Serendipity POV
"Makinig ka sa kuya mo para alam mo ang gagawin kapag humarap na kayo sa hukom. Malapit na ang hearing at nakatitiyak akong marami rin silang ibabatong paratang sayo." Saad ni Mommy
Kasalukuyan kaming nasa garden dahil nag pasama si Mommy na mag dilig ng halaman niya. Wala na akong nagawa kung hindi ang sumama dahil wala rin namang masyadong ginagawa.
"Okay." Maikli kong tugon
Napahinto si Mommy sa pag didilig at inilapag niya ang regadera. Inaya niya pa akong maupo sa bench kaya naman umupo na ako.
"Galit ka pa rin ba sa kuya mo?" Tanong ni Mommy
Hindi ko alam ang isasagot ko pero alam ko naman ang sagot. Hindi ko lang talaga matanggap na ganoon siya mag isip. Napakamisteryoso niya.
"Hindi ko naman sinasabi na 'wag mo na kagalitan ang kuya mo. Naiintindihan kita. Pero 'wag mo naman sanang kalimutang kuya mo siya at alam niya ang nakakabuti sayo, sa atin." Saad ni Mommy
"Okay, Mom. Nakukuha ko ang punto mo. Hindi ko lang matanggap na hinayaan niya na nga si Euphoria ng araw na iyon, nag sinungaling pa siya sa akin. Parang ang baba talaga ng tingin sa akin ni Kuya Yarris." Saad ko
Umiling iling si Mommy dahil sa sinabi ko.
"No, anak. Wala lang siyang choice kung hindi ang pabayaan si Euphoria. Kung mayroon man akong kapatid na malamig na bangkay na, hindi ako mag dadalawang isip na gawin ang ginawa ng kuya mo. He maybe strong but when it comes to family, he's weak. Yarris only wants the best, and what we need to do is to understand him." Saad ni Mom
Natameme ako sa sinabi ni Mom. Napabaliktanaw ako sa mga nangyari sa buhay naming nitong mga nakaraang taon at lahat tumutugma sa sinabi ni Mom.
"Pero ang hirap niyang intindihin Mom." Saad ko
"I know. Mag kaibang mag kaiba kayo kaya ganoon. I'm not comparing you two, I'm talking about the personality. But please, try to understand him." Saad ni Mom, "Alam mo bang siya ang pinakaexcited na mag mulat ang mata mo noong baby ka pa? To him you and Damari are his precious siblings. He's doing all of these to protect you at all cost."
Hinawakan ni Mom ang kamay ko at pinisil iyon.
"Don't worry, everything will be alright Serendipity. I will make that sure." Saad ni Mom
May kung anong kaginhawaan ang idinulot noon sa puso ko. Lahat ng pangamba ko sa kinabukasan ay nawala dahil nalaman kong kasama ko si Mom.
Nagulat naman ako ng humahangos na dumating si Hansley. Sabay pa kaming nag tatakang tumingin ni Mom sa kaniya. Matapos mag bigay galang ay napahinga ito ng malalim.
"May masamang balita po ako sa inyo." Saad ni Hansley
Pagkasabi niya palang noon ay gumulo na ang isip at puso ko. Ang kapayapaang ibingay ng nanay ko ay nawala na, napalitan na iyon ng kaba.
"Anong balita?" Tanong ni Mommy
Napatingin pa muna sa akin si Hansley at para bang nag aalangan pang mag salita. Ngunit nang tignan ko siya ng masama ay doon na siya nag umpisa.
"S-si Euphoria, mag papakasal sa pangalawang anak ng pinuno ng Guarduans. Si Kille Deliv." Saad ni Hansley
May inalabas itong sobre at nakalagay doon ang imbitasyon para sa kasal nila. Nag init ang ulo nang makitang sa akin pa nakapangalan ang imbitasyon.
"Sinungaling! Hindi pwede! She loves me!" Kaagad kong sabi
"Calm down, son." Saway ni Mom at tumingin kay Hansley, "Ang bilis naman yata? Ang sabi mo ay ilang linggo palang nandito si Euphoria. Paanong mag papakasal sila ng ganoon lang kabilis?"
BINABASA MO ANG
Immortal Sin (FANTASY SERIES #3)
FantasíaFANTASY SERIES #3 How does it feel to have a sin that you actually love? Isn't it incredible? Being punished but you're actually happy. Are you willing to accept the punishment? Will you gladly accept it? Are you ready to be sinned just to be happy...