katawan ko.

Dumeretso agad ako sa banyo niya at pinuno ng tubig ang bath tub at nag babad na.

After ng dalawang oras. Oo, dalawang oras talaga ang itinagal ko sa banyo. Isang oras sa bath tub at isang oras sa shower.

Paglabas ko, nakabihis na si Zeb. Basa na ang buhok nito. I wonder kung asan naligo tong Boss ko.

Napanguso ako at masamang tiningnan ito.

"What? It's your job right?" Tanong nito sakin. Mas napasimangot naman ako at umiwas ng tingin.

Oo na! Trabaho ko naman talagang bigyan ito ng anak. Pero t*ngina lang, kelangan ipamukha???

I didn't utter any word. I looked at him with no emotions written in my eyes.

"Lalabas muna ako" sambit ko at lumabas na ng hotel.

Pagkalabas ko ng hotel, pumunta agad ako sa dalampasigan at naupo sa ilalim ng puno.

Mahina pa akong naglakad kanina dahil baka pag bumilis ako, mapapansin nilang paika-ika ang lakad ko.

Kahit loka-loka ako minsan marunong naman akong mahiya ano.

Ngumuso muli ako at pinanood ang mga bata na naglalaro sa dagat kasama ang mga mommy nila or daddy.

Mukhang ang saya saya nila. Ano kayang feeling maging bata? Don't get me wrong guys. Naging bata naman ako pero hindi ko naranasan kung paano maging bata.

I may look like wala akong problema pero meron naman. Smiles can be deceiving sometimes.

Napabuntong hininga ako at malungkot na ngumiti.

Nagulat lang ako ng biglang nag flash sa harap ko na animoy pinipicturan ako.

Napatingala ako sa lalaking kumuha ng litrato ko.

"Alam mo, pasok na pasok ka sa modeling. Ikaw sana ang magiging model ko kung hahayaan mo lang ako" saad nito sa napakapamilyar na boses.

Ibinaba nito ang camera at kinuha ang sombrero niya.

Napangiti ako ng malapad attumayo agad.

"Kuya Quin!" Sigaw ko at agad inambahan ito ng yakap.

Siya si Kuya Quinton, kababata ko. Magkapit bahay kami dati noong bata pa ako kaso noong lumipat kami ng tirahan, hindi ko na siya muling nakita. Last year lang noong napagawi ako sa mall. Nakita ko siyang gumagala rin tapos ngayon ulit.

"Hi Jaja, kamusta?" Saad nito at ginulo ang buhok ko.

Tinampal ko naman ang kamay nito at inayos ang bahagyang nagulong buhok ko.

"Eto, gorgeous as ever" sagot ko. Tumawa naman ito at akmang guguluhin ang buhok ko ng tiningnan ko agad ito ng masama.

Ngumisi lang ito at umupo sa buhangin. Specifically, sa tabi ko. Umupo na rin ako at nagsimulang makipagkwentuhan kay Kuya Quin.

"Nga pala, bat ka napagawi dito Kuya?" Tanong ko at sinusuklay ang buhok kong nililipad na ng hangin.

"Vacation" maikling sambit nito habang nakatingin sa camera nito.

"You could be a model Jaja. If your interested, sabihin mo lang sakin" saad nito sabay pakita ng kuha nitong litrato ko kanina lang. Nakaupo ako sa buhangin habang bahagyang nakayuko at may malungkot na mga ngiti. Nililipad rin ng hangin ang hanggang bewang kong buhok.

"Aysus. Binobola mo lang ako kuya eh. Tong mukhang to, pang model?" Naiiling na sambit ko dito.

Well, pwede na rin. Maganda naman ako eh. Chos.

Kinuha ko sa bulsa ko ang pantali ko sa buhok at ibinigay ito kay Kuya.

"Bak-"

"Braid mo ko. Dali!" Utos ko at tumalikod na dito. Napatawa naman ito ng mahina pero inumpisahan namang ibraid ang buhok ko.

"Ano nga palang pinagkakaabalahan mo ngayon?" Tanong ni Kuya habang nasa gitna ng pagbebraid sakin.

"Stuffs. Kailangan ko kasi ng pera ipampaopera kay Tiya Therese" sagot ko sa tanong niya.

Speaking of Tiya Therese, kamusta na kaya siya. Baka naman pinapabayaan yun ni Joseph. Naku naku! Malilintikan talaga sakin yung mokong na iyon pag nalaman kong hindi nito inaalagaan ni Tiya.

"There! Finished!" Sambit ni Kuya.

Kinuha ko naman ang cellphone ko at nanalamin sa screen nito. Pwede na. Maganda.

Ng ibaba ko na ang screen ng phone ko, bumungad agad sakin ang papalapit na pigura ni Zeb. Nakakunot ang noo nito at masamang nakatingin sakin habang may hawak hawak na paper bag.

Inirapan ko lang ito at humarap kay Kuya.

Bahala siya.

Im His Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon