Euphoria POV
Nagulat ako ng magising ako sa gitna ng gubat. Bakit ako nandito?
"T-Takbo Ria! B-baka maabutan ka nila!" Utos ni Papa
"Ayoko Papa! Hindi ko kayo iiwan ni Mama at Kley!" Saad ko habang nakatingin sa kanilang tatlo
Masyadong madilim kaya naman hindi ko ganoon nakikita ang mukha nila.
"Euphoria anak, wag matigas ang ulo! Umalis ka na!" Sigaw ni Mama
Nagulat nalang at may lumalapit na usok sa kanilang tatlo. Wala akong nagawa kung hindi ang umiyak ng umiyak at tumakbo. Nagulat ako ng may mabangga akong matandang babae. Bumagsak ako sa sahig.
"Bata? Bakit ka ba nag mamadali? Nasaan ang mga magulang mo?" Tanong ng matanda at luminga linga pa
Agad akong tumayo at kinapitan ang laylayan ng damit niya.
"K-kinuha po ng itim na usok ang pamilya ko. T-tara na po! Baka pati po tayo ay makuha nila!" Saad ko
Mabilis kaming nakaalis sa gubat na yun at nakarating sa mataong lugar. Walang tigil ang pag iyak ko. Bigla niya akong inabutan ng bilog na bagay.
"Apo, kainin mo yan. Gawa ko yan." Saad ng matandang babae at ngumiti
Dali dali ko naman itong kinuha at kinain. Gumaan ang pakiramdam ko.
"Espesyal ang kendi na yan. Iba ka na sa lahat, bata. Ikaw lang ang binigyan ko nyan." Saad ng matanda
Ngumiti naman ako sa kanya.
"Pwede po bang kayo nalang ang maging Mama ko?" Tanong ko
Bahagya lang siyang napailing.
"Hindi eh." Maikling tugon niya at bahagyang ngumiti
"Ano po bang pangalan niyo? Pag laki ko po hahanapin ko kayo." Saad ko
"Ako si---"
"Mortal! Gising na! Malalate na tayo!" Sigaw ni Serendipity mula sa labas ng pinto ng kwarto ko
Bigla kong naisip yung panaginip ko.
Ano nga ulit yun? Ano bang napanaginipan ko?
Napatingin ako sa wall clock! 5:30 na!
Dali dali akong napabangon sa kama ko. Mabilis akong kumuha ng damit ko at bumaba. Naligo na agad ako. Pagkatapos kong maligo ay nag patuyo na ako ng buhok.
7:00 am pa naman ang pasok! Ayoko lang mamasahe!
"Eh bakit late mo ako ginising?!" Tanong ko kay Serendipity
"Hindi rin kaya nag alarm cellphone ko! Naka silent!" Sigaw niya sa akin na kakatapos lang mag toothbrush
Matapos ang pagpapaikot ikot namin sa bahay ay maayos na ang itsura namin. Sabay kaming napalingon ni Serendipity sa hagdan at nakita naming pababa si Dionysus.
Bagay sa kaniya yung uniform!
"Hoy! Aba sabi ko tara na!" Inis na sabi ni Serendipity
Palaging may toyo!
Nag lakad na kami papasok ng school. Nagulat ako kasi tinuro na naman ni Serendipity ang billboard ni Achilles.
"Tignan mo yang si Achilles! Tss!" Saad ni Serendipity
BINABASA MO ANG
Immortal Sin (FANTASY SERIES #3)
FantasyFANTASY SERIES #3 How does it feel to have a sin that you actually love? Isn't it incredible? Being punished but you're actually happy. Are you willing to accept the punishment? Will you gladly accept it? Are you ready to be sinned just to be happy...