"Leche! Zeb Brandon Cruise!!!" Sigaw ko at mahigpit na kinapitan ang kamay nito.
Andito na ako ngayon sa delivery room at sinisikapang ilabas ang mga babies ko pero tangina lang! Tong fiancee ko, lutang na lutang!
"H-ha? Ah ano. Te-teka lang. Na tetense ako mommy"
"Ikaw manganganak? Ikaw manganganak?" Pilosopong sagot ko kahit na namimilipit na ako sa sakit.
T*ngina! Ayoko ng manganak ulit!
"Missis, ere pa po. Nakikita ko na po ang ulo ng bata" saad sakin ng babaeng doctor.
Mahigpit ko namang hinawakan ang kamay ni Zeb at buong lakas na umire kasabay rin ng pag ire ni Zeb.
"Shut up! Nakakahiya ka!" Bulyaw ko. Naman kasi! Ano bang ginagawa ng lalaking ito at nakiki ire siya sakin?
"Isa pa po" saad ng doctor. Buong lakas akong sumigaw at paghigpit ng kapit ko kay Zeb.
"Ah! Leche ka Zeb! Tumahimik ka! Hindi ikaw ang manganganak!" Sigaw ko kay Zeb ng pagkaire ko, umire rin ito.
Mukhang natauhan naman ito at hinawakan ng isa niya pang kamay ang kamay kong nakahawak sa kanya.
"I can't help it mommy. Na tetense talaga akong panoorin ka. Ayoko ng makitang naghihirap ka ulit. Two is more than enough" kinakabahang saad nito at napakagat pa ng ibabang labi.
Kung titingnan mo, mas siya pa ang mukhang manganganak kesa sakin. Mas siya pa ang mukhang nahihirapan kesa sakin. Mas siya pa ang mukhang nininyerbyos kesa sakin.
Ganito ba talaga ang mga lalaki once na makita nilang manganak ang mga asawa nila?
"Ikaw kasi eh! Binuntis mo ako! Leche kang lalaki ka. Aaahhhhh!!!" Buong diing sigaw ko hanggang sa makarinig kami ng palahaw ng isang bata.
Napangiti ako pero hindi pa tapos. Isa pa. Isa nalang at makukumpleto na ang pamilya namin.
"One more time Missis" saad ng doctor.
Tumingin agad ako kay Zeb at tiningnan ito ng masama. Mamaya umire na naman ito. He nervously smiled at umaktong sinara ang zipper ng bibig niya.
"Aaahhhh!!" Sigaw ko.
Sweats rolling down my forehead and I almost cry because of the pain.
"One more time"
"Aaahhhhhh!!!" Sigaw ko hanggang sa makarinig ulit kami ng isang palahaw.
Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. Bawing bawi ang sakit na nararamdaman ko pagkakita ko lang sa mga anak ko.
Karga ito ng dalawang nurse at sinisimulan ng linisan.
"Z-zeb!" Masayang sambit ko sa pangalan niya at tiningala ito.
Nakatulala ito habang nakatingin sa dalawa naming anak na nililinisan ng mga nurses.
"They are here. They are finally here" sambit ko pero wala manlang naging reaksyon si Zeb.
"Huy Zeb. Ano-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla itong nabuwal sa kinatatayuan niya at nawalan ng malay.
Napaawang ang mga labi ko pati na rin ng mga nurse na nasa loob ng delivery room.
"T*ngna talaga!"
-Room 23
"That was epic. Sana pala pina videohan ko ang panganganak ni Jascha para marinig ko ang ilang beses na pag ire nitong kapatid ko at pagkahimatay" natataqang saad ni Kuya Yuan habang nakaakbay ito sa asawa niyang si Sarrah at nakakalong naman ang dalawang anak nito na sina Kirk at Kianna sa lap niya.
"Uy ako meron! Pasahan nalang kita mamaya" biglang sambit ni Draze habang nakasandal naman sa balikat nito si Adi at nakahiga sa lap niya ang anak nilang si Ice.
Oo nga pala. Bumalik na ang alaala ni Adi at natagpuan na rin nila si Ice. Another good news is, buntis rin si Adi. One month palang.
"Uy! Ipost mo sa youtube para makita ng mga fans ni Zeb"
"Shut up!"
Napatingin kami bigla kay Zeb na nagsalita. Sapo sapo nito ang ulo niya habang bumabangon sa kama.
"I'm sorry mommy. I fainted" panlalambing nito sakin at agaran akong niyakap.
Hinawakan ko ang mga kamay ni Zeb na nakayakap sakin at pinisil ito.
"Ang bakla naman ng Daddy" natatawang saad ko at hinarap ito.
Bumusangot ito na parang batang inagawan ng candy. Napagahikhik ako at pinisil ang ilong nito sabay halik sa mga labi nito.
"Ay! Rated SPG!" tili ni Sarrah at tinakpan ang mata ng dalawang anak niya.
Pati na rin si Draze ay tinakpan ang mata ni Ice.
Napahagikhik muli ako tapos humiwalay kay Zeb.
"Who turned off the light!" Inosenteng saad ni Kianna.
"I want to see Tita Jaja dada!" Saad ni Ice at pilit tinatanggal ang mga kamay ni Draze.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang dalawang nurse karga karga ang babies namin.
Binigay sakin ng nurse ang isa habang kay Zeb naman ang isa.
"Oh my! They are so adorable!" Kumento ni Adi at ngumiti.
"I want one hubby"
"Excuse me, pwede ko po bang makuha ang pangalan ng mga babies ninyo para ma irecord na rin namin?"
Nagkatinginan kami ni Zeb bago bumaling sa nurse. Of course! May nakahandang pangalan na ang mga babies namin. Kasing ganda ng pangalan namin ng daddy zeb zeb ko.
"Chaze Dion Cruise" sambit ko at hinalikan si Chazena siyang karga ko.
"Cole Breindon Cruise" saad naman ni Zeb.
Nagkatinginan kami bago tumingin sa mga anak namin.
Our angels.
"They're beautiful"
"They are" maluha luha kong sagot. Zeb kissed our kids forehead before whispering to them.
"Mommy and Daddy loves you babies"
BINABASA MO ANG
Im His Baby Maker
FanfictionWhat if naghahanap ng baby maker ang isang lalaki? Makahanap kaya siya? At mahalin kaya niya ito? 🥰this is my first time writing a story hope you like it