Chapter 25

56 0 0
                                    

Nanlalabo ang mata ko ng sandali ko itong imulat. Napakurap kurap pa ako ng ilang beses para lang luminaw ang paningin ko.

Unang tumambad sakin ang puting kisame.

Napahawak ako sa ulo ko at umupo sa kama kahit nakakaramdam pa ako ng konting hilo.

A-anong nangyari?

"Oh my gosh! Jascha! Your awake! Jayce! Tumawag ka ng doctor!" Natatarantang saad ng isang ginang na ngayon ko lang napansin.

Nabaling ang tingin ko dito. Pamilyar ang mukha niya pero hindi ko matandaan kung saan ko ba ito nakita.

"Are you okay? May masakit ba sa iyo? May kailangan ka ba?" Natatarantang tanong nito sakin. Lumapit ito at mas ikinagulat ko ng biglaan ako nitong yakapin.

"Patawad Jascha. Patawad" sambit nito habang mahigpit ang yakap niya sakin.

Napakunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka. Anong pinagsasabi ng babaeng to? At sino ba siya?

Kumalas ito ng yakap sakin at hinalikan ang noo ko bago lumayo.

Napatingin naman ako muli sa mukha nito. Pilit inaalala kung saan ko ba siya nakita.

Napahawak ako bigla sa tiyan ko.

Ang huling naalala ko lang ay umuulan ng gabing yun. Takbo ako ng takbo at paulit ulit na nadadapa.

Dugo. Tama! May nakita akong dugo na umaagos sa hita ko.

Bago-

Napatingin ako sa babae. Umiwas ito ng tingin sakin at inabala ang sarili niya sa pag-aayos ng mga prutas sa side table.

"T-tell me, buntis ba ako?" Tanong ko pero hindi niya ako sinagot.

"Ang b-baby ko. A-asan ang ba-baby ko?" Tanong ko pero hindi na naman ito sumagot.

Nakita ko ang pag guhit ng lungkot sa mga mata nito bago umupo sa upuan na nasa tapat ko.

"Look Jascha, wag kang mabibigla. Mas mabuti kang magpahinga ka muna" malumanay na saad nito pero umiling iling lang ako.

Dinagsa ng kaba ng dibdib ko. Napakurap kurap ako habang nag uulap na ang mga mata ko.

"I'm sorry Jascha. But the baby didn't make it" malungkot na saad nito.

Unti unting nag situlo ang mga luha ko sa narinig ko mula sa kanya. I just lost the baby. My baby.

Tuluyan na akong napahagulgol at niyakap ang tuhod ko. Dinaluhan naman ako ng ginang at niyakap. Pilit niya rin akong inalo pero hindi ko kayang tumahan.

I just lost my baby! I just lost my baby without even knowing of it's existence!

Kung alam ko lang sana na buntis ako ay hindi na ako umalis ng gabing yun. Kung alam ko lang sama na buntis ako naalagaan ko sana ang anak ko.

Wala akong magawa kundi isisi sa sarili ko ang lahat. How can I be so care less?

"Sshhhh..... Jascha, don't cry. Makakasama iyan sa kalusugan mo" bulong nito sakin pero umiling iling lang ako.

Patuloy ang paghihinagpis ko dahil sa pagkawala ng anak ko.

"Ang an-anak ko. Ibalik niyo ang anak ko. Nag b-bibiro lang po diba kayo. Na-nandito pa ang baby ko. Nandito p-pa siya" paulit ulit kong sambit kahit ang totoo, alam kong wala na siya.

Wala na ang anak ko.

"A-ang baby ko" paulit ulit kong sambit dito.

May pumasok namang mga nurse at doctor tapos may itinurok ang isang babaeng nurse sa braso ko upang kumalma ako.

Unti unting lumabo ang paningin ko hanggan sa tuluyang manghina ang katawan ko.

Inalalayan naman ako ng lalaking tinawag kaninang ginang na si Jayce para humiga.

Napahikbi ako at lumandas ang mga luha ko bago ako tangayin ng dilim.

(Yuan's POV)

"You know Ze, your such a d*ckhead" inis na bulalas dito ng pinsan namin si Wella.

"Ipagtatabuyan mo then hahanapin mo ulit? Hibang ka ba? Your crazy. Kahit na ako man ang sabihan ng mga salitang yun, baka maputulan pa kita ng ari mo tapos aalis na talaga ako at hindi na magpapakita pa sayo forever" dagdag pa nito pero hindi ito pinansin ni Zeb. Nakakunot ang noo nito habang may kausap sa kanyang telepono.

"D@mn it" sigaw nito at ibinato ang cellphone niya sa pader.

"It's been a month bro. Just let her be. Nasaktan mo siya, diba fair lang naman na magpakalayo layo muna siya" seryosong saad ni Draze kay Zeb na hindi na maipinta ang mukha.

The night Jacha left, tinawagan kami nitong tatlo. He searched for her pero hindi niya ito makita hanggang sa nag pang-abot na nga ng isang buwan, hindi niya parin nakikita ang dalaga.

Kung hindi namam kasi kalahating tanga at kalahating g*go tong kapatid namin, edi sana nandito pa si Jascha.

Sino ba namang matinong babae ang mananatili sa tabi mo gayong puro pasakit at pang iinsulto lang naman ang dala mo sa buhay niya.

"I have to find he. Baka kung ano ng nangyari-"

"D@mn it Zeb! Don't you see, pagod na siya! Ayaw na niya sayo! Saan ba gawa yang utak mo at hindi mo iyon maintindihan?! Sinaktan mo siya?! Hindi lang isa kundi maraming beses pa! Ininsulto mo pa siya mismo sa harapan niya! Can't you see Zeb the reason why she left?" Bulyaw ni Wella na siyang nakapagpatigil saming tatlo.

"Hindi laruan ang mga damdamin ng tao Zeb. Hindi rin magic ang damdamin namin na sa oras na saktan niyo kam, mawawala nalang yun bigla" dagdag pa nito at padabog na umalis sa opisina ni Zeb.

Napaupo naman ito sa swivel chair nito at inis na hinampas ang mesa.

"D@mn it! What have I done?" Bulongnito sa sarili niya.

Napailing nalang kami ni Draze at lumabas na ng opisina ni Zeb.

"Call us if you may need any help" huling sambit ko dito bago tuluyang lumabas na.

Im His Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon