Serendipity POV
Kanina ko pa gustong umalis sa lugar ng Special Section pero sinabihan kami ni Professor London na manatili sa lugar namin dahil daw may nag lilinis na mga mortal sa tapat ng building namin. They can't see us pero nakikita namin sila dahil sa barrier.
"Dapat kasi pinauwi na tayo bago sila nag linis d'yan." Reklamo ni Fami
"Masyado kang maarte, Fami. Saglit lang naman 'yan." Saad ni Clarens
Bago pa man mag sakitan ang kambal ay umalis na sa tabi namin sina Clarens. Si Dionysus naman ay umalis ng room hindi ko alam kung saan mag pupunta.
"Do you want to hear a story while waiting for dismissal?" Biglang tanong ni Fami
Napabuntong hininga ako at lumingon sa kanya. She's wearing a strange smile which made my eyebrows arched.
"Kapag walang kwenta, please lang 'wag na." Saad ko
Umiling ito ng dahan dahan kaya napukaw noon ang atensyon ko.
"This is about Euphoria Victoria, Serendipity. I guess that's an enough reason for you to listen." Saad ni Fami
At dahil doon naging babad ang atensyon ko sa bawat sasabihin niya.
"This is not a typical love story of Clarens and Euphoria. Nag umpisa ito noong high school palang kami. Aaminin kong sobrang ganda at bait ni Euphoria, hindi naging malabo na nahulog ang loob ng kakambal ko sa kanya. Araw araw laging may ngiti sa labi ni Clarens, konti nalang at pati sa pag tulog niya ay ngumiti siya. Inisip kong nababaliw na siya." Nakangiti paring saad ni Fami
Nag ibang bigla ang timpla ng mukha ni Fami. Ikunumpas niya ang kamay niya at gumawa ng dalawang taong stick. Isa ay nababalutan ng itim na usok at ang isa naman ay nababalutan ng puting usok.
"But shits happens, Serendipity." Pinagalaw niya ang taong stick na may puting usok, "Nalaman ni Clarens na si Euphoria ay isang missing soul. Hindi niya malaman ang gagawin kaya naman nag desisyon si Clarens na humanap ng reaper."
Muli niyang pinagalaw ang stick na taong may puting usok at ginawa iyong nakaluhod.
"This is where their love story began to fade. Kamalas malasang ang reaper na nakausap ng kambal ko ay ang reaper na humahanap kay Euphoria. Sabi ni Clarens sa akin noon, gagawin daw siyang malakas noon. Masama ang kutob ko doon kaya naman sinabi ko iyon kay Uncle London. Agad niyang tinutulan ang plano ni Clarens kaya naman napigilan iyon." Saad ni Fami
Iginalaw niya naman ang taong stick na may itim na usok. Ito na marahil si Euphoria na isinasalarawan niya.
"Nalaman ni Euphoria ang kasunduan na iyon. Sino ba namang matutuwa na pinagkasunduan na ang buhay na pinakaiingatan mo hindi ba? Nagalit siya at dahil doon nag hiwalay sila ni Clarens. Nag kanda malas malas ang buhay ni Euphoria dahil nahanap na rin siya ng reaper. Hindi ko siya masisisi sa nararamdaman niya." Saad ni Fami
Itinigil na niya ang pag papagalaw sa dalawang taong stick at tumingin sa akin.
"Ako na ang nag sasabi sayo, Serendipity. Nasa panganib ang buhay mo dahil kay Euphoria." Saad ni Fami
Tumaas ang isang kilay ko dahil sa sinabi niya.
"Sinisiraan mo lang siya. Nag sisinungaling ka lang." Agad kong sabi
Napatawa siya ng kaonti dahil sa sinabi ko.
"Well I wish I'm lying but I am not. Sinabi ko sayo, muntik nang mabaliw si Clarens sa kanya. Itinuring kong magandang pangyayari ang pagkakahiwalay nila. Itinataboy ko siya palayo sa kalambal ko sa pamamagitan ng pag away sa kaniya lagi." Saad ni Fami
BINABASA MO ANG
Immortal Sin (FANTASY SERIES #3)
FantasíaFANTASY SERIES #3 How does it feel to have a sin that you actually love? Isn't it incredible? Being punished but you're actually happy. Are you willing to accept the punishment? Will you gladly accept it? Are you ready to be sinned just to be happy...