(Jascha's POV)
"Anong gusto mong kainin. Magpapabili ako?" Tanong ni Zeb na katabi ko ngayon sa sofa habang nanonood ako ng movie na Narnia dito sa Star Movies.
Umiling iling lang ako at itinuon ang mata ko sa tv
Pero gusto kong kumain ng strawberries.
Ay! Wag nalang pala. Galit parin ako sa kanya. Ikaw ba naman sabihan ng mga sinabi niya kahapon hindi ka ba magagalit?
"Any foods? Pizza? Burger? Salad? Noodles?" Tanong nito sakin.
Nakakatempting yung offer niya pero ayoko. Wala doon sa mga pagkaing binanggit niya yung gusto kong kainin.
"Wala" matabang na sagot ko dito at pinatay ang tv.
Kinuha ko ang laptop ko na kakabili ko lang last week at binuksan ito.
Wala naman halos games at pictures itong laman. Puro videos lang.
Inopen ko ang folder na pinakaiingat ingatan ko kung saan nakalagay ang mga k-drama ng mga beloved kong asawa.
"Ayt! Ito nalang!"
Tili ko at inopen ang episode 2 ng Doctor Stranger. Natapat pa sa kyng saan mag oopera na ang asawa kong si Lee Jung Sok.
Ang komontra kukurutin ko sa singit!
"Ayt! Kung ganyan ka hot ang doctor ko mag papa opera na ako kahit saang parte ng body ko" saad ko at humagikhik.
Eh ang hot niya naman talaga eh. Diba? Diba? Lalo na kung nag ooperate siya.
Haaaayyyyyyy..........
"Psh. Yan, hot. Saan banda?" Tanong nitong katabi kong mokong.
Tiningnan ko siya ng masama at pinaghahampas ng unan.
Tong mokong na to! Kontrabida kahit kailan!
"Anong sabi mo?! Di hamak na mas cool, mas gwapo at mas hot sayo si Lee Jong Suk!" Bulyaw ko habang patuloy ang panghahampas dito.
Todo iwas naman ito at kunot na kumot ang noo. Waring hindi matanggap ang sinabi ko.
Tiniggil ko na ang panghahampas dito at kinuha ang laptop ko sabay padabog na pumunta sa kwarto ko.
Pero on the other hand, diba kamukha naman ni Zeb si Lee Jong Suk? Edi parehas lang naman silang hot. Pero still, mas lamang si Lee Jong Suk! Kasi siya mabait while si Zeb g*go siya. Palangiti siya habang palaging nakakunot ang noo ng boss ko. May pagka childish siya habang si Zeb, anong nga ba si Zeb?
Ah! Bipolar! Minsan childish, minsan masiyahain, minsan seryoso at minsan monster.
Inilapag ko ang laptop ko sa kama at kinuha si Jaja pero napakunot ang noo ko ng hindi ko makita si ZZ. Tiningnan ko ang ilalim ng kama ko kung andon ang baby ko kaso wala.
Hala! Agad akong tunakbo sa banyo pero wala rin. Sa closet, wala ri. Hinalughog ko na ang buong kwarto ko pero wala parin.
Nangingilid na ang luha ko.
ZZ!
(Zeb's POV)
D@mn that woman. She is really getting on my nervea. Ikumpara ba naman ako sa artistang koreanong yun? Tiyak na mas lamang ako ng isang daang paligo kaysa doon.
Napatayo ako bigla ng makarinig ng kalabog sa kwarto ni Jascha.
Now what? Ano na naman ba ang ginagawa ng baliw na babaeng yun?
Dali dali akong umakyat sa kwarto niya at binuksan ang pinto.
Bumangad sakin sa Jascha na nakadapa sa kama niya habang yakap yakap ang pink na penguin na binili ko sa kanya noon at ngumangawa.
"Bakit ka umiiyak?" Kunot noong tanong ko.
May nasabi ba ako kanina kaya siya umiiyak?
Lumapit agad ako dito at umupo sa kama niya.
"Don't cry. Mas cool, mas gwapo, at mas hot na ang kung sinong koreanong artista ang sinasabi mo kanina. Just- just don't cry" pang-aalo ko dito pero iyak na iyak parin ito.
Simabi ko na ngang mas gwapo ang kung sino man yun kahit natatapakan na ang ego ko ng kagwapuhan pero ayaw parin nitong tumigil kakaiyak.
Ano bang gusto ng babaeng to?
"Tahan na. Mababasa na ang stufftoy mo oh" sambit ko dito. Tumigil naman ito sa pag-iyak at nag indian seat sa kama.
Basang basa na ang mukha nito ng mga luha.
"S-si ZZ. Nawawala" pahikbi hikbing sambit nito sakin at umiyak muli.
Nataranta ako dahil sa biglang pag ngawa nito.
Agad kong kinuha ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang mga luha nito.
"Si Zz" patuloy paring sambit nito.
"Bibili nalang tayo ng bagong laruan mo okay. Basta wag ka ng iiyak"
Umiling iling ito at pinunasan ang mga luha niyang patuloy parin sa pagtulo.
"Ayoko. Hindi lang basta bastang nabibili ang ZZ ko. May sentimental value ito sakin" sagot nito.
"Then we will find you ZZ. For the mean time, I can be your ZZ" nakangiting saad ko dito.
Tumigil naman ito sa pag-iyak at pinunasan ang mga luha niya.
"Ta-talaga?" Paninigurado nito. Ngumiti ako at tumango dito bilang sagot.
Ngumiti naman agad si Jascha at niyakap ako.
"Wala ng bawian yan ah!"
BINABASA MO ANG
Im His Baby Maker
FanfictionWhat if naghahanap ng baby maker ang isang lalaki? Makahanap kaya siya? At mahalin kaya niya ito? 🥰this is my first time writing a story hope you like it