Chapter 20-Another Misery-

47 2 0
                                    

Euphoria POV

"Grandma!" Tawag ng isang bata sa isang matandang papaalis na

Napalingon naman ang matandang babae na paalis na.

"Hindi na ako pwede manatili pa, apo." Saad ng matanda at nag patuloy sa pag lalakad

Hinila ng bata ang kamay niya upang wag na itong umalis.

"Sige na po. Natatakot po ako mag isa." Naiiyak na sabi ng bata

Bakas sa mukha ng matanda ang pag kaawa. Ngunit dahan dahan itong umiling senyales na hindi ito maaring manatili.

"Wag kang mag alala palagi lang akong nasa tabi mo. Babantayan kita. Hindi ka na nila makukuha." Nakangiting sabi ng matanda at nag laho na para bang usok

"EUPHORIAAAAAA!"

Napabalikwas ako ng bangon sa tumawag sakin!

Bakit ba tuwing nananaginip ako eh laging susulpot itong si Totoy?!

"Ano ba?!" Sigaw ko mula dito sa loob ng kwarto

"Anong ano ba?! Kung gusto mo malate iiwan ka na namin ni Dionysus!" Saad ni Totoy at padabog na umalis sa tapat ng pinto ko

Doon ako mas lalong nagising. Agad akong napatingin sa relo sa kwarto ko.

O.A lang talaga si Totoy. Masyado pang maaga!

Inis akong naligo at matapos noon ay bumaba na ako. Naabutan ko silang dalawa ni Dionysus na nag i-stretching!

"Alam mo, bwisit ka Totoy." Saad ko

Ngumisi naman ito.

"Well at least makakapag almusal ka ng maaga." Saad ni Totoy

Inirapan ko lang ito at kumuha na ng pagkain. Matapos kong kumuha ng pagkain ay napatingin ako sa kanilang dalawa. Ganoon padin, nag istretching padin.

"Anong meron? Sasali ba kayo sa Sea Games?!" Sarcastic na pag kakasabi ko

Natawa naman si Dionysus dahil sa sinabi ko.

"Mas matindi pa ito sa Sea Games na sinasabi mo, Euphoria. Kapag natalo kami dito, wala kaming mukhang ihaharap sa angk--"

"Wala kaming grades kapag di namin sila natalo." Pampuputol ni Serendipity kay Dionysus

Weird.

Matapos ng agahan ay kaagad kaming nakapunta sa school. Nakarating din naman kami agad sa tapat ng building ko.

"Aalis kami. Mamayang lunch nalang." Saad ni Serendipity at hinila na niya si Dionysus

Mayasdo pa namang maaga eh. Masyadong nag mamadali. Akala mo naman buhay nakasalalay sa grades nila!

"So.. the flirt is here!" Anunsyo ni Genevier

She's one of the bullies. Stockholders ang mga magulang niya kaya ganyan siya. Kaibigan din siya ni Fami.

Mukhang ako ang flavor of the month.

"Flirt who?" Sabat ng isa naming classmate

Inginuso naman ako ni Genevier.

"Kasabay niya lang namang pumasok ang dalawa sa Special Section." Maarteng sabi ni Genevier at may pag hawi pa ng buhok niya

Yun na yun? Malandi na agad ako doon?

"Hindi ka maka-imik 'no? Pagkatapos ni Clarens, yung mga yun naman? Like oh my gosh? 'Di ka ba nabubuhay ng walang lalaki?" Natatawa pang sabi ni Genevier

Immortal Sin (FANTASY SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon