Damari POV
Matapos kong makabalik sa Light Throne ay nag tago muna ako upang mag matyag. Inaasahan kong makikita ko ulit na bumukas ang lagusan.
Sigurado akong babae ang lumabas sa lagusan at naiwan iyong bukas.
"Nandito ka lang pala."
Halos mapatalon ako dahil sa gulat ng marinig ko ang boses ni Kuya Yarris. Napaayos ako ng tindig dahil sa kaniya.
"Kuya I can explain." Agad kong saad
Mag sasalita pa dapat ako ng hinawakan ako nito sa pulsuhan at ang susunod ko nang namalayan ay nasa palasyo na kami. Tumambad sa akin si Mommy na naiyak habang nakaupo sa sofa at si Daddy na inaalo si Mommy. Sabay pa silang napatingin sa akin at tumayo para tignan ako.
"Sa harap ka nila mag paliwanag, Damari. Bakit ka nandoon?" Pang uusisa ni Kuya
Bago pa man sila magalit ay ibinigay ko na ang mga regalong galing kay Kuya Serendipity.
"Nang galing ako kay Kuya Serendipity at doon nag celebrate ng birthday ko." Paumpisa ko, nanlaki ang mata ni Mommy dahil doon, "Siguro nag tataka kayo kung bakit ako nakalabas diba? Dahil may nakaiwan ng lagusan na bukas."
Kunot noo akong natignan ni Kuya Yarris dahil doon.
"Totoo ba 'yan, Damari?" Seryosong tanong ni Kuya Yarris
Tumango tango ako dito bilang tugon.
"Nakita kong may babaeng lumabas sa lagusan kaya naman sinundan ko ito. Bigla ay nawala ito kaya naman hindi ko nakilala kung sino siya. Sigurado akong hindi natin siya kabilang dahil iba ang kasuotan niya. Mga telang hindi naman mahahanap sa buong Light Throne." Paliwanag ko
Lumapit sa akin si Mommy at inakap ako ng mahigpit.
"Hindi mo dapat ginawa iyon, Damari. Maari kang mapahamak dahil sa ginawa mo." Saad ni Mommy
Bigla ay naalala ko ang mortal na lalaking nakalaban ni Kuya Serendipity. Mabuti nalang at dumating si Kuya noong oras na iyon kung hindi ay hindi ko rin alam kung anong gagawin ko.
"Imbestigahan mo ang tungkol dito, Yarris. Si Master at ako lang ang nag bibigay ng permiso para makalabas ng mundo na ito. Kung sino man iyon ay hindi natin siya pwedeng palagpasin." Utos ni Daddy
Tumango naman si Kuya Yarris bilang pag sangayon.
"Kamusta ang kuya mo, Damari? Kumakain ba siya ng maayos? Maayos naman ba ang buhay niya?" Sunod sunod na tanong ni Mommy
Pinaupo kong saglit si Mommy at tinuro ang box na hawak niya.
"Maayos naman siya. Matino na rin. Baka nandyan sa sulat sa kahon ang sagot sa ilang tanong niyo Mommy." Nakangiti kong sabi at tinignan silang tatlo, "Buksan natin ang regalo natin!"
Sabay sabay naming binuksan ang regalo namin at tuwa ang gumuhit sa mga mukha namin. Maski si Kuya Yarris ay nakita kong ngumiti ng malawak, iyong ngiti niyang huli kong nakita anim na taon na ang nakakalipas.
"To Dad. Binilihan kita ng mug para may bago kang pagkakapehan. 'Yan lang kinaya ng pera ko dito eh. Kapag nilagyan niyo yan ng mainit na tubig mag kakaroon ng picture 'yan. Okay lang ako dito kahit iisa lang ang elemento ko. Ingat kayo lagi Dad." Saad ni Daddy na binabasa ang sulat ni Kuya Serendipity para sa kaniya
Natawa ako ng akapin niya yung baso at inilapit pa iyon sa mukha niya animong isang sanggol na hinihele. Napaface palm naman si Mommy dahil doon.
"To Mom. Mahilig po kayo sa libro kaya naman binilhan ko kayo ng libro. Okay lang ako dito. Medyo masaya rin. Mayroon pong picture na nakaipit sa libro, litrato namin 'yan kaya sana ingatan niyo. Hindi ako nag papagutom kasi may nag luluto para sa akin. Marunong na din po ako mag luto at mag linis ng bahay. Sorry sa lahat." Saad ni Mommy na binasa rin ang sulat ni Kuya Serendipity
BINABASA MO ANG
Immortal Sin (FANTASY SERIES #3)
FantasyFANTASY SERIES #3 How does it feel to have a sin that you actually love? Isn't it incredible? Being punished but you're actually happy. Are you willing to accept the punishment? Will you gladly accept it? Are you ready to be sinned just to be happy...