Chapter 60

48 0 0
                                    

"San mo ba ako dadalhin Kuya Jayce" tanong ko kay Kuya Jayce ng piringan nito ang mata ko at iginiya ako papasok sa kotse.

"Sa hospital. Baka manganak ka na eh" sagot nito.

Napangiwi ako dahil sa sago nito. Minsan may saltik tong Kuya ko eh.

"Ilang linggo pa ang iintayin mo kuya bago ako makapanganak. Excited much lang?" Natatawang saad ko akmang kukunin ko ang blindfold ng biglang tumigil ang kotseng sinasakyan ko.

Narinig ko ang pagbukas sara ng pinto ng kotse din biglang bumukas ang pinto na nasa gilid ko at marahan akp hinila palabas.

"Ano ba kuya tong gimik na ito? Kung dadalhin mo pala ako sa hospital, bakit naka blind fold pa?" Nagtataka kong tanong.

Naman! Sinong matinong tap ang dadala ng isang pasyente sa hospital tapos naka blind fold pa ang pasyente.

Oh wait! Hindi nga pala to matino.

"Oh! She's here!" Tili ng isang boses ng babae sa di kalayuan.

Wait, mukhang si mommy yun ah! Ano namang pakana to? Excited talaga silang manganak na ako?

Pwes, lumabasna kayo baby dahil atat na atat na tong mga taong to na makita kayo.

"Dito ka lang Jascha. Bumilang ka ng sampothen tanggalin mo ang pir-"

Hindi ko na pinatapos si Kuya sa pagsasalita. Tinanggal ko na agad ang piring ng hindi nagbibilang ng sampo.

Napakurap kurap pa ako dahil sa nasilaw ako pagkatanggal ng piring.

Joke lang. Walang ilaw guys no. Madilim tong lugar kung nasaan man ako.

Kinapa kapa koang bulsa ng suot kong dress, ay! Wal nga pala akong bulsa.

Naman oh! Wala akong cellphone.

"Um.... kuya?" Tawag ko kay Kuya Jayce at nangapa sa dilim hoping na makapa ko siya pero wala.

"Hello? Mommy? Kuya? Anybody there?"

Pero wala paring sumagot. Napapadyak na akp ng tukuyan.

Hindi ko alam kung matatakot ako o maiinis o maiiyak.

"Naman eh! I hate you guy-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang ilaw sa pinakadulo nitong lugar na ito. Parang mini stage iyon at nakatayo doon si Zeb habang sa likod niya si Sarrah ay nakangiti.

She started strumming her guitar while Zeb, he started singing.

"There's a shop down the street where they sell plastic rings. For a quarter a piece, I swear it. Yeah I know that it's cheap, not like gold in your dreams. But I hope that you'll still wear it"

Oh may gash? Si Zz ko ba yan?

Biglang umilaw ang buong paligid dahilan para makita ko ang kabuuan ng lugar. Even the imprtant peoples who became part of our life. Mommy, Daddy, Kuya Jayce, ang mommy at daddy ni Zz, ang mga kapatid nito at asawa nila, si Sasha, mga naka trabaho ko and even si Van.

"But there's no guarantee that this will be easy. It's not a miracle you need believe me. Yeah I'm no angel I'm just me. But I will love you endlessly. Wings aren't what you need, you need me"

Unti unti itong bumaba sa mini stage palapit sakin.

Biglang gumalaw ang tiyan ko animoy nagsasaya rin ang mga anak ko.

Are you surprised to babies? Ang galing ni Daddy kumanta ano?

Napatigil ito bigla sa paglalakad mga ilang dipa ang layo mula saakin. Napatigil rin sa pag gitara at bumaba sa stage tapos tumabi kay kuya Yuan.

"Hi mommy" bati sakin ni Zeb at napakamot bigla sa ulo niya.

"D@mn it. Bakit ba ako kinakabahan?" Bulong nito pero nakatapat ang binig niya sa mic kaya naman rinig na rinig ng mga tao dito.

Biglang natawa ang nasa paligid at napahagikhik naman ako. Biglang namula si Zeb dahil sa hiya.

Napatikhim ito at inayos ang pagkakahawak niya sa mic.

"Thre-three years ago, I was a jerk. The biggest jerk ever existing" panimula nito na nakapagpatahimik sa paligid.

I bit my lower lip dahil sa kabang nararamdaman ko. A-anong ginagawa niya?

"Wala akong ginawa kundi ang saktan at paiyakin ka. I went over board that cause us to lose our child. I was an asshole but still, you accepted me. You accepted me over and over again"

Napayuko ito at marahang natawa.

Ako naman, napatitig lang dito. I smiled a bit habang nag uumpisa ng tumulo ang mga luha ko.

"I don't deserve you. I don't deserve a woman like you but here I am being selfish. That even if I don't deserve a girl like you, still here I am keeping you. I cannot live without you mommy. You are my life. You and our kids. Kung mawawala ka, mawawalan na rin ng saysay ang buhay ko. I am not deserving for your acceptance but please, accept me mommy. Please, marry me" kagat labing saad nito at may kinuhang isang sing sing sa bulsa niya.

Tuluyan na akong napaiyak dail sa labis na sayang nararamdaman ko. I thought this day will never happen. But it just did.

"Will you marry me mommy? Please say yes" pahabol pa nito.

"Baliw ka! Of course! Papakasalan kita! Binuntis mo na nga ako oh kaya wala na talaga akong kawala!" Sigaw ko at humagulhol ng iyak.

Lumapit ito sakin at agad akong siniil ng halik.

Narinig ko naman ang hiyawan at palakpakan sa paligid while me, I am still crying out of happiness and at the same time, savoring my soon to br husband's kiss.

"I love you mommy" bulong nuto at isinuot sakin ang sing sing.

Napatingin ako sa singsing then sa kanya.

"I-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla ako mapangiwi.

Biglang humilab ang tiyan ko dahilan para mapakapit ako kay Zeb.

"Bakit? Anong nangyayari? May masakit ba? Sunod sunod na tanong nito sakin.

"A-ano, lalabas na ata sila" nahihirapan saad ko habang namimilipit sa sakit.

"H-ha?!"

"Manganganak na ako!!!"

Im His Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon