Serendipity POV
"F*ck you kuya!" Sigaw ko nang kapitan niya ang balikat ko
Isang suntok sa mukha niya lang ang ginawa ko at tumilapon na siya sa kabilang gilid ng garden. Halos hindi niya maidilat ang isa niyang mata dahil sa ginawa ko. Lalapitan ko pa sana siya ng kapitan ni Damari ang pulsuhan ko. Nilingon ko siya ng nanlilisik ang mata dahil doon.
"Isa ka pa Damari! Kailan niyo pa alam?! Kailan niyo pa ako niloloko?! Kailan niyo pa ako pinag mumukhang tanga?!" Galit kong saad sa kaniya
Mabilis na tumulo ang luha galing sa mata ni Damari. Pabalibag kong inalis ang kamay niya sa pulsuhan ko pero kinapitan niya naman ang laylayan ng damit ko.
"S-sorry kuya. Mag eexplain kami." Saad ni Damari
Hindi ko na mapigilang umiyak lalo. Buong akala ko ay wala na talaga siya. Akala ko ay nag iimagine lang ako kanina pero totoo siya. Buhay na buhay at may kasamang ibang lalaki. Sigurado akong pinanood ni Euphoria ang seremonya at nakita niya rin kaming dalawa ni Nathalia. Paano kung nag selos siya doon? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
"Let's not talk here. Maari tayong marinig ng ibang imortal." Saad ni Kuya Yarris
Gamit ang banishing ability ay mabilis akong nag tungo sa sala ng plasyo. Nakita kong nandoon na si Mom and Dad.
"Anak…" tawag sa akin ni Mommy
Mabilis niya akong inakap at hindi na ako nakapalag pa.
"Alam niyo rin ba? Alam niyo rin bang buhay si Euphoria at nandito siya?" Tanong ko
Naramdaman ko ang pag uga ng balikat ni Mommy dahil sa pag iyak niya. Nakarating na si Damari at Kuya Yarris at hindi ko na alam ang iaakto ko. Kaagad na nilapitan ni Dad si kuya Yarris at inasikaso ang mata nito.
"Anak mag eexplain kami." Mahinahong saad ni Mommy
Kumalas siya sa pag kakaakap at pinunasan ang luhang tumutulo sa pisngi ko. Hindi ko na talaga alam ang mararamdaman ko.
"Mommy naguguluhan na ako. Bakit? Anong mga rason niyo? Mukha akong tanga araw araw dahil sinusubukan kong umusad ng wala siya pero buhay pala siya. Bakit?" Naguguluhang saad ko
Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at pinisil iyon.
"Nito lang namin nalaman 'nak. Si Yarris ang nag sabi sa amin. Pasensya na at kailangan naming itago sa inyo. Sinusubukan naming ayusin ang mga bagay." Paliwanag ni Mommy
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Mommy.
"Bakit kailangan ngang isekreto sa akin? Pwede nating ayusin ng sabay sabay iyon! Pwede tayong mag tulungan para doon!" Saad ko
Narinig ko ang bahagyang pang tawa ni Kuya Yarris. Kaagad ko siyang nilingon at doon nakita ko ang ngisi niya.
"Sa tingin mo ba dadali ang lahat kung sasawsaw ka? Magiging sagabal ka lang, Serendipity. Sisirain mo lang ang planong nabuo namin!" Saad ni Kuya Yarris
Pupuntahan ko sana siya pero nahila ni Mommy ang laylayan ng damit ko. Napahinto ako dahil doon, nanginginig ang kamay ni Mommy at hirap na hirap akong pigilan.
"Please, 'nak. Makinig ka sa kuya mo. Alam niya ang makakabuti sayo." Saad ni Mommy
Umiling iling ako kay Mommy bilang pag tutol.
"Nakakabuti na naman sakin? Mommy, paano naman si Euphoria? Hahayaan lang naman niya ulit si Euphoria kasi nga hindi niya iyon kauri! Mom, si Euphoria ay malamang pinapahirapan na nila doon. Aantayin ko pa bang umabot sa puntong totoong patay na nga siya?!" Galit kong saad
BINABASA MO ANG
Immortal Sin (FANTASY SERIES #3)
FantasyFANTASY SERIES #3 How does it feel to have a sin that you actually love? Isn't it incredible? Being punished but you're actually happy. Are you willing to accept the punishment? Will you gladly accept it? Are you ready to be sinned just to be happy...