Napalunok ako ng tuluyan ng makatungtong ang paa ko sa bahay ni Zeb.
Siguradong bubulyawan na naman niya ako dahil gabi na akong nakauwi. At tsaka, hindi ko pa alam kung anong sasabihin ko sa kanya.
Baka sakaling hindi ko magustuhan ang magiging reaksyon niya once na makialam ako sa buhay niya.
Hahayyy... pero wala eh. Nakapangako na ako sa kapatid nitong tutulungan ko silang mag kaayos. Super hero na ba ang peg ko? Nahhh nagmamalasakit lang.
Mahirap kayang mamuhay na walang pamilya kaya gusto kong maayos rin ni Zeb ang pamilya niya.
Tuluyan na akong nakapasok ng biglang may kumalabog sa sala.
"Get out!" Rinig na rinig sa loob ng mansyon ang sigaw ni Zeb.
Napatingin ako dito. Madilim ang anyo nito habang may kausap na babaeng nakatalikod.
"I said get the h*ll out of here!" Sigaw nito at walang pakundangang kinaladkad ang babae palabas.
Napausod pa ako sa gilid para hindi ako mabundol ni Zeb dahil sa hitsura niya ngayon, mukhang wala itong pakialam kahit kanino.
"Zeb, please makinig ka naman. Hindi ko ginustong iwan ka. May dahila-"
"I don't care. Wala na akong pakialam. Ang gusto ko lang, umalis ka sa buhay ko at wag na wag ka ng magpapakita!" Bulyaw nito at tuluyang nakaladkad ang nanay niya palabas ng bahay na ito.
Natulala naman ako sa isang tabi at hindi makapaniwalang nagawa niya iyon sa sarili niyang ina.
Agad akong tumakbo palabas. Mas napatulala lang ako dahil sa nasaksihan ko.
Nakaluhod sa lupa ang nanay niya habang yakap yakap ang binti ni Zeb pero itong boss ko, wala manlang pakialam.
Nanikip bigla ang dibdib ko dahil sa nasaksihan ko.
"Zeb, parang awa mo na. Pakinggan mo naman ako" pagmamakaawa ng nanay niya pero hindi ito pinansin ni Zeb.
Agad naman akong pumunta sa ginang at dinaluhan ito.
"Umalis na po kayo dito. Ako na pong kakausap sa kanya" mahina kong saad dito at tinulungan itong tumayo.
Napahikbi naman ang ginang at akmang yayakapin si Zeb ng tumalikod na ito at pumasok sa bahay niya.
"Okay lang po ba kayo?" Tanong ko dito.
Tumango naman siya at malungkot na ngumiti sakin.
Inihatid ko siya hanggang sa gate kung saan naghihintay ang kotse nito.
Nagpasalamat ito sakin bago sumakay sa kotse niya. Hinatid ko ng tanaw ang kotse bago ako pumasok sa loob ng bahay.
Naabutan kong nakaupo si Zeb sa sofa habang naka dequatro ay umiinom ng alak.
Napatikhim ako dahilan para tapunan ako nito ng paningin.
"You know Zeb, your harsh. Bakit ba ganyan ka sa nanay mo?" Diretsang tanong ko dito. Ngumisi lang ito sakin at hindi pinansin ang tanong ko.
"You act like you didn't care for her. Na parang hindi mo ito magulang" dagdag ko pa.
Inis itong tumayo at tumingin sakin.
"And you act like a mother na pinapangaralan ang anak niya. Funny dahil sayo ko pa yan naranasan at hindi mismo sa ina ko" sarkastikong saad nito at tumungo papunta sa hagdan. Para pumunta ata sa kwarto niya.
"She has a reason Zeb! Bakit ba hindi mo iyon magawang makita? Or else, bakit hindi mo hayaang marinig ang paliwanag niya! Ina mo parin siya Zeb! Pag balik baliktarin mo man ang mundo, you can't change the fact that she's your mother!" Sigaw ko dito na siyang nakapagpapigil sa paglalakad nito.
Nakita ko ang pagtaas baba ang balikay nito at kumuyom ang kamao nito. Humarap ito sakin at ngumisi ng sarkastiko.
"Reason? D@mn her reason. Alam ko naman eh! Na iniwan lang ako nito para magkaroon ito ng ibang pamilya! Diba pabigat lang nga ako sa kanya noon? Iniwan lang ako nito para makapangasawa ito ng mayaman at rumangya naman ang buhay niya!"
"Hindi yan totoo Zeb! Iniwan ka niya dahil wala siyang choice! Ayaw niyang makita ang anak niyang nahihirapan dahil siya mismo, nahihirapan na sa buhay niya. Iniwan ka niya sa tatay mo para maranasan mo ang marangyang buhay na nararapat sayo" sagot ko dito.
Napatigil naman ito pero mas lalong kumuyom ang kamao nito at mas nangdilim ang mukha nito. He gritted his teeth before answering me.
"Wealth? That's not what I need. What I need is a mother's love. Isang bagay na hinihingi ko pero ipinagkait niya pa sakin" sagot nito sa napakalamig na boses.
"She should leave me dahil doon naman siya magaling. Ang mang-iwan. I don't need her and I will never need her" dagdag pa nito at nagpatuloy ng umakyat sa taas.
"You should be thankful atleast Zeb hindi yung itinuturing mo itong isang basura. Iniwan ka man niya, heto siya at nagmamakaawa sayong ibalik siya sa buhay mo. Binalikan ka niya Zeb, binalikan ka ng nanay mo ........... isang bagay na hindi ginawa ng nanay ko" gusto ko sanang sabihin ang pang huling linya dito pero naging bulong nalang ito.
Galit na humarap si Zeb sakin. Nanlilisik na ang mga mata nito. Sadness and anger filled his eyes. Wala na akong makita kundi lungkot at galit.
"Ano bang alam mo? Ikaw ba ang nakaranas? Ikaw ba ang iniwan? Diba ako naman?" Tanong nito sakin.
"You shouldn't mingle with my business. Ano ba kita? Asawa? Girlfriend? Your just my fvcking baby maker Jascha. Nothing more, nothing less. So don't expect that I will treat you beyond that"
Napayuko ako sa sinabi nito at napakuyom ang mga kamo ko. I felt a pang of pain in my chest and my eyes started to water dahil sa mga pinagsasabi nito.
"You are nothing Jascha. You are just a girl na desperadang mag kapera kaya pumayag kang bigyan ako ng anak. Wala kang puwang sa buhay ko, wala kang role dito because you doesn't exist!"
Napahawak ako sa dibdib ko dahil mas sumakit ito dahil sa dagdag na sinabi nito. Napakurap kurap ako ng mag blurred ang paningin ko dahil sa mga luhang walang habas sa pagtulo.
"You are nothing, you heard me? Nothing! So stop acting like you are an important person to me dahil ang totoo, ginagamit lang kita! Kailangan lang kita para bigyan ako ng anak!" Sigaw nito at padabog na umakyat sa kwarto niya.
Nanlambot bigla ang tuhod ko at napalumapasay ako sa sahig at humagulgol ng iyak.
Masakit. Yun ang tamang diskripsyon sa nararamdaman ko ngayon. Masakit marinig mismo sa kanya na wala lang pala ako. Ang buong akala ko, may patutunguhan tong katangahang ginawa ko pero sa huli pala, ako lang ang talo. Wala eh, nag assume ako na baka may puwang ako sa buhay niya pero wala pala. Ang buong akala ko, may nararamdama rin ito sakin dahil ako, mahal ko na siya. Mahal na mahal ko na siya.
Napatayo ako sa sahig habang walang tigil ang pag-agos ng mga luha ko.
Kailangan kong makaalis dito dahil baka pag tumagal pa ako dito, baka mas lalo lang akong masaktan.
Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa marating ko ang gate. Sakto namang, bumuhos ang napakalakas na ulan. Pero pabor nga sakin yun, walang makakakitang umiiyak ako dahil heart broken ako.
Dali dali akong lumabas sa gate at patuloy lang na tumatakbo. Walang direksyo, basta kung saan lang ako dalhin mg paa ko. Naninikip na ang dibdib ko at hindi ako makahinga ng maayos. Pati na rin ang tiyan ko ay kumikirot na.
Napatid ng isang bato ang paa ko kung kayat dumausdos ako sa basang daan.
Pero hindi ko yun inalintana, tumayo muli ako dahil gusto kong makalayo. Takbo lang ako ng takbo at hindi iniinda ang paa kong kumikirot, pati na rin pala ang tiyan ko. Siguro nagugutom na ako.
Napatigil ako at napahawak sa dibdib kong walang tigil na kumikirot.
Napaupo ako sa kalsada habang sapo sapo ko ang tiyan ko.
Natigalgal ako at nanlaki ang mata ko ng makitang may dugong umaagos sa hita ko.
Napakurap pa ako ng ilang beses dahil sa nasaksihan ko.
Napaamang ang labi ko at napahawak agad sa tiyan ko.
"A-anong?-"
*BBBBBBEEEEEEPPPPPPP!!!!!
BINABASA MO ANG
Im His Baby Maker
FanfictionWhat if naghahanap ng baby maker ang isang lalaki? Makahanap kaya siya? At mahalin kaya niya ito? 🥰this is my first time writing a story hope you like it