Napanguso ako habang kumakain ng lollipop. Umupo ako sa bench na nasa labas ng convenience store. Suot suot ko parin ang sumbrero ko at matamang nakatingin sa paligid.
"Hello" napatingin ako sa batang bumati sakin. Mestizo ito at talagang napaka cute.
Ngumiti ako at pinisil ang pisnge nito. Waaahhh!!! Ang cute talaga! Kanino bang anak to? An sarap kinapin. Mukhang mga 3-4 years old palang ito.
"What's your name baby boy?" Tanong ko dito habang patuloy na pinanggigilan ang pisnge nito.
Ang lambot! Parang siopao.
"My name is Brice Andi Ashworth but you can call me Ice"
Antaray ni Icey my baby loves. Nosebleed teh.
"Lumipat po kami doon kahapon" patuloy niting kwento at itinuro ang isang apartment na malapit sa talyer na nasa gilid nitong convenience store.
"Tapos, doon naman nagwowork ang mommy ko" dagdag pa nito sabay turo sa talye.
Ay sayang. May mommy na pala ito. Balak ko pa naman sanang kidnapin siya.
"Eh iyo po. Ano name niyo po?"
"Ako si Jascha Rei Sandoval Batalie. You can call me Tita Jaja or Tita Jascha" nakangiti kong pakilala dito.
"Okay po tita Jascha"
Yyiiieee. Hangkyut talag. Ansarap kainin ng mala siopao nitong pisnge. Nakakainggit.
Sana pag nagkababy ulit ako ganito rin kagwapo kay Ice or kung baka nabuhay ang baby ko, ganito rin ito kagwapo.
Haist. Erase erase! Forget na nga diba Jascha?
"Sige po Tita Jascha! Babye na po ako!" Magiliw niting paalam at pumunta sa babaeng nasa labas ng talyer.
Puno ito ng grasa sa kamay tapos naka messy bun lang ang buhok niya pero hindi ito maikakailang maganda rin. Pero mas maganda parin ako.
Har har. Mabisita nga mamay si Lalabs Icey ko.
Ang aangal kukurutin ko sa singit.
Sumakay na ako sa naka paradang motor ko at pinaharurot ito papunta sa kumpanya. May pag-uusapan kasi para sa bagong magazine na irerelease tapos may mga bagong mga models daw.
Tinawagan ko na rin kanina si Pao na siya nalang muna magbantay ng store tapos papalitan ko nalang siya mamayang hapon sa kanyang shift.
Ng makarating na ako sa building pumasok agad ako sa loob. Nagulat pa nga ako ng may mga repirters na naka abang sa main door ng building at yung iba naman ay may mga banner na dala na may nakasulat na Valiant at ang litratong kumalat na wala akong suot na maskara.
Napailing nalang ako. That's the reason why I hate to reveal myself. Mawawalan ako ng freedom kong makagala. Marami na ring taong makakakilala sakin bilang si Valiant hindi si Jascha.
Tumuloy na ako sa conference room sa 5th floor kung saan magaganap ang meeting.
"Next month we will be releasing a new set of magazines featuring Damien, Niome, Krystal, Hades and of course, the frontliner of our company Valiant" rinig kong saad ni Manager Cat.
Napalunok ako dahil late na ako. Patay! Nag-uumpisa na ang meeting.
Isinuot ko ang shades ko pati na rin ang hood ng suot kong jacket at pinihit na ang door knob.
"And also our new models. Cox and Farrah. Pati na rin ang pinakasikat na model dati ay nag sign up na ng kontrata ngayon, Zeb Brandon Cruise"
Napatigil ako sa pagbukas ng pinto. Tama ba narini ko? Zeb Brandon Cruise? Yun diba? Yun yung binanggit na name ni Manager Cat?
Sumilip ako sa bahagyang nakaawang na pinto. Nanlaki ang mata ko ar napatakip ako sa bibig ko.
"Omo!" Mahinang bulalas ko.
Si Zeb nga! Anong ginagawa niya dito? Model din ba siya? Bakit hindi ko alam?
Bigla akong napapitlag ng ag vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ito at sinagot agad ang tawag.
"Jas! Where are you?" Rinig na rinig ko ang sigaw ni Manager Cat sa loob.
"Umm..... ano po kasi eh..."
"We need you here. Nag-uusap usap na kami dito tungkol sa irerelease na magazine natin next month. Yiu should be here because you are the frontliner of fearless" pangaral nito sakin.
"Eh kasi po... ano um.. kasi- AAAHHHHHH!!!" napasigaw ako ng aksidente akong napasandal sa pinto na bahagyang nakabukas kaya ang ending ko, ayun! Lagapak ako sa sahig.
"Jascha!" Tarantang saad ni Manager Cat. Mabilis akong tumayo kahit na nananakit ang balakang ko.
Ikaw ba naman sumandal sa nakaawang na pinto. Tingnan lang natin kung hindi sa sahig ang ending mo. Ansakit ng pagkakabgsak ko.
"Are you okay?" Tanong nito.
Inayos kooang shades ko at tumango tango.
Yumuko ako at sinilip sa peripheral view ko si ZZ. Nakatayo ito habang may iba't ibang emosyong makikiya sa mga mata niya. Longing, sadness, happiness, guilt at pag-aalala.
Akmang tatayo na ito ng mabilis akong umalis agad.
And agai, I am thankful to my tinted shades samahan mo na ng hood ko dahil nakatago muli ako.
But on the other hand, hindi ito hide and seek. I'm running while him, he is still chasing me. And I don't know why the h*ll he's doing that.
BINABASA MO ANG
Im His Baby Maker
FanfictionWhat if naghahanap ng baby maker ang isang lalaki? Makahanap kaya siya? At mahalin kaya niya ito? 🥰this is my first time writing a story hope you like it