Serendipity POV
"Sige suntukin mo pa 'yang hangal na yan, Achilles!" Utos ko kay Achilles
Then Achilles let his best punch! Bravo!
"Teka baka mapatay niyo yan." Pigil ni Dionysus kay Achilles
Tss!
Tumayo na ko sa kinauupuan ko at pumunta sa kinaroroonan nila Achilles.
"Sa susunod tignan mo kung anong table ang uupuan mo ha!" Inis na sabi ko
Susuntukin ko sana siya ng...
"Professor Nathalia! Ayan po oh kinakakawawa nila yung lalaki!" Sumbong ng bata kay Nathalia
Pakielamerong bata!
"Serendipity! Sa office! Now!" Sigaw sa akin ni Nathalia
Kainis!
"Nauna siya! Umupo siya sa upuan ng gang!" Reklamo pa ni Achilles
"Tama siya. Wala dapat uupo sa upuan namin!" Saad ko
Mas sumingkit ang mata ni Nathalia.
"Kayong tatlo! Sa office!" Sigaw ni Nathalia
Inis akong gumamit ng banishing ability papunta sa office. Kasunod ko lang na dumating si Achilles at Dionysus.
"Kayo na naman, Serendipity?!" Di makapaniwalang tanong ni Master Zeus at napahawak pa sa sintido niya
Suki na kami dito eh. Mga twice a week kaming nandito. Kulang nalang maging room na namin ito.
"Kasalanan ng bagong estudyante. Kaya siya nabugbog dahil niyabangan niya pa si Serendipity." Saad ni Dionysus
Mabuti at nag salita na siya! Mas magiging matibay ang reklamo ko!
"Pero di niyo dapat binugbog! For goodness sake! Graduating kayo! Anong gusto niyo? Wag grumaduate?! Mga prinsipe pa naman kayo. Tapos kayo din ang numero unong taga gawa ng gulo!" Sermon ni Master Zeus
Gusto kong pumalakpak kaso hindi ko ginawa. Ang ganda kasi ng statement ni Master Zeus.
"Tapos na po ba? Pwede na kaming bumalik sa room?" Tanong ko
Napahinga ng malalim si Master Zeus.
"After class mag detention kayo! Linisin niyo ang buong gym!" Utos ni Master
Inis akong umalis sa kwartong iyon. Badtrip! Sinigawan na nga ako ni Nathalia, mag lilinis pa ako ng gym!
We head back to our classroom at doon naabutan naming nag kaklase na sila. Si Nathalia na ang prof. Umupo na agad kami.
"Nasaan ang assignments niyong tatlo?" Tanong ni Nathalia
Damn. Nakalimutan ko!
"Here ate." Sabi ni Dionysus at binigay kay Nathalia yung notebook niya!
Maduga!
Agad siyang tinaasan ng kilay ni Nathalia. Ayaw niyang tinatawag namin siyang ate.
Well never ko siyang tatawaging ate!
Dahil soon to be girlfriend ko siya! Intayin lang nilang makalabas ako sa ESA.
"Serendipity at Achilles? Ano? Nasaan na?" Tanong ni Nathalia
Ikukumpas ko na sana ang kamay ko pero napigilan ito ni Nathalia.
"Mahigpit kong ipinagbabawal ang pag gamit ng magic sa klase ko!" Inis na sabi ni Nathalia
I smiled.
"Sorry, babe. Next time I'll do my homework." Saad ko
Agad kumunot ang noo niya.
BINABASA MO ANG
Immortal Sin (FANTASY SERIES #3)
FantasyFANTASY SERIES #3 How does it feel to have a sin that you actually love? Isn't it incredible? Being punished but you're actually happy. Are you willing to accept the punishment? Will you gladly accept it? Are you ready to be sinned just to be happy...