Hinabol ko si Zeb noon palabas ng resto pero wala na ito. Kahit noong mga araw na nasa Japan kami, hindi na ito nakita pa.
Tanging sina Kuya Yuan lang at Draze ang nandodoon.
Napabuntong hininga ako ng bumaba ako sa taxi ko ay dumeretso sa condo ko.
Nakauwi na ako ng Pinas. Maganda sana ang experience doon sa Japan kaso binabalot naman ng mga tanong at lungkot ang puso ko.
I wanna see Zeb again. Ayoko mang sabihin pero namimiss ko na siya.
Marami akong gustong itanong sa kanya pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan gayong hindi nga siya nagpapakita sakin.
Galit ba siya sakin? Bakit niya ako pinagtataguan?
Pinunasan ko ang umalpas na mga luha at napatawa ng mahina.
Oo na. Inaamin ko na. Gusto ko parin siya. Ay hindi, mahal ko pala siya. Kahit ngayon, mahal na mahal ko parin siya. Kahit marami ng nangyari samin, mahal ko parin siya.
Akala ko nawala na dati yun pala natabunan lang ng poot dahil sa pagkawala ng anak namim. Akala ko hindi ko siya mapapatawad pero tingnan niyo ako, ni hindi nga ako nagalit ng husto sa kanya. Dahil hanggang ngayon, mahal na mahal ko parin siya.
"Takte! An drama ko!" Saad ko at pinunasan muli ang mga luha ko tapos lumabas na ng elevator.
Maglalakad na sana ako patungo sa condo ko ng may imahe ng isang lalaking nakaupo sa tapat ng pintuan ko at nakayuko.
Malayo man ang agwat namin sa isa't isa, nakilala ko agad siya.
I walked towards him tapos umupo sa harap nito.
He is breathing hard habang nakayuko. Namumula rin ang mukha nito senyales na uminom siya.
"Z-zeb" garagal ang tinig ko ng tinawag ko siya.
Umangat ito ng tingin at ngumiti.
Tumayo ako at inalalayan ko itong tumayo.
"Your drunk" mahinang saad ko at akmang pipihitin ang doorknob ng bigla ako nitong hapitin payakap.
Napapitlag ako ng bahagya dahil sa gulat pero niyakap rin ito pabalik.
"Jascha, I-I'm sorry. I'm sorry, I'm sorry" paulit ulit nitog saad.
Naramdaman ko ang pagyugyog ng balikat nito at ang pagkabasa ng T-shirt ko.
"Te-teka Zeb. A-ano, bakit ka umiiyak" taranta kong tanong at hihiwalay sana para tingnan ito ng bigla ako nitong hapitin para mayakap ng mas mahigpit.
"I'm sorry Jascha. I'm sorry"
Napatahimik ako at nakagat ko ang ibabang labi para hindi tumulo ang mga luha ko.
"Ay hala! Bakit ka nagsosorry?" Pabirong saad ko kahit alam ko na ang ibig nitong sabihin.
Napahinga ako ng maluwag ng biglang tumulo ang mga luha ko. Kahit anong pigil ko, lumalabas at lumalabas parin sila. But even if I'm crying, a still manage to let out a genuine smile.
"How can you be happy like that if you were carrying all those burden for almost 3 years? I'm an asshole Jascha. I killed our child. You shouldn't smile at me like that" garagal na rin ang tinig nito kakaiyak.
Napalunok ako bago ibinuka ang bibig ko para magsalita.
"I don't smile for nothing Zeb. Akala mo ba magugustuhan ni Jaze makitang nasasaktan parin tayo? Na malungkot tayo? Yes, we lost our child pero hindi ito dahil sayo. Some things happened for a reason. Maybe, just maybe, hindi para satin si Jaze"
His breath became rough and I can almost hear his cries.
"How can you easily say those things? Bakit hindi mo ako sinisisi? I am the one responsible for losing our child. Dapat inalagaan kita noon. I should have cherished you. Hindi dapat kita sinaktan. Hiyang hiya ako sa mga nagawa ko Jascha. Hiyang hiya ako sa sarili, sa anak natin, and most especially sayo."
"Zeb wag ka namang ganyan. Hindi kita sinisis kaya palayain mo na rin ang sarili mo. I became happy bacause I learned how to let go of my past, kaya yun rin ang gawin mo. If moving foward would be hard for you then I will be here by your side guiding and supporting you" saad ko at pinaharap ko ito sakin.
Nakayuko parin ito habang walang tigil ang pag-agos ng mga luha nito.
Hinawakan ko ang pisnge nito at pinaharap sakin.
I gaved him a genuine smile before giving him a peck on the lips.
Umangat ito ng tingin pero hindi ito makatingin ng diretso sakin.
Moving forward. Yun ang gagawin namin. That's what you want too, right baby?
Ang tapusin ang nakaraan namin at magsimula ng panibagong kabanata ng istorya namin.
Unti unti itong lumapit sakin then rested his forehead on mine.
He smiled a bit pero hindi parin nawawala ang lungkot at pagsisisi sa kanyang mga mata.
"I love you Jascha. I don't deserved a woman like you but here I am with her. I am so d@mn lucky to have you" bulong nito sakin.
Unti unting nawawala ang bigat sa damdamin ko. I giggled like a kid bago ko hinawakan ang batok nito ng dalawang kamay kom
Napapikit ito at hinalikan ang tungki ng ilong ko.
"Sasabihin ko rin ba ang linyang I can't breath?" Saad ko then giggled again pero wala akong natanggap na sagot.
Nakapikit parin ito. Naningkit ang mga mata ko at mahina itong tinapik.
I raised my eyebrows at umusog.
Napapitlag lang alo ng biglang matumba si Zeb sa sahig.
"Zeb!" Sigaw ko at agad ditong lumapit. Hala! Anong nangyari.
"Zeb! Wake-"
Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla itong humilik.
Nakagat ko ang ibabang labi ko at nanliit ang mata ko.
I snickered then gave him a punch pero hindi parin ito nagising.
"Asshole!" Sigaw ko at sinipa ito bago ito iniwang nakahiga doon sa tapat ng condo ko.
BINABASA MO ANG
Im His Baby Maker
FanfictionWhat if naghahanap ng baby maker ang isang lalaki? Makahanap kaya siya? At mahalin kaya niya ito? 🥰this is my first time writing a story hope you like it