Chapter 12

60 0 0
                                    

"Home sweet home! Ay! Hindi ko pala toh home" saad ko at nag-unat unat ng makababa na ako sa kotse.

Nandoon si Kirk sa pinto at parang inaabangan niya ang pagdating namin.

Bumaba narin si Zeb sa kotse at ibinigay sa isang gwardya ang susi nito.

Agad namang lumapit si Kirk at may ibinulong kay Zeb. Nanlaki ang mata nito at napasulyap sakin tapos kay Kirk.

Tumango tango ito at pinaalis na ang binata.

"Umm..... Jascha. Would it be okay kung doon ka nalang dumaan sa kusina?" Tanong nito sakin.

Naningkit naman ang mga mata ko. At bakit aber? Sira ba tong front door kaya naman sa kusina ako nito padadaanin.

"Kasi-"

Hindi na nito natapos ang sasabihin ng biglang bumukas ang front door at may lumabas na isang babaeng mestiza. Kulot ang kulay brown nitong buhok, mataas ng kaunti sakin, mga 5'10 ata ang height (Ako kasi 5'8 lang), maputi, at maganda. Nakacrop top ito at tight jeans. Ang ganda ganda nga ito pero maganda naman ako ah! Mga 1 paligo lang ang lamang nito sa beauty ko.

"Zebby!" Sigaw nito at patakbong lumapit kay Zeb tapos hinalikan nito sa labi ang boss ko

Nanlaki naman ako ng mata dahil sa ginawa nito. I have this urged para hilahin at sabunutan siya. Nemen eh! Yung lips ni Zeb.

Napanguso ako at sumimangot dahil sa kalampungan nitong dalawang to.

Humiwalay na yung mestizang babae at nakangiting hinarap si Zeb.

"Charlotte! What a surprise!" Bulalas ni Boss at ngumiti rim sa babaeng kaharap niya

So Charlotte ang name niya? Excuse me! Mas maganda parin ang Jascha!

"I miss you babe!" Saad ng babae.

Natuod naman ako sa kinatatayuan ko at napalingon agad dito. Babe? BABE?! Eh may girlfriend na pala tong mokong na Zeb na ito eh! Bakit ba hindi nalang siya ang anakan nito kesa naman bumayad pa siyang sampong million para magpaanak lang sa iba.

Isang taksil si Zeb! Malaking taksil hindi lang sa gf niya kundi sakin rin. Aba aba! Hindi naman ako papayag na maging kabit ano.

Nabaling ang tingin sakin ng babae at tinaasan ako ng kila. She scanned me from head to toe before settling in my face.

"Whose this girl?" Tanong nito kay Zeb.

Nabaling naman ang tingin niya sakin at ngumiwi na parang hindi alam kung anong isasagot.

"She my......"

Naputol ang sasabihin nito na parang hindi sigurado sa sasabihin niya.

Ano? Ipapakilala niya ako bilang baby maker niya sa gf niya? No way. May pride pa naman ako. Okay na kung P.A or baby sitter niya.

"Maid" dugtong nito sa sinabi niya.

Napaawang naman ng bahagya ang bibig ko. Ako? Maid? Sabi nga ni Kuya Quin pwede na akong pang model tapos maid lang para sa kanya?

Ouch! Ang sakit naman nun! Pwede naman P.A nalang or Secretary. Maid talaga? Wow ha! Maid na kinakalantari at dinivirginize mo!

"Really?" Sagot nito na parang hindi naniniwala sa sagot ni Zeb.

Tumango tango naman si Zeb. Pinaikot ko ang mga eye balls ko dito sa mokong na ito.

Bumangon agad ang inis sa katawan ko at pataray itong tiningnan. I don't care kung sino man tong kasama niya. Gusto kong magtaray sa boss ko and that's final!

"Aalis na po ako boss. Tutal MAID naman pala ako dito, maglilinis na po ako doon sa kusina" poker face kong paalam dito at padabog na nag martsa papunta sa kusina.

Maid. Maid my ass!

"Gosh! That's your maid Zeb? Walang modo ni Ate! Hinahayaan mo lang na ganun ganunin ka?" Overreacting na saad ni Charllote.

I make faces at tuluyan ng pumasok sa kusina.

"May pa gosh gosh pa. Gosh! Ang arte niya!!!" Bulalas ko ng makapasok ako sa kusina.

Sinilip ko muna sila sa labas kaso wala na sila

Eh di wow! Maglandian sila ni Zeb! Tutal malandi naman yung taong yun. Che! Mas maganda naman ako kesa sa kalantari niyang yun!

Im His Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon