Euphoria POV
"You are provoking her. Ganyan ka ba kadespiradong kunin ang kaluluwa niya? Bakit? Takot ka bang ikaw ang mawala?" Walang emosyon na sabi ni Serendpity
Natatakot ako sa kanya ngayon. Para siyang isa nag liliyab na tao ngayon. Ibang iba siya sa makulit at walang alam na Serendipity noon.
"Trabaho kong kunin ang mga kaluluwa mahal na prinsipe, lalo na at hiniling iyon ng nag mamayari dito." Saad ng Reaper
"'Wag ka ngang mag patawa. Kaya mo lang ito ginagawa dahil kapag hindi mo nakuha ang kaluluwa niya, mag lalaho ka. Hindi kasalanan ng babaeng ito na nag mintis ka sa pag kuha ng kaluluwa. Kapabayaan mo ang sisihin mo. Matagal na sana siyang wala kung hindi ka lang bobo." Saad ni Serendipity
Halatang nagalit ang Reaper sa sinabi ni Serendipity. Biglang nag karoon ng itim na usok sa mga kamay niya at itinapat ito kay Serendipity. Napakunot ako ng noo ng makita kong walang kareaksyon reaksyon si Serendipity.
"Minamaliit mo ba ang kinabibilangan ko? Kung ganoon minamaliit mo na rin ang God of Death, Ptolemy." Saad ng Reaper
"Hindi ko minaliit ang God of Death, Ptolemy. Ikaw ang minamaliit ko dito. Kung ako sayo, aalis na ako sa trabaho ko. Wala ka nang naidudulot sa grupong kinabibilangan mo. Maski buhay ng isang prinsipe at buhay ng isang mortal ay pinagtatangkaan mo." Saad ni Serendipity
Natahimik naman ang Reaper at matalim na tumingin kay Serendipity.
"Kung 'yan ang gusto mo, mahal na prinsipe, hayaan nating sa council na mapunta ang bagay na ito." Saad ng Reaper at nag laho na parang bula
Kung nakakapatay lang ang tingin ni Serendipity sa kinaroroonan ng Reaper ay wala na ang Reaper. Halos mapapitlag naman ako ng ilipat niya ang tingin niya sa akin. Ang mga galit na kaninang nasa mata niya ay biglang napalitan ng lungkot.
"Anong ginawa mo, Euphoria? Pinalala mo ang sitwasyon. Sana nakinig ka nalang sakin na 'wag na 'wag mong babawiin ang buhay mo kahit gaano pa kahirap. Ngayong makakarating na ito sa council, wala na akong kakayanang iligtas ka." Malungkot na sabi niya
Lalapit sana ako ng bigla siyang umatras. Bahagya naman akong nagulat doon. Napalunok ako dahil para bang ayaw niya akong lumapit sa kanya.
"Hindi pa ba ako sapat para manatili kang mabuhay?" Puno ng hinanakit niyang sabi
Hindi ko alam pero biglang bumuhos ang luhang iniingatan kong 'wag bumuhos. Ang puso ko ay parang paulit ulit na dinudurog dahil sa sinabi niya. Masyado akong nahihiya sa kanya.
"S-serendipity…" saad ko
"Shh. I know I'm not enough. I really know that. Sa lahat ng nakakasalamuha ko hindi ako sapat. Palagi nalang may kulang sa akin. Hindi na ako nag tataka na kahit nandito na ako ginugusto mo paring mawala. I'm so sorry." Saad niya at tumalikod na
Humakbang ako para habulin siya.
"Y-you are enough, Serendipity. Please believe me." Naiiyak kong sabi
"No, I'm not. We wouldn't be here if I am." Saad niya
Nagulat ako ng bigla din siyang nag laho. Dahil sa kaba ko ay nag mamadali akong bumaba sa hagdan ang patakbo akong pumunta sa Villa. Naabutan ko pa si Achilles at Dionysus na nasa sala.
"Hey! What happened?!" Gulat na tanong ni Achilles
Hindi ko na sila napansin. Kaagad akong dumiretso sa pinto ng kwarto ni Serendipity at kumatok.
"Serendipity… please open the door!" Pakiusap ko
"Rest, Euphoria. We need it." Saad ni Serendipity mula sa loob
BINABASA MO ANG
Immortal Sin (FANTASY SERIES #3)
FantasyFANTASY SERIES #3 How does it feel to have a sin that you actually love? Isn't it incredible? Being punished but you're actually happy. Are you willing to accept the punishment? Will you gladly accept it? Are you ready to be sinned just to be happy...