Chapter 23

53 0 0
                                    

7:00 na ng umaga pero heto ako at bihis na bihis. Plano ko kasing bisitahin ngayon sina Tiya Therese at Joseph kaya heto at nakabihis na ako.

Dahan dahan akong lumabas ng kwarto ko kung saan natutulog parin si Zeb.

Napangiti ako at mahinang nagtitili ng mabungaran ko kaninang pag-gising ko si Zeb.

Ang gwapo talaga nito kahit tulog. Haaaayyyy nakow.

Pumunta ako sa kusina at dinikitan ng sticky note ang ref na nagsasabing aalis muna ako.

My phone rang kaya naman agad ko itong kinuha at sinagot

"Hello?"

"Ate, ngayon ka po ba pupunta?"

That was Joseph asking.

"Oo Joseph. Bakit?"

"Wala naman po. Pinapatawagan ka lang kasi ni Mama. Gusto niyang makasiguradong pupunta ka daw. Miss na miss ka na kasi niya" sagot nito. Napahagikhik naman ako at marahang lumabas na ng bahay ni Zeb. Sinisiguradong hindj ako makakagawa ng ingay. Mamaya magising pa yun.

"Si Tiya talaga. Sabihin mo pupunta ako ngayon at promise iyon" sagot ko at sinaraduhan na ang pinto.

May lumapit saking isang body guard ni Zeb at inalok akong siya na ang maghahayid sakin pero tumanggi ako. Mas gusto kong mag commute muna ngayon.

"Sige po Ate. Ingat ka po" huling sagot ni Joseph at binaba na ang tawag.

Kaagad namang may dumaang taxi sa harap ko kaya agad ko itong pinara.

-Hospital

"Pakagaling ka Tiya ah. Next week na ang operasyon mo"

"Ang tigas nga ng ulo niyang Ate eh. Sabing magpahinga siya pero hindi niya ginagawa. Minsan lumalabas pa nga yan sa kwarto niya at nakikipag kwentuhansa ibang kwarto" sumbong sakin ni Joseph

Piningot naman ni Tiya Therese ang tenga nito dahil sa pangsusumbong niya sakin.

Napatawa nalang ako ng mahina.

"Eh kasi naman Jaja, mas hihina ako pag dito lang ako nanatili" pagdadahilan nito matapos bitawan ang tenga ni Joseph. Sumimangot naman ang binata at lumayosa nanay niya.

"Oo na po Tiya. I'm sure namimiss niyong kasing makipagchikahan. Wala kasing kwenta kausap tong anak niyo"

Mas lalong napasimangot si Joseph at padabog na umupo sa sofa.

"Sige, pagtulungan niyo pa ako" mahinang bulong nito na mas lalong nagpatawa samin ni Tiya

"Oh siya Tiya uuwi na ako ah. Dadalawin ko nalang ulit kayo bago ang operasyon niyo" saad ko dito at niyakap ito.

Gumanti naman ng yakap sakin si Tiya Therese at hinalikan ako.

Inayos koang suot niyang bonet at hinalikan rin ito sa pisnge niya.

"At ikaw naman Joseph, alagaan mo tong mama mo ah. Pag nalaman kong pinapabayaan mo siya malilintikan ka sakin" habilin ko sa pinsan kong nakabusangot parin.

Lumapit ako at hinalikan ito sa pisnge.

"Bye bye na" sambit ko at ginulo ang buhok nito bago ako makalabas ng kwarto.

Tumungo na ako sa hallway kung saan ang daan palabas ng hospital.

Sumakay agad ako sa elevator at pinindot ang button na papunta sa lobby.

Napapitlag ako ng biglang mag vibrate at tumunog ang cellphone na nasa bulsa ko.

Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag.

ZZ Calling...........

Napangiti ako ng makita ko ang pangalan ni Zeb. Siguro namimiss ako ng mokong na iyo. Harhat edi ako na ang assumera.

Pinindot ko ang answer button. Mag hehello na sana ako ng biglang sumigaw ang nasa kabilang linya

"WHERE THE H*LL ARE YOU JASCHA?! AT ANONG ORAS NA! BAKIT WALA KA PARIN DITO?!"

Napalayo ko agad ang cellphone sa tenga ko dahil feeling ko mabibingi ako sa biglang pagsigaw ni Zeb.

"Andito ako ngayon sa hospital Zeb-"

"HOSPITAL? WHY? WHAT HAPPEN? MAY SAKIT KA BA? MAY MASAKIT BA SAYO?"

Napangiwi agad ako ng hindi manlang ako nito pinatapos magsalita. Agad na itong nagtanong ng sangkatutak.

"Hindi, dinadalaw kolang si Tiya Therese at Joseph. Next week-"

"Good. Umuwi ka na agad dito. At sana namana ginising mo na ako kanina at hindi ka na nag iwan ng sticky note"

"Sorry na. Mahimbing kasi ang tulo-"

And agai, pinutol niya na naman ang sasabihin ko.

"Kahit na! Basta umuwi-"

"Pwede ba! Patapusin mo naman akong magsalita kahit isang beses lang!" Inis kong bulyaw dito at pinatay na ang tawag.

Nakakinis lang. Pinuputol lahat ng sasabihin ko.

Ng bumukas na ang pinto ng elevator ay lumabas na ako kaso, biglang may humigit saking palapulsuhan at hinigit ako palabas. Papunta sa parking lot

"Te-teka. Saan mo ako dadalhin?" saad ko at nagpumiglas sa pagkakahawak nito.

Tumingin ito sakin at ngumiti.

"Don't worry. Wala akong balak na masama sayo. Kailangan lang kitang makausap" saad nito sakin at kiniha ang suot niyang shades.

Maputi ito. Kulay asul ang mga mata niy. Wavy ang blonde nitong buhok at may dimple ito kada ngumingiti.

"Si-sino ka?"

"Ako? Ako si Ziana Montenegro. Kapatid ako ni Zeb" diretsang saad nito.

Napatigalgal naman ako. Kapatid siya ni Zeb? Ilan ba ang kapatid ni Zeb?

"Kapatid niya ako sa nanay. Habang sila Yuan naman at Draze, kapatid niya sa tatay" paliwanag nito sakin.

"Anong kailangan mo sakin?"

"I need your help" sinpleng saadnito bago huminto ng lakad at tuluyan ng humarap sakin.

"I need your help to convince him na walang kasalanan si mama. Gusto kong tulungan mo ako para mawala na ang galit ni Zeb sa nanay namin. She left Zeb for a reason pero sadyang bato ang puso ng lalaking iyon kaya naman hindi niya magawang pakinggan ang kahit na sino samin" paliwanag nito sakin.

Napatingin naman ako sa kanya. Nangungusap ang mga asul nitong mata sakin. Na parang humihingi ng tulong

"Bakit ako? Bakit hindi ikaw nalan. Tutal magkapatid naman kayo" sambit ko dito.

Bakit nga ba ako? Ano ba ako ni Zeb? Last time nga noong pinapasok ko ang mama nito sa bahay niya nagalit ito sakin. Baka mas magalit na naman ito sakin kung makikialam pa ako sa buhay niya.

'Please, your my last hope Jascha. Kahit na ako ay hindi niya magawang pakinggan. Galit rin siya sakin dahil pakiramdam niya, mas pinili ng nanay niyang makasama kaming ibang pamilya niya kesa sa kanya. Please Jascha. Please" nagsusumamong saad nito sakin.

I bit my lower lip. Nangingislap na ang gilid ng mga mata nitong si Ziana. Nangangahulugang malapit na itong umiyak.

Napabuntong hininga ako at kinuyom ko ang mga kamao ko.

"Ikwento mo sakin ang mga nangyari" bulong ko.

Napangiti naman ito at tuliyan ng bumagsak ang mga luha niya sabay yakapsakin.

"Thank you Jascha. Thank you"

Ramdam na ramdam ko ang saya sa tinig nito. Unti unti akong napangiti.

Im His Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon