Chapter 42-Mission Passed-

43 2 0
                                    

Euphoria POV

Everyday I keep having one dream. Paulit ulit 'yon. Ako at ang matandang babaeng tumulong sa akin noong bata pa ako. Naalala ko ring sinabi niya sa akin na mayroon raw akong makikilalang imortal at kailangan ko raw iyong tulungan gaya ng ginawa sa akin ng matandang babae na iyon. Noon akala ko ay si Clarens iyon pero nag kamali ako. Si Serendipity pala ang tinutukoy ng matandang babae.

Naalala kong sinabi sa akin ng matandang babae na may mga hahabol parin sa akin kahit na kainin ko iyong kendi na iyon. Ibinigay niya sa akin ang isang jar para ingatan iyon dahil nandoon raw ang makakapagligtas sa akin pero naiwala ko iyon. Noong araw na nakita kong hawak iyon ni Serendipity ay alam kong nang si Clarens ang nakakuha noon. Hindi ako nag dalawang isip na kuhanin iyon at ibigay kay Damari. Alam kong may magagawa si Damari sa garapon na iyon dahil siya ang nasa mundo ng mga immortal. Naguiguilty parin ako sa ginawa ko kay Serendipity pero ayaw kong madamay siya sa mga kapahamakan na dala ko.

Nag umpisa na akong mag imbestiga sa mundo nila Serendipity simula ng araw na dumating si Damari para kwentuhan ako. Makailang beses akong lumabas ng gabi para mag hanap ng mga sagot at nag kataong napansin kong hindi talaga normal si Zaeigny. Alam kong ako ang pakay niya kaya hindi ako nag dalawang isip na gawing pain ang sarili ko para makuha ang goblet of damage. Huli ko nang nalaman kung nasaan ang goblet of damage at pinag sisihan ko iyon.

Alam niyang mag kakakonekta kaming apat kaya naman para maging maayos ang plano niya ay inalam niya ang detalye ng tatlo. Dahil nalaman nila na goblet of damage ang pakay ng tatlo ay inunahan niya iyong kuhanin. Kapag nawala na ang tatlo ay madali niya nalang ako makukuha.

Naalala kong mayroong kwintas na ibinigay sa akin ang matandang babae kaya naman kaagad ko iyong dinala sa gubat kung saan niya ako unang nakita. Kada i-aangat ko ang kwintas ay may lalabas na lagusan papunta sa mundo nila Serendipity. Inisip kong pwedeng gamitin iyon nila Serendipity pero ayon sa kanila ay hindi pa sila pwedeng tumawid kung hindi nila dala ang goblet of damage. Dahil hindi sila pwede ay ako ang pumasok doon.

Tunay na napakalaki ng Light Throne. Kulang ang isang araw para mag libot libot doon kaya naman makailang beses ako lumabas ng gabi. Isang beses ay may nakahuli sa akin. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o matakot dahil iyon ang kuya ni Serendipity. Si Kuya Yarris.

"Paano ka nakapunta dito gayong mortal ka? Ano ang pakay mo?" Tanong niya sa akin

Halos pag pawisan ako ng malagkit sa tanong niya palang. Hindi ako takot dahil sa malaking sungay niya, natatakot akong baka hindi ko matapos ang mga plano ko dahil nahuli niya ako.

"Kuya, tulungan niyo po akong mapabalik na dito sina Serendipity. Dumadalas na ang pagkakasakit niya. Panay ang pag dugo ng ilong niya at tumaas rin ang temperatura niya. Hindi siya pwedeng mag tagal sa mundo namin dahil humihina na ang katawan niya." Halos lumuhod ako sa pag mamakaawa sa kaniya, "Gagawin ko ang lahat para makabalik siya ng ayos kaya sana ay matulungan mo kami."

Itinayo niya ako at hinawakanan sa pulsuhan. Dinala niya ako sa tagong lugar na walang immortal.

"Ano ang ginagamit mo para mabuksan ang portal?" Tanong niya sa akin

Mabilis kong itinaas ang kwintas na ibinigay sa akin ng matandang babae. Sinuri niya iyon at mukhang seryosong seryoso siya.

"Naiiwan mo bang nakabukas ang portal?" Tanong niyang muli

Kaagad akong umiling. Palagi kong sinisiguradong nakasara iyon dahil baka makalabas na naman si Damari o di kaya ay ang ibang immortal.

"Hindi ko alam kung may gagawa ako sa sitwasyon ng kapatid ko dahil pinagbabawalan kaming makialam sa kaniya." Dismayadong sabi ni Kuya Yarris

Immortal Sin (FANTASY SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon