Chapter 38-Another Mark-

37 2 2
                                    

Serendipity POV

I woke up early to prepare for our breakfast. I though I would be the first person to wake up but I saw Achilles having his morning coffee. Nakatulala lang ito sa kawalan na parang sobrang dami niyang iniisip. Sa kalokohan ko ay ginulat ko ito at halos maitapon niya ang kape niya sa gulat.

"Dang it, Prince!" Sigaw niya sa akin

Tatawa tawa naman akong pumunta sa kusina para mag handa ng lulutuin ko.

"Para kang may sapi dyan, Achilles. Ano bang problema? Nalalaos ka na?" Natatawa kong sabi

"W-wala lang siguro ito. 'Wag mo na alalalahanin." Saad ni Achilles

Narinig kong nag lakad ito papunta sa kitchen sink at inilapag ang baso niya. Napabuntong hininga pa ito habang hinuhugasan ang basong pinag kapehan niya.

"Stop telling lies, Achilles. I know you since the day I am born." Nakangising sabi ko habang nag gagayat ng bawang

Matapos niyang mag hugas ng baso ay nag punas ito ng kamay sa basahan. Sumandal pa siya sa edge ng lababo at naka cross arms na tumingin sa akin.

"Kapag sinabi ko maniniwala ka? Kasi mukhang hindi." Saad ni Achilles

Napahinto tuloy ako sa ginagawa ko at napatitig sa kaniya. Kakaiba kasi ang tono niya, hindi iyon pabiro na nakasanayan ko.

"Tungkol saan ba ito? Bakit ganyan ka mag react?" Sunod sunod na tanong ko

Napabuntong hininga itong muli at dismayadong tumingin sa akin.

"I don't know if you will believe me but all I can say is Euphoria is very dangerous. Noong una hindi ako naniwalang mapanganib siya pero…" mas lumapit siya sa akin para bumulong, "Totoo ang sinasabi nila Clarens."

Bigla ay nabitawan ko ang kutsilyong hawak ko. Kay Achilles na mismo nang galing, alam ko ring may alam si Dionysus. Pero bakit ayaw maniwala ng puso ko?

"Pero sinabi niya sakin na kailangan ko siyang pag katiwalaan." Mahinang tugon ko

Tinapik ni Achilles ang balikat ko at bahagyang ngumiti sa akin.

"You can trust her but not too much. You still don't know her full identity. Investigate but don't be too obvious. Love her but be alert on her moves." Saad ni Achilles

Umalis na sa kusina si Achilles at mayamaya pa ay narinig ko na ring bumukas ang pinto hudyat na nakalabas na si Achilles ng bahay.

Hindi naman siguro masama kung papakinggan ko ang sinabi ni Achilles diba?

I know him since I was a kid. There's no reason for him to say nonsense about Euphoria.

Nagulat ako ng may humawak ng balikat ko. Hinahawakan ko tuloy ang kamay niya at umikot ako para mag kapalit kami ng pwesto.

"Masakit!" Saad ni Dioysus

Kaagad ko namang binitawan si Dionysus at naiilang na ngumiti. Dahil sa pag iisip ko ay hindi ko namalayan ang pag lapit niya.

"Ako na mag luluto. Mamaya sunugin mo pa yung bahay." Saad ni Dionysus at iiling iling na tumingin sa akin

Napabuntong hininga nalang ako. Mas pinili ko nalang mag salansan ng plato para maging maayos ang hapag kainan.

"Did he said what he saw last night?" Tanong bigla ni Dionysus

"Huh? Anong nakita niya?" Tanong ko

Umiling iling nalang siya at nag patuloy sa pag luluto niya.

"Good morning!" Bati ni Euphoria

Nag lalakad ito papalapit sa amin habang nag aayos ng necktie niya. Umupo kaagad ito sa upuan at tinignan ang cellphone niya.

Immortal Sin (FANTASY SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon