Napamulat ako ng mata ng parang may naaamoy aking sunog?
Teka? Amoy sunog nga!
Dali dali akong tumayo at kinuha ang bra ko na nakapatong sa bed side table at patakbong lumabas.
Sumalubong sakin ang itim na usok na nagmumula sa kusina.
Sh!t! Not my precious kitchen!
"Zz!" Malakas at pagalit kong tawag ng maabutan ko itong inilalagay ang isang pan na may lamang hotdog na sunog na sunog na sa lababo.
May nakahin ring fried rice sa mesa na black na rin ang kanin at lumalangoy sa mantika.
May roon ring soup sa bowl na may nakalutang na buong patatas, carrots at repolyo.
Sa lababo naman nakatambak ang sangkatutak na utensils. Mga kaldero, plato, baso at mga eating utensils.
"Anong ginawa mo sa kusina ko?!"
Ngumiti it at kinuha sa kawali ang sunog na hotdog tapos inihain niya to sa mesa.
"I made you a breakfast! Ang sweet ko noh?" Ngiti ngiti ntog sagot.
Napangiwi naman ako. Makakain pa ba to? Etong fried rice pwede pa kung hindi lang sinabawan nitong kumag ng sangkatutak na mantika. Tapos itong soup, edible sana kung hindi lang buong buo ang mga gulay.
Eh kamusta naman tong hotdog? Makakain pa ba to?
"That's not food. Nagsasayang ka lang ng pagkain" sagot ko dito at kumuha sa cup board ng dalawang cup noodles.
"Oh, eto muna kainin natin" saad ko at ibinigay dito ang isa.
Umupo ako sa mesa at nilagyan ito ng mainit na tubig.
Napanguso naman ito pero umupo na sa harap ko.
"Next time, don't try to cook. Susunugin mo pa tong kusina ko. Pagtapos mo ring kumain, hugasan mo yang mga plato. Mag walis ka rin at palitan mo yung mga kurtina at ipa dry clean mo mamaya ang mga labahan" utos ko dito. Nakita ko namang mas ngumuso pa ito.
"Gagawin ko lahat yun?"
"Bakit, may reklamo ka?" Mataray kong tanong dito. Ngumiti naman ito at umiling iling.
"Good, now let's eat"
"Teka" pampipigil sakin ni Zeb. Napatigil naman ako sa pagsubo at tiningnan ito.
"Bakit hindi ka nakasut ng bra?" Napatingin naman ako sa hinaharap ko.
Sh!t oo nga!
Agad namula ang mukha ko at i-crinoss ang kamay kosa dibdib.
"And why are you showing me your bra? Gusto mo ba ako na mag suot niyan sayo?" Nakakalokong saad nito.
Nanlaki naman ang mata ko at mas uminit ang mukha ko.
Double sh!t
Dalidali akong tumayo at tumakbo papasok sa banyo.
After a couple of hours.......
Napatigil ako sa pagbabasa ng libro ko ng biglang tumabi sakin si Zeb na pawis na pawis.
Inignora ko lang ito at nagpatuloy sa pagbabasa. Hindi ko parin nakakalimutan ang pangaasar nito sakin kanina.
Pero naman kasi! Bakit ko ba nakalimutang mag suot ng bra. Tapos, hawak hawak ko pa pala.
Kainis! Nakakahiya! Kasalanan niya to eh. Nataranta ako dahil akala ko may sunog.
"Talikod ka" utos nito. Napatingin naman ako dito then ignored him
"At bakit naman?" Walang tingin tingin ko tanong.
Hinawakan nito ang mag kabilang braso ko at siya na mismo ang nagpaikot sakin.
"Nakita ko to kanina sa yutube. Ititry ko lang sa buhok mo kung marunog ako" saad nito at inumpisahan ng galawin ang buhok ko.
Ano bang ginagawa niya? Is he braidib me? Pero maikli lang ang buhok ko.
After 10 minutes ata, tumigil na ito.
Tumalikod ako at tumingin dito. Ngiting ngiti ito na animoy nagtagumpay sa isang napakahirap na quest.
Hinawakan ko ang buhok ko. Teka, bat parang poby tail lang ito?
"Anak ng! Inabot ka ng 10 minutes sa pagtatali sa buhok ko gayong ponytail lang naman?" Bulalas ko dito.
Magulo pa ang pagkakatali niya.
May mga strands na wala sa ayos at hindi naisama sa pagtatali niya sa buhok ko.
"Sweet ko diba?" Ngiti ngiting saad nito sabay akbay at pinihit niya ako pasandal sa sofa.
"Basa ka na ulit"
Wala na akong ibang ginawa kundi hayaan nalang tong kumag na ito at pinagpatuloy ko na ang binabasa ko.
Okay, admit ko na. Sweet nga siya. Pero very very very slight lang.
Napangiti ako ng palihim at sumandal sa dibdib nito.
Oo na! Kinikilig na ako pero very very very very very slight lang.
Naahikab ako at unti unti ng pumikit.
"Tulog muna ako" mahinang sambit ko bago ako tuluyang matangay ng dilim.
BINABASA MO ANG
Im His Baby Maker
FanfictionWhat if naghahanap ng baby maker ang isang lalaki? Makahanap kaya siya? At mahalin kaya niya ito? 🥰this is my first time writing a story hope you like it