Chapter 15

67 0 0
                                    

Agad agad akong napapasok sa kwarto ko at hinagilap ang kalendar na nakakabit dito.

Napangiti ako.

Yiiiiieeee, two months na pala akong naninirahan dito. Congrats sakin at natagalan ko ang pag-uugali ng mokong kong boss na iyon.

Agad kong kinuha ang pentel pen at sinulata ng ex ang pang huling number sa month ng July.

August na! Woohhooo!!

"Jascha" tawag sakin ni Zeb.

Napatalikod ako at tumambad sakin si Zeb na nakatayo sa pinto ko.

Kasalukuyan nitong inaayos ang neck tie niya.

"May meeting ako ngayon at mag oover time ako sa office. Wala dito si Kirk kaya naman behave" saad nito sakin.

Napasimangot naman ako. Ano akala nitong lalaking to sakin. Bata?

"Don't talk to strangers and especially, wag kang magpapapasok ng kung sino dito sa loob ng pamamahay ko. Kahit mga pinsan ko pa sila or mga kapatid. Especially my mother and a certain girl named Sasha" paalala nito sakin bagot tuluyang naisuot ang neck tie.

Tumango naman ako at nag salute dito na parang ginagawa nila sa military.

"Copy sir!" Saad ko pa dito at humagikhik. Napailing nalang si Zeb at umalis na.

Sinara ko naman ang pintuan at humarap muli sa calendar.

So ako nalang mag-isa dito? And take note, ako lang talaga. Pano ba naman, walang mga maids dito si Zeb. Tanging ang butler nitong si Kirk lang. Tapos every twice a week may pumupunta dito, si Mina para maglinis. Tungkol naman sa cook, minsan ako ang nagluluto pero may persinal chef itong stay out na tinatawagan niya lang kung gusto niyang magpaluto. May body guards rin ito pero ilang metro ang layo dito sa bahay.

Tumingin ako sa side ko at tiningnan ang buong katawan ko sa salamin. Wala sa sariling nahaplos ko ang tiyan ko.

Wala pa ba tong laman? Ilang ulit na kaming nag ano ni boss ah. Wala parin bang nabubuo?

Hindi naman kasi ako naduduwal pag umaga, wala rin akong pagkain na inaayawan at hinahanap. Wala rin akong mga pagkain na nababahuan or mga perfume or anything. In short, wala akong signs na nararamdaman pag juntis ka na.

Napabuntong hininga ako at ngumuso.

Lumabas na ako sa kwarto ko at dumeretso sa kusina para mang hagilap ng pagkain.

Enebe, nagugutom aketch eh!

Kinuha ko ang isang bowl ng strawberries na kakabili lang ni Zeb kahapon at ito ang nilantakan ko.

Nakaupo ako sa sofa habang nanonood ng mga palabas na magpagtitripan kong panoorin.

Nasa kalagitnaan na ako ng panonood at pagkain ng biglang mag ring ang cellphone ko.

"Hello?" Sagot ko agad na wala ng tingin tingin kung sino ang caller.

"At Jaja! Si Joseph po to, kamusta na po kayo?"

Napangiti naman ako ng marinig ko ang name ni Joseph, ang anak ni Tiya Therese at parang nakababatang kapatid ko na.

"Okay naman ako. Kayo diyan, si Tiya Therese, kamusta siya?"

"Okay naman ate. Nagpa check up nga kami kahapon at ang sabi ay bumubuti na raw ang lagay ni Nanay pero kailangan parin niyang maoperahan dahil daw baka pag tumagal, kakalat daw ang cancer cells at baka mas lumaki ang bukol sa utak niya" sagot nito.

Napapikit ako sa binalita nito. Mukhang mapapagastos ako nito. Buti nalang binigyan na ako ng 5 million ni Zeb last week tapos ang another 5 million daw pag nagkaanak na kami.

Hindi ko nga alam bat niya ako agad binigyan gayong hindi pa ako buntis. Paano balang kung hindi kami magkababy, edi an laki laki ng utang ko sa kanya.

"Magpapadala nalang ako bukas. I-schedule mo na ang operasyon ni Tiya. Pati na rin ang pagkaka chemotherapy niya" Saad ko dito.

"Sige po Ate"

"Oh siya Joseph, ibababa ko na. Ikamusta mo nalang ako kay Tiya ha! Ako ng bahala sa gastusin sa hospital" paalam ko dito at ibinaba na ang tawag.

Napabuntong hininga ako at inilapag ang bowl sa center table.

Magiging okay rin si Tiya. Gagawin ko ang lahat para maging okay lang siya.

Akmang hihiga na sana ako ng biglang may mag door bell sa pintuan.

Agad agad akong tumayo at pinagbuksan ito ng pinto.

Tumambad sakin ang isang babaeng mestiza. Kulot ang hanggang balikat nitong buhok, balingkinitan ang katawan at maputi.

Tumaas ang isang kilay nito at pinasadahan ako ng tingin. Napatingin din ako sa katawan ko. Wala namang problema ah! Suot ko ang white na t-shirt ni Zeb at boxers niya.

Masama ba yun?

"Who are you?" Mataray nitong saad at agad agarang pumasok sa loob.

Sinundan ko naman siya at prente langitong umupo sa sofa sa living room.

"Ummmmm....... maid po ni Zeb?" Nakangiwing sagot ko.

Okay, papanindigan ko na talaga ang pagiging maid ko kay Zeb. Tutal yun naman ang una niyang pakilala sakin.

Mas tumaas pa ang kilay nito at pi asadahan muli ako ng tingin.

"Are you sure maid ka niya? Wala naman atang maid ang nakasuot ng t-shirt at boxers ng anak ko"

Shit! Mama to ni Zeb? Hindi halata ah! Bata pa kasing tingnan.

"Ummm.....-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may mga yapak akong narinig papasok.

"Jascha, have you seen my-"

Hindi ni Zeb natapos ang sasabihin nito ng makita ang babae sa harapan ko. Agad nandilim ang mukha nito at masamang bumaling sakin ng tingin.

Napalunok ako at kinagat ang ibabang labi ko. This is my first time seeing Zeb this mad.

"Oh Zebzeb! My son! How are you?" Agad na bati ng babae at akmang yayakapin si Zeb ng umiwas ito.

"What are you doing here?" He coldly said habang nakatingin pa sakin ng masama.

Im His Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon