Chapter 46-Process-

39 1 0
                                    

Serendipity POV

Naimulat ko ang mata ko at nailibot ang paningin ko sa buong paligid.

Kwarto ko ito sa Light Throne…

Napabalikwas ako ng bangon sa kama ko at napahawak sa ulo ko. Sobrang sakit nito at wala akong nagawa kung hindi ang mapaungol sa sakit.

Biglang bumukas ang pinto at nag sipasukan ang mga doctor na mga wizard at witches. Pinahiga akong muli ng isang doktor at may kung ano ano silang tinusok sa akin. Dahil sa ginawa nila ay medyo umayos ang pakiramdam ko. Nang masigurado nilang ayos na ang pakiramdam ko ay umalis na sila.

Hindi parin ako makapaniwala na nandito ako sa kwarto ko. Ibig sabihin ay nakuha na namin ang goblet of damage kaya nakabalik kami sa Light Throne.

Pero nasaan si Euphoria?

Bumangon ako sa kama ko at nag bihis ng maayos na damit. Hindi ako maaring umalis ng naka pang pasyente ang suot ko.

Matapos kong mag bihis ay nag madali akong lumabas ng palasyo. Takang taka ang mga immortal sa ikinikilos ko pero wala akong pakielam doon. Ang tanging nasa isip ko ay balikan si Euphoria sa mundo nila.

Tumakbo ako kaagad papalabas ng tarangkahan kahit medyo sumasakit ang likod ko.

"Mahal na prinsipe hindi kayo maaring lumabas!" Sigaw ng isang kawal

Hindi ko iyon pinansin. Nag madali pa akong pumunta sa gubat pero laking gulat ko ng may makita akong barrier doon.

"Dispel!" Saad ko

Ngunit makalipas ang ilang segundo ay walang nangyari doon. Nag uumpisa na akong mainis dahil doon.

Bakit naman nila lalagyan ng barrier ito?!

Sinubukan ko ang mga elemento ko pero nandoon pa naman iyon. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Naguguluhan ako.

"Mahal na prinsipe, pinababalik na po kayo ng palasyo." Saad ng isang kawal

Tumingin ako dito ng masama at mukhang ikinagulat niya iyon.

"Bakit may barrier dito? Sinong gumawa nito?" Tanong ko

Hindi ito nakasagot at napayuko nalang. Mas lalo akong nainis dahil alam kong may tinatago silang lahat sa akin.

"Mahal na prinsipe!"

Kaagad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita ko si Hansley na hapong hapo at mukhang tinakbo pa mula sa palasyo hanggang sa lagusan.

"Sagutin mo ang itatanong ko, Hansley. Bakit may barrier sa lagusan? Bakit nila lalagyan ito samantalang alam nilang gagamitin ko ito?" Inis kong saad

Sandali itong natahimik pero nang titigan ko ng masama ay napalunok ito.

"Ipinag utos ng Hari at Reyna na lagyan ng barrier ang lagusan para hindi ka na makapunta sa mundo ng mga tao." Saad ni Hansley

Sa isang iglap ay bumalik ako sa palasyo. Mabilis akong nag tungo sa kwarto ni Mommy at Daddy upang mag reklamo pero nagulat ako sa nakita kong lagay ni Mommy. Napakalaki ng ibinawas ng timbang niya. May nag bago sa kaniya at hindi ko alam kung ano ba iyon.

"Salamat at gising ka na!" Masayang sabi ni Mommy

Nag madali itong pumunta sa akin at inakap ako ng mahigpit. Napatayo na rin si Dad ay umakap sa akin. Pero tinanggal ko ang pag kakaakap nila ng maalala ko ang problema ko.

"Bakit may barrier ang lagusan? Dati naman ay hindi niyo iyon pinalalagyan." Saad ko

Nag katinginan pa silang dalawa at para bang nag hahanap ng salitang sasabihin.

Immortal Sin (FANTASY SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon