Chapter 39

41 0 0
                                    

Akmang lalabas na sana ako ng kwarto ko ng biglang bumukas ang pintuan dito sa kwarto ko at pumasok si Kuya Jayce na ayos na ayos.

Naka black shirt ito at black rung leather jasket. Ripped jeans at combat boots naman. Puno ng sing sing ang mga daliri nito sa kaliwang kamay at may suot suot na bracelet at kwintas.

At oo nga pala, naka shades pa ito.

"Ano na namang sumapi sa mokong na ito?" Bulong ko pero mukhang narinig niya dahil tiningnan niya ako ng masama.

"This is called fashion little sis" iretableng sagot nito

Napangiwi nalang ako at dahan dahang umusog palapit sa kabinet na pinagtaguan ko kay Zeb.

"Bagay ba sakin?" Tanong nito at umupo.

Sasagot na sana ako ng biglang kumalabog ang loob ng kabinet. Dali dali akong pumunta dito at agad sinandalan ang pinto.

Napalunot naman ang noo ni Kuya at tumingin tingin.

"Ah! Si Erica yun. Yung nakatira sa kabilang condo Kuya" nakangiwing sagot ko at pasimleng kinatok ang kabinet.

"Tumahimik ka" bulog ko habang nakatuon ang mata ko kay Kuya Jayce na sinusuri ang buong kwarto ko.

"I can't. Ang sikip dito" sagot niya sakin.

"Ahh oo Kuya. Bagay sayo" sagot ko. Tumingin naman ito sakin at ngumiti ng pagkandalawak lawak.

Ako naman, piping nagdasal na sana, hindi na gumawa ng ingay ang taong nasa loob nitong kabinet na to.

"Really?"

"Oo nga"

"Aayyiieee. Love mo talaga ako no. One last question na" saad nito at may kinuha sa loob ng backpack nito.

Napakagat labi naman ako. Naman oh, sana umalis na tong Kuya ko.

"Sino mas gwapo. Ako o sya?" Tanong nito sabay turo sa isang cover ng magazine.

Namilog naman ang mata ko. Is that Zeb? Wait, teka.

Omay! Sya nga!

Napaupo ito sa isang stool habang may isang electric guutar na nakalagay sa gilid niya. He is wearing a black pants with matching combat shoes na kaparehas ng suot ngayon ni Kuya tapos sa itaas,

Napakurap kurap ako the gulped. Naka topless siya.

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima-

"Fvcking sh!t. 8 packs!" Bulalas ko. Napatakip agad ako sa bibig ko ng tingnan ako ng masama ni Kuya.

"Porket may abs lang gwapo na agad. Ako rin naman ah! 6 packs!" Parang batang maktol nito.

Napailing nalang ako. Kanino ba nagmana tong taong to. Si daddy, matino naman. I'm prettt sure na matino rin ang mommy nito base sa kwento sakin ni Daddy. Hindi kaya ampon tong si Kuya? Walang baliw sa pamilya namin!

At teka, wala naman akong sinabi na gwapo si Zeb ah! Sabi ko lang mag 8 pack abs siya. Yun lang

"To naman oh. Wala naman akong sinabing gwapo siya eh"

Kuminang agad ang mga mata nito sa sinabi ko.

"So mas gwapo ako?"

"Hindi. Mas gwapo parin si Zeb. Tapos ang yummy pa tingnan ng katawan niya" pangaasar ko dito.

"I hate you! Mas panget ka!"

"Hindi kaya! Nagmula ako sa angkan ng mga dyosa tapos ikaw-"

"Greek gods?"

Putol nito sa sasabihin ko. Umiling iling ako at nginisihan ito.

"Ikaw ipinaglihi ka sa mga hari"

"Talaga?"

"Oo. Hari ng mga shokoy" dagdag ko. Sumimangot ito at padabog na lumabas ng kwarto ko.

Napahalakhak naman ako at sumilipsa pinto ko.

"Bye kuya! I love you po!"

"Ewan ko sayo!" Sagot nito at lumabas na ng condo ko.

Napatawa ulit ako at pinahid ang mga luha ko ng tumulo na dahil sa kakatawa.

Isinara ko ng ang pinto at tumalikod ng biglang may kamay na humigit sa bewang at ang isa naman ay nakahawak sa likod ko.

"I didn't know that you find my body yummy" nang-uuyam at nakakalokong saad nito sakin.

At kailan pa ito nakalabas sa kabinet.

"Hi-hindi ah! Inaasar ko lang si Ku-"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, naramdaman ko na ang biglaang paglapat ng mga labi nito sa labi ko.

Nanlaki ang mata ko. I want to push him away pero traidor tong katawan ko. Ni hindi manlang gumalaw.

"Kiss me back?" He said while still kissing me.

Hindi ko alam kung qnong nangyari sakin. Next thing I knew, I am responding to his kisses habang nakapalibot ang mga kamay ko sa batok niya.

Nadadala na ako ng sensasyong dulot ng halik niya ng biglang-

"Jascha!"

Napadilat agad ako at akmag hihiwalay pero itong mokong na ito, hindi nakikisama.

Kinagat ko ang lower lip nito para humiwalay siya sakin.

"Aray!" Daing nito pero wala na akong pakialam. Nagpapanic na ako sa kadahilanang nandito ulit ang shokoy kong kuya.

Biglang bumukas ang pinto kaya naman tinulak ko si Zeb sa pader sa gilid ng pintuan para pagbumukas ito, hindi mkikita ni Kuya si Zeb dahil natatabunan ito ng pinto.

"Pinapasabi nga pala ni mama na punta ka mamaya sa bahay. May pag-uusapan daw kayo" saad nito at isinara na ang pinto.

Tumingin naman ako kay Zeb na hawak hawak ang tiyan niya.

"That hurts" reklamo nito at sinipa ang pintuan upang sumara ito.

"D@mn door knob"

Im His Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon